ZYTH's POV
Napailing ulit ako ng maalala ko ang mga nangyari kanina.
Mag-isa akong naglalakad ngayon sa hallway pabalik sa dorm pagkatapos niya akong iwanan dun.
Paika-ika akong naglalakad nang mapansin kong halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin atsaka tumatawa.
I know na super ugly ko at katawa-tawa ang itsura ko ngayon pero sobra naman yata sila kung makatawa ngayon.
Napailing na lamang ako at hindi na sila pinansin.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano kalayo ang pinagdalhan sa akin ni Vaughnne kanina.
Urgh! That crazy man! Pagkatapos niya akong hilahin ng pagkalayo-layo, iniwan niya na lamang ako ng basta-basta!
Tawa pa rin ng tawa ang mga estudyante na madadaanan ko at inikutan ko na lamang sila ng mata.
Sobrang sakit ng mga paa ko na hindi ko na kaya pang pagtuunan pa sila ng pansin.
Mabagal kong tinatahak ang hallway ng makarinig ako ng isang boses mula sa likuran ko.
"Ms. Desales!" dumagundong ang sigaw na iyon mula sa likod ko.
Nakita ko ang aming Math Prof na galit na galit nang lingunin ko!
"Give yourself some decency! You're not an Elementary for heaven's sake!" galit na sigaw niya sa akin na ipinagtaka ko.
"What's wrong, Ms. Kim? Anong nagawa kong kasalanan sa inyo?" bakas sa mukha ko ang pinaghalong gulat at kaba.
"I need your explanation on the guidance office now, Ms. Desales. " galit na galit na aniya na parang hindi man lang narinig ang tanong ko.
Kunut ang noo ko dahil sa naguguluhan ako sa mga nangyayari.
Bakit galit na galit sa akin si Ms. Kim?
Tanong ko sa sarili ko na hindi ko masagot-sagot.
Pinagtitinginan pa rin ako ng bawat estudyanteng nadadaanan ko kaya mas lalo lang akong nagtaka!
Bakas sa mukha ko ang pagkalito hanggang sa mapadaan ako sa Music Room. It has a crystal wall na kitang-kita ang mga iba't-ibang Music Instruments mula dito sa labas. Kompleto iyon at kahit kita dito mula dito sa labas ay wala ka namang maririnig. Sound proof kasi iyon at tanging galaw lang ng mga tao sa loob ang makikita mula dito pero hindi ang tunog na nagmumula doon sa loob.
Ngunit hindi iyon ang nakapagpatigil sa paglalakad ko. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa crystal wall ng Music Room na may nakasabit sa likod ko.
Kunut-noo kong hinila iyon at agad na binasa ang nakasulat!
Agad na nag-init ang ulo ko sa nabasa!
Now I know why they're laughing at me! Kung bakit lahat ng taong nadadaanan ko ay sobra-sobra ang pandidiri at pagtawa sa akin.
Alam ko nadin kung bakit ako napagalitan ni Ms. Kim at kung bakit siya galit na galit sa akin at pinapapunta ako sa Guidance Office.
Nag-iinit ang tenga ko sa sobrang galit at alam kong sobrang pula na rin ngayon ang mukha ko dahil sa pinaghalong galit at hiya!
Walang ibang pwedeng gumawa nito kundi ang nag-iisang taong nasa isip ko ngayon!
D*mn him! I thought he just saved me but I was wrong all along!
Muli kong binasa ang mga nakasulat sa papel na nakadikit sa likod ko at pinunit iyon dahil sa galit na nararamdaman ko.
Gusto kong umiyak ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko.
'No! I won't give him the satisfaction! Never, again!'
Inis kong tinapon ang punit-punit na bondpaper sa pinakamalapit na basurahan na nakita ko. Mabilis akong nagmartsa paalis sa lugar na iyon nang hindi iniinda ang sakit ng mga paa ko.
'Humanda ka saking lalake ka!Hindi matatapos ang araw na ito at makakaganti rin ako sayo!'
