Chapter 6

2703 Words
ZYTH's POV Friday na ngayon at katatapos lang ng klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa locker ko. May kukunin kasi akong mga libro dun para sa mga homeworks ko. Kailangan ko kasing matapos lahat yun dahil malapit na ang acquiantance party namin. It's been three days na din pala mula nung ipakilala ako ni kuya sa kanilang tatlo. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala pa namang masyadong nangyari maliban nalang sa laging pangungulit ni Nov sakin. Hindi na rin ako masyadong inaaway at binubully ni Vaughnne simula nung araw na ipakilala ako ni kuya sa kanila although minsan ay nakikita ko siyang nakatingin ng masama sakin. Malapit na sana ako sa locker ko nang biglang may humarang saking apat na babae. Mabilis namang nakalapit sakin yung isa at sinamaan ako ng tingin. Mestiza siya, matangkad, blonde ang buhok at may makapal na eye shadows, blush-on at lipstick. 'Tss. Nagmukha siyang coloring book sa itsura niya.' "Why are you staring?" mataray na tanong niya sakin. Tsk! Ano namang eksena to? Ito na ba yung napapanood kong eksena na aapihin ng mga conyong babaeng tulad nila ang isang nerd na tulad ko? Tss. "I just can't help to stare at your face." maikling sagot ko sa kanya. Napa-flip hair naman siya sa sinabi ko at tinaasan ako ng kanyang kilay. Binigyan ko lang siya ng isang bored na ekspresyon sa mukha. "Are you envious of my oh-so-beautiful face? Well, let me tell you that you.will.NEVER.look.like.me." conceited niyang hayag nang may diin ang bawat salita. 'Nagbuhat pa ng sariling bangko. Tss!' "I'm not and I won't. Even in my wildest dream, I can't foresee myself having the looks like yours, you look like a coloring book afterall." bored kong sabi. I smirked at them and was about to go when someone pulled my hair. Agad ko namang sinuportahan ang suot kong wig na baka matanggal sa lakas ng pagkakahila niya. Nang medyo ayos na at masiguro kong okay na ulit ang wig ko'y nilingon ko kung sinuman ang humila ng buhok ko. "What did you say again?! Ang kapal din naman ng mukha mong panget kang insultuhin ako!!" mataray na sigaw pa niya. "Bakit? Nainsulto ka ba? Naniniwala kasi akong naiinsulto lang ang isang tao kapag sinabihan o nakarinig sila ng totoo." seryoso kunwaring sabi ko sa kanya atsaka ngumisi nang nakakaloko ng makita ang reakson niya. Lalo lang namang namula ang pisngi niya sa galit dahilan upang sampalin niya naman ako. 's**t! I didn't see this one coming!' Habang hinihimas ko yung pisngi kong sinampal niya ay meron pang sumipa sa likod ko dahilan upang matumba ako. 'F*ck! Ang lakas ng isang yon ah.' Akmang sisipain ulit ako ng isa niyang kasama nang umiwas ako. Duh? Anong akala nila nasa isang teleserye kami o isa sa mga stories sa libro na magpapa-api ang isang nerd na kagaya ko sa mga conyong kontrabidang tulad nila? Hell,no! This isn't a drama and definitely a story kundi isang reality. Agad akong tumayo bago pa niya ulit ako masipa. Binalingan ko yung humila ng buhok ko atsaka hinila din yung buhok niya. Napasigaw siya sa sakit samantalang gamit ang isa ko pang kamay ay sinampal ko naman ng dobleng lakas sa pagkakasampal ni blonde hair at tinadyakan naman yung sumipa sakin kanina. Sabay-sabay silang napamura sa sakit. I didn't take my self-defense class for nothing! Hindi ko aakalaing sa eskwelahang ito ko pa iyon magagamit. Akmang iiwan ko na sana sila dun nang biglang may tumulak sakin sa likod kaya natumba ako. 'D*mn! Nakalimutan kong apat pala sila! I badly need to review my Addition topic in Math. Mali ang pagcompute ko kung ilan sila!' Mabilis naman ang naging pagkilos nung tatlo pagkakita nilang natumba ako atsaka mabilis akong hinawakan ng dalawa. Maarteng naglakad papunta sa harap ko si blonde girl at sinuklay niya pa muna gamit ang kanyang kamay ang nagulo niyang buhok. "Di ko akalaing ganyan pala talaga kalakas ang loob mong panget ka na kalabanin ako. Una, nilandi mo si Czake, ngayon naman sina Reigh at Nov. Sinong isusunod mo, ha? Si Vaughnne ko? Well, ngayon palang binabalaan na kita. Wag kang magkakamaling lumapit sa kanya kung ayaw mong maulit to." mahabang sigaw niya atsaka kinuha ang inaabot ng kasama niyang makapal na kahoy. Napapikit ako ng mariin ng akmang ihahampas na niya iyon sakin. Oh, God! Bakit ba kasi walang dumadaang estudyante dito?! Nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang nag-iisip kung paano ako makakalusot sa sitwasyong to. Ilang segundo pa akong pumikit at hinintay kong dumapo ang paghampas niya. One.. two.. three.. four.. five.. 