----------
Ngunit sa aking pagka gulat ay
Nakita ko si Caridad ..
Sya yung sinasbe nila na
Bagong lipat sa lupi nila Dindo .. Sya yung knina lamang pinag uusapan sa bahay ..
Napakasama ng titig dito ni
Ate thelma ..
Huling huli ko din ng tignan din
Ito ng masama ni Caridad ..
Yung tipong para silang
Matagal ng magkakilala at
Mortal na mag kalaban ..
Yung kulang na lang ay nag
Sabunutan na sila ..
Ngunit ni isa sa kanila ay wla
Namang kumibo ..
Nagpatiuna na lamang akong
Maglakad ..
"Ate tara na .. medyo malayo pa ang lalakarin naten .. "
Baling ko kay ate thelma ..
Sumabay naman agad ito ng
Lakad sa akin , ngunit ramdam na ramdam ko .. may hindi maganda .. iba eh ..
Iba sa pakiramdam ..
Yung alam mong may mali
Alam mong may hindi tama
Pero hindi mo matukoy ,
Hindi mo ma laman kung
Ano .. lalo lamang nagulo ang isip ko ..
"Salome matagal na ba dito yun ?
Nagulat man sa tanong ni ate thelma ay hindi ko na
Lamang pinahalata ..
"Bagong lipat lang yan dito ate , bket mo na itanong ?
Magkakilala ba kayo ni Caridad ?"
" Caridad pala ang pangalan nun ? "
" Ou ate , kilala mo ?"
"Hindi , hindi ko lamang gusto ang kanyang presensya "
" Hm bket naman ate ?"
" Wla .. hayaan mo na bilisan na lamang natin maglakad .. " wika nito ..
Maya maya pa ay nakarating na kami sa bayan ..
Inisa isa ko agad bilhin ang mga nakalistang bibilhin sa papel ..
Nung papunta na kami sa bilihan ng mga karne dun may nag iba sa mga ikinilos ni
Ate thelma ..
Hindi ko alam kung guni guni ko lang o ano ..
Pero kitang kita ko ang kakaibang panlilisik sa mga mata nito ..
Halos tumulo na yung laway nya sa pagkatakam sa mga
Nakikita nya ..
"Ate .. ate thelma .. wui ate thelma ! Sabay tapik ko na sa kanya kse parang wla sya sa kanyang sarili .. parang nasa ibang katauhan sya ..
Tumingin naman agad sya sa akin nung tapikin ko sya ..
Nagtaka ako , baket kaaya aya na ulet yung muka nya ..
Medyo nag tataka na ko sa sarili ko .. hinipo ko konte ang nuo ko pati leeg ko .. wala naman akong lagnat ..
Ano bang nangyayare sa akin ?
Binalewala ko na lamang iyon .. inisip ko bka guni guni ko lang ang nakita ko o baka namalikmata lang ako o baka dahil sa kulang ako sa tulog ..
Lahat na ng baka naisip ko na para wag ng bigyan ng ibang kahulugan ang nakita ko ..
Papunta kami nun sa bilihan ng tuyo ng biglang magsalita si ate thelma ..
" Salome san ba ako pwede maka ihi dito ? Halos pumutok na ang pantog ko .. ihing ihi na ko .. "
" Ate andun po yun sa dulo oh '
Turo ko sa dulo malapit sa may gulayan .. "
" Ihi lang muna ako ha "
" Sege ate , dun na lang kita aantayin .. " sabay turo ko sa pwesto ng nag titinda ng tuyo kung san kami lagi bumibili ni inang "
" Sege dun mo na laman ako antayin .. " at umalis na nga ito ..
Dumiretso naman na ako at bumili na ng tuyo ..
Maya maya pa may bigla na lamang nag sisisigaw !
Pagdating na pagdating namin sa bahay ay dumretso na
Agad si ate thelma sa kwarto nila ni dodoy ..
Ako naman inayos ko na yung
Mga pinamili namin ..
Nilinis ko na agad yung karne tapos nilagyan ng madaming asin .. yan kase ang paraan namin para hindi ito mabilis masira .. di pa naman uso ang mga refrigerator nun eh ..
Mainam na pamapalasa sa ulam pag isinahog ito ..
Ginagawa namin nilalagyan ng napakaraming asin yung para sang itinago sa asin tapos i bibitay namin sa taas nung lutuan namin malapit sa kalan para mabilis itong matuyo .. sa umaga kapag mainit pwede di ito ibilad sa araw .. try nyo minsan mga ka estorya .. masarap ..
Balik sa kwento .
Ayun na nga .. ng matapos ko na ang ginagawa ko ay nag saing na ko agad .. alam ko naman kase na pagod at gutom na sila inang at itang tas sumama pa mag gapas si dodoy eh antakaw pa naman nun kumaen ..
Pagtapos ko mag saing nag luto na din ako ng ulam bali yung kalahati sa karne na binili namin ay niluto ko ..
Nilaga para naman madami ang makain nila inang kase paborito nila yung mga masabaw na ulam ..
Maski ako din naman ..
Tamang tama yun kase mag a alas singko na ng hapon pauwe na sila ..
Lumabas naman si ate thelma nun ng kwarto ..
Tinulungan na nya ko .. sya na nga ang nag lagay ng mga plato sa lamesa ..
"Uy ate di ka na naman ba kakain ?"
Tanong ko dito kase apat lang ang inilagay nya na plato sa lamesa ..
"Hindi eh . " Ngingiti ngiting sagot nito ..
" Buti ate kaya mo na walang kanin .. ako kase di ko talaga kaya .. "
" Naku salome wag mo na ko intindihin sanay na sanay nako na hindi nag kakanin .. buhat na buhay ako sa nilagang kamote at balanghoy .. kahit tanong mo pa kay dodoy mo , hindi pa kami magkakilala dati nakikita naman nya sa restaurant na hindi talaga ko nakaen ng kanin "..
"Sabagay ate . Kaya siguro napka sexy mo .. ni walang ka pats pats oh ! "
Nagkatawanan kami nun ng dumating sila inang ..
"Aba aba .. mukang masaya nag pinag kukwentuhan nyo ah " sbe ni dodoy ..
" Eh pano ba naman doy , sbe ko kay ate kaya xa sexy kase nd xa nkaen ng kanin " ..
" Sows ganyan talaga yang ate mo .. aayaw pa ba ko ? Nka tipid kami sa bigas "
Sabay tawanan kami lahat ..
Masya kami kumaen ng hapunan .. tapos nag pahinga saglit .. ako naman lumabas muna .. ngunit ..
Itutuloy ..