Padabog akong pumunta sa Guidance Office. Wala sa sariling kumatok ako sa pintuan bago pumasok.
"Good afternoon, Ms. Kim!" magalang na bati ko sa aming Prof na agad naman akong tinignan ng may disappointment sa mukha.
"Take a sit, Ms. Desales. I think you know the reason kung bakit kita pinapunta dito." bakas sa boses niya ang galit kaya napayuko lang ako.
"The school wouldn't allow students like you to do something like that! You know the school premises! And even if it's not for the school, even just for yourself.. Have some decency! We do not tolerate behaviors like that. As you can see, this school is known to be the most disciplinary and excells in both Academic and Performance. I'm sorry to tell you but we need to take disciplinary actions to your behavior." dagdag pa niya na pangsesermon sa akin na mas lalong nagpanlumo sa akin.
As much as I wanted to defend myself, hindi ko magawa. Gustung-gusto kong sabihin sa kanya na I was framed up and that someone put that on my back pero sinong niloko ko? Sinong maniniwala kung magdadahilan pa ako? Magsasayang lang ako ng oras at lakas para ipagtanggol ang sarili ko dahil wala rin namang maniniwala.
I sighed in defeat one more time. Guess, I need to take that 3 days of community service as my punishment for my "violation".
Nanghihina akong naglakad at tinalikuran ang opisinang iyon. Gusto kong umiyak pero hindi ko ginawa. Gusto kong tumakbo kay kuya at magsumbong pero mas pinili kong wag nalang.
There's too much on his shoulder right now at hindi ko matake na dumagdag pa sa mga iyon. Atleast kahit sa pagtanggol man lang sa sarili ko, ay maging dependent naman ako.
Matamlay ako habang naglalakad pabalik sa room ko. Pagod na pagod ang parehong utak at katawan ko sa mga oras na ito. Gusto ko na lamang humiga sa kama ko at matulog para saaglit makalimutan ang mga iyon.
I don't know what to do pero nagpromise ako sa sarili kong kakayanin ko ang lahat ng pagsubok na darating. My life is totally far from the life I used to live pero sa tingin ko ay kakayanin ko naman ang lahat. At dapat kayanin ko.
Malapit na ako sa kwarto ko nang makita ko siya.
It feels like all the pains and hatred are coming back into my senses right now. Hindi niya pa ako napapansin dahil busy siya sa phone niya.
Naalala ko na naman ang nakasulat dun sa papel na pinunit ko kanina. Mabilis naman na uminit ang ulo ko dahil dun.
Mabilis akong nag-isip ng paraan para makaganti man lang sa kanya. Agad kong naalala ang balat ng saging ko na nasa bag. Pasimple kong kinuha iyon at itinago sa mga kamay ko.
Magkakasalubong na kami pero hindi niya parin ako napapansin. I smirked.
Pasimple kong binitawan ang balat ng saging na saktong-sakto sa madadaanan niya at mabilis na ipinikit ang aking mga mata.
Naramdaman kong nalagpassan na niya ako kaya napabilang ako sa isip ko.
In one.....
Two...
Three..
~blaaaaaaaaaggggg~
Phew. Perfect!
Ang galing ng pagcalculate ko!
Hindi ko mapigilang mapangisi bago siya lingunin.
Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at gulat ang mukha. Ang kanina'y hawak-hawak niyang cellphone,ngayon ay nakatilapon na.
Hindi ko mapigilan ang lihim na pagtawa ko. Mabilis niya naman akong nilingon na parang hindi pa din makapaniwala.
"Oopps! Looks like my prince charming didn't see the storm coming!" nakataas ang kilay na pang-aasar ko sa kanya.
Mabilis naman siyang tumayo at paika-ikang inayos ang pwesto niya. Madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin but I wasn't tamed. The grin on my face is still there.
"What the hell are you doing, you ugly woman!" sigaw niya sa akin ng makarecover sa pagkagulat.
Tiningnan ko naman siya at mabilis na umiling na parang inosente at walang kabalastugang ginawa.