'Bakit ang tagal? Nagkamali na naman ba ako pagbilang? D*mn, I really need to review my Math subject!' Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at... Hawak-hawak na ni Vaughnne ang braso ni blonde girl na na may kahoy na ipanghahampas niya sana sakin!!! 'Bakit siya nandito sa girl's locker room?' "V-vaughnne?" kinakabahang usal ni blonde girl. Kitang-kita ang panginginig ng mga braso niyang hawak-hawak nito. "What are you doing?" malamig na tanong nito kay blonde girl. "Ahhh..uhmm..no-nothing, Vaughnne. You don't have to worry about me, I'm okay." maarteng sabi niya atsaka malanding ikinawit ang kanyang kamay kay Vaughnne ng makabawi sa pagkagulat niya. "Tinatanong kita, Cheska! Anong ginagawa niyo sa kanya?!" sigaw niya dito kaya napabitiw naman yung Cheskang yun dahil sa gulat. "W-what's wrong, V-vaughnne? I thought you don't like her that's why I'm doing this. Besides, siya ang nauna. S-sinampal ako ng babaeng yan!" umiiyak pa kunwaring sumbong niya atsaka dinuro ako. "Really? At bakit niya naman gagawin yun sayo?" di kumbinsidong tanong nito kay blonde girl habang kami, tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa. "S-she heard that I-I like y-you kaya niya kami hinarangan dito. Ayaw daw niyang mapalapit ako sayo because she's envious and threatened sa ganda ko." maarte na namang usal nito. 'Anak ng! Sabing hindi ako naiinggit sa itsura niyang parang coloring book, eh!' "Tss. I'm not envy with your face. I told you, you look like a coloring book. I never dreamt having that kind of face, so..... dream on!" walang emosyon kung sabat sa kanila kaya pare-pareho silang nagulat at napatingin sa direksyon ko. Nakita ko namang ngumisi si Vaughnne dahil sa sinabi ko samantalang halata naman sa itsura ni blonde girl ang pagkairita. Nakita ko ring inirapan niya ako ng mabilis at maya-maya pa'y naramdaman kong mas diniinan pa nung dalawa ang pagkakahawak nila sakin. Ramdam ko ang sabay na pagbaon ng kanilang kuko sa braso ko kaya napangiwi ako. "Kayo!" sigaw ni Vaughnne sa dalawa. Nagulat naman sila kaya nabaling ang atensyon nila dito. Nakita malamang nito ang pagngiwi ko. "Let go of her!" dagdag pang sigaw nito kaya akmang bibitawan na nila ako nung pigilan sila ni Cheska. "Don't!" sigaw niya sa dalawa kaya hinigpitan ulit nila ang pagkaka-hawak sa braso ko. Inis namang hinarap ni Cheska si Vaughnne. "What do you think you're doing, Vaughnne? I can't believe you! I told you already, she's the one who started this." pagmamaktol niya pa. "Tell them to let her go, Cheska! I know you kaya alam kong ikaw ang may pakana nito." nauubusan na ng pasensiyang baling niya kay Cheska. Ako man ay nagugulat sa inaasta ngayon ng lalaking ito! Never kong naisip na siya ang pipigil sa mga babaeng ito! Dapat siya pa nga ang kauna-unahang tao na matutuwa, diba? "V-vaughnne? You know me for how many years while you don't know this ugly girl! Paanong mas pinaniniwalaan at kinakampihan mo pa yang babaeng yan!! At isa pa, nabalitaan ko ang mga ginawa niya sayo para mapahiya ka!" parang di-makapaniwalang sigaw niya rito. "That's it, Cheska! Sayo na mismo nanggaling na MAS kilala kita kesa sa kanya. I know you for years at alam kong ikaw ang nag-umpisa nito. And in my case, I never asked you para ipaghiganti ako. Ako ang pinahiya niya, hindi ikaw." pilit ang pagtitimping sagot niya rito. "Why, Vaughnne? Dati naman na may binubully ako na babaeng napapalapit sayo ay di mo naman pinapakealaman ah. Bakit ngayon parang worry na worry ka sa kanya?" she said out of irritation. " Wala ka ng pakialam dun, Cheska." malamig na sabi ni Vaughnne sa kanya na ikinatahimik niya. " Hoy,coloring book! Tigil-tigilan mo pagiging madrama mo! Hindi bagay sa mukhang comedy na aurahan mo!" sigaw ko sa kay Cheska na agad namang bumaling sa akin. " Coming from you, ugly creature?" she said as if she's nandidiri sa face ko. 'Like duh? Kung alam mo lang ang itsura ko sa likod nitong mga wigs at glasses ko baka pati ikaw mainlove saken.' Gusto ko sana iyong isigaw sa pagmumukha niya pero isinarili ko nalang iyon. "I'd rather have this look forever rather than to have yours." I said honestly na mas lalong ikinapula ng mukha niya sa galit. Naramdaman ko namang unti-unti na ulit nilang hinihigpitan ang pagkakahawak sa braso ko kaya mabilis akong kumuha ng bwelo. I flipped backward at hinanda ang sarili kong mag-balance para sa pagtayo. Hindi iyon inaasahan ng dalawa kaya naman napabitaw sila sa akin. Nag-unahan naman silang lumapit para sana hawakan ulit ako ng bigla akong magsplit. Sakto lang na masapol silang dalawa at mabilis na natumba. I stand up with a poise and confidently flips my hair. Sabay naman na napa-aray ang dalawa dahil sa ginawa ko. Habang si Vaughnne naman at Cheska ay parehas gulat sa inakto ko. Sinamantala ko iyon upang makalapit sa kanila. Dahan-dahan akong lumapit kay Cheska, the coloring book. Medyo napa-atras naman siya sa ginawa kong paglapit. I smirked. "Listen to me, Ms. Coloring Book! We ain't in a Teleserye or any Drama Fantasies. You're not that Conyo Kontrabida Girl who can bully me. And sad to say, I'm not the typical nerd na lalampa-lampa na magpapabully sa inyo. Next time you'll get in to my way, babaliin ko na ang mga buto niyo." seryoso ngunit may pagbabanta kong bilin sa kanya. Mabilis ko silang tinalikuran at naglakad parin ng may poise. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Vaughnne sa likod ko ngunit hinayaan ko na lang iyon. Hindi pa kami nakakalayo nang marinig naming sumigaw ulit si Cheska. "We're not yet done, ugly creature!!" at bago pa ko makapag-react ay nakalapit na ulit kami sa kanila. Hila-hila na ako ngayon ni Vaughnne atsaka niya hinawakan ng mariin si Cheska sa braso gamit ang isa pa niyang kamay. Kitang-kita ko kung ganu kahigpit ang pagkakahawak niya dun dahil halos namula na yun sa higpit ng pagkakahawak niya. "Don't you ever lay your fingers with her again and I'm warning you Cheska...Ako na ang makakalaban niyo!!" he gritted his teeth in anger bago tuluyan na niya ulit akong hinila palayo doon. Iniwan naming tulala sina blonde girl kasama ang mga alipores niya habang ako na nasa likod niya'y nagulat rin. Nagpaubaya lang ako sa panghihila niya dahil somehow I feel scared. Dinig ko ang bilis ng paghinga niya na nagpapatunay na galit nga siya. Nanatiling tikom lang ang bibig ko dahil di ko alam kung ano ang sasabihin. Ilang ulit na rin kaming nag-away pero hindi ko siya nakitang nagalit ng ganto. Sinubukan kong bawiin ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya pero nabigo lamang ako dahil mas hinigpitan niya iyon. Hindi ko pa din alam ang sasabihin ko dahil baka madagdagan ko lang ang anumang galit niya. Wala rin akong ideya kung saan kami pupunta dahil patuloy lang siya sa paghila sakin. Tumigil kami sa likod ng College Building sa may garden at unti-unti ko nang nararamdaman ang pananakit ng magkabilang pisngi at mga paa ko. Marahas kong binawi ang mga kamay ko sa kanya at naisapo iyon sa pisngi ko. "Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo at pinagdiskitahan ka nila ng ganun?!" inis niya akong sinigawan dahilan upang magulat ako. "At ano rin ba'ng sayo kung pagdiskitahan man nila ako, ha? You even pulled me here. Ano bang ipinuputok ng butsi mo eh hindi naman IKAW yung inagrabyado?! For all I know, masayang-masaya ka siguro dahil sa wakas, hindi kana nag-iisa na nambubully sakin dito! " inis ring sigaw ko kaya napayuko siya. 