"I don't know! I'm just silently walking here habang nakatingin sa daan na dinadaanan ko. Ikaw ba?" may halong pang-iinsultong saad ko sa kanya.
"You!" sigaw niya atsaka dinuro duro pa ako.
"You'll gonna regret the day you transferred into this school." pagbabanta niya pa.
Nagkunwari naman akong natakot sa pangbabanta niya.
"Whoa! I'm scared as if it's gonna be my last day! Bakit, kasalanan ko ba kung tatanga-tanga ka sa paglalakad mo at hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" may diin ang bawat salitang binibitawan ko saa kanya.
Napatigil naman siya sa mga sinabi ko.
"Kahit hindi mo pa aminin, alam kong ikaw ang nasa likod ng pagkakadapa ko. Knowing you? Tsk!" siguradong-sigurado siya sa nga banta niya.
Umakto akong takot na takot sa sinabi niya dahilan upang umigting lalo ang panga niya. Napangisi ulit ako.
"Stop the sh*t you are talking about, Vaughnne! You were the one who started this! Walang-wala yan sa ginawa mong pagpapahiya sa akin kanina." sigaw ko sa kanya ng maalala na naman ang nakadikit sa likod ko.
" Why? Isn't is true? Diba kaya ka naman talaga nagpapapansin sakin at kaya mo ginagawa ang lahat ng ito para makuha ang atensyon ko?" he smirked.
Napahilot ako sa sentido ko sa sobrang frustration! D*mn, he's so full of himself!
"Duh, seriously Vaughnne? You really thought I'm into you kaya ko ginagawa ang lahat ng ito? Like d*mn, you're too full of yourself!" frustrated kong sigaw sa kanya.
Gusto kong i-explain sa kanya at klaruhin na nagkakamali siya pero bakit pa? Ang nga taong kagaya niya ay walang oras makinig sa iba kundi sa sarili niya lamang.
"Then what is your reason, Vien? Tell me.." pag-uudyok niya pero wala akong maisagot sa kanya.
Inalala ko lahat simula nung unang araw na nakapasok siya sa kwarto ko hanggang sa naging eksena namin saa Cafeteria.
Lahat ng pagganti ko sa lahat ng kabalastugan niyang ginawa sakin! Lahat ng iyon, inakala niyang gustung-gusto kong makuha ang atensyon niya!
All this time, he thinks I am that desperate to catch his attention? Gaaaad! These are all getting into my nerves that I can't even speak out! Sa tingin ko kung patuloy akong magsasalita, mas hahaba lang ang pagtatalo namin at mas iisipin niya lang na lalo akong nagpapansin sa kanya.
Akmang tatalikod na akoo sa kanya nang mahigpit niyang pinigilan ang mga braso ko.
Galit ang ekspresyon ng mukha ko nang lingunin ko siya.
"What? You don't have any reasons, right?" ayan na naman ang nga ngisi niya.
" Look, Vaughnne! If you're thinking that I'm too desperate to catch your attention through all of these then I'm telling you now that you're wrong." panimula ko na ikinatigil naman niya.
Naghihintay siya ng idudugtong ko kaya huminga ako ng malalim bago magpatuloy.
"I'm doing these dahil lagi mo akong inuunahan! All my life, wala akong hinabol at hindi ako nagpakadesperada para lang mapansin ak--" agad niya akong pinutol.
" You didn't dare because no one would ever notice you! Yeah at kung meron mang makapansin sayo dahil iyon sa ang panget mo! Kaya sa paraang ganto mo lang talaga makukuha ang atensyon ko! Diba? Come on, Vien. Gwapo ako pero di ako tanga para hindi makuha ang mga balak mo." nakatiim-bagang aniya habang mas lalong hinihigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.
Iniharap niya ako sa kanya at marahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napasinghap ako dahil sa ginawa niya. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit iyon.
"Now, you've succeeded! You've got my attention now, Vien! All of my attention hindi nga lang dahil sa attraction kundi dahil sa galit at inis! Paano