'Siya na nga tong nanghihila bigla tapos siya pa may ganang sigawan ako. Tss. Adik yata ang isang to eh!' Agad kong tiningnan ang mga paa kong kumikirot. Hinubad ko ang sapatos ko at nakita kong may paltos ang mga iyon. Napansin rin yata niya kaya agad na napalitan ang kanina'y galit niyang mukha into a worried one. Mabilis siyang lumuhod sa harap ko atsaka niya ako inalalayang makaupo sa malapit na bench dun. Nakita ko siyang may kinuha sa kanyang wallet. Maya-maya pa'y napansin kong bandaide pala iyon. Pinagmasdan ko lang siya habang nilalagyan niya ng bandaide ang mga paa ko. Dahil dun nagkaroon ako ng chance na pagmasdan ang mukha niya. His thick eyelashes were perfect in his deep set of brown eyes , his pointed nose and his thin pinkish divided lips. And it's his perfectly-shaped jaws which completed the picture. Bigla siyang napaangat ng tingin at tinitigan ako ng diretso. His worried eyes make me feel uneasy kaya agad kong iniwas sa kanya ang panigin ko. "Does it still hurts?" worried niyang tanong para basagin ang awkwardness. "H-hindi na m-masyado. B-bakit mo nga pala ako hinila dito?" awkward pa ring tugon ko. "I-i don't know either. Maybe it was my adrenaline.." Bahagya pa siyang yumuko na parang nahihiya sa ginawa niya bago nagpatuloy. "I-i don't know but I was mad seeing you there. When Cheska was about to hit you, dun ko na di napigilan ang sarili kong lumapit." he confessed. "Ahhmm..t-thankyou nga pala..p-pero would y-you mind if I'll ask you kung anong ginagawa mo dun sa g-girl's locker room?" naguguluhan kong tanong dahilan para mapalunok siya ng ilang beses. Ewan ko kung ako lang ba talaga pero nakita kong parang...... NAMUMULA SIYA!! O_O "Ahhh..a-ano..k-kasi n-napadaan lang ako dun kanina." pakamot-kamot pa sa ulong sabi niya. "Is that so?" nginisian ko siya ng nakakaloko dahilan upang mapakunot-noo siya. "W-what do you want me to say, then? Na s-sinusundan k-kita?" iritable na namang sigaw niya. 'Nawiwili na masyado 'tong ungas na to na sigawan ako, ah!' "Hmm.." nag-isip pa kunwari ako atsaka kunwaring nagseryoso. "Ikaw ang may sabi niyan at hindi ako." kalmadong sagot ko sa kanya kaya namula ULIT siya! "A-ang k-kapal mo, ah! Pwes, para sabihin ko sayo, h-hindi ka maganda!" sabi niya at inirapan ako. Napangiti naman ako ng tahimik dahil dun. "Okay. Pero bakit mo nga ba niligtas ang hindi magandang tulad ko dun sa mga yon?" seryoso kunyaring tanong ko sa kanya dahilan upang mabalisa ulit siya. "S-sabi nang n-napadaan l-lang ako d-don." nauutal ulit na saad niya. "Well, salamat pala dahil sa pagdaan mo kaya di ako nasaktan." nakangisi pa ring sabi ko pero agad din iyong nawala ng nakita ko siyang nagseryoso. ~lunok~ Di ko alam pero bigla akong kinabahan... "At hindi ko na muli pang hahayaang masaktan ka pa ulit by any means." seryosong sabi niya atsaka pilit na hinuli ang mga mata ko. "W-what do y-you m-mean?" naguguluhan ng tanong ko sa kanya. Nakakaramdam na din ako ng pagkailang sa paraan ng pagkakatitig niya. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero..naiinis ako pag nakikita kitang lumuluha at nasasaktan. Parang...nasasaktan rin ako kapag nakikita kitang malungkot." seryoso muling sambit niya atsaka............. O_O NIYAKAP AKO!! Bigla siyang nagsalita ulit habang yakap-yakap ako dahilan para bumilis bigla ang t***k ng puso ko..... "I don't know what's gotten into me pero ayokong nakikitang may nanakit sayong iba." seryosong sabi niya habang nakikinig lang ako habang gulat pa din. Mabilis naman niya akong binitawan ng marealize ang mga ginawa at pinagsasabi niya. Medyo lumayo siya sa akin at kasabay nun ang pagbago ng ekspresyon sa mukha niya. "I don't want anybody else's to bully you. Ayokong may ibang gumagawa nun, bukod sa akin." sabi niya na nagpabusangot ng mukha ko. Mabilis niya akong tinalikuran pagkatapos nun at dali-daling umalis. Naiwan akong tulala at naguluhan bigla sa mga nangyayari. 'I thought he'll be nice to me. I thought he did that just because he's concern of getting me hurt. Ayaw niya lang pala na may ibang mambubully sakin dahil gusto niya sa lang.' Mapait akong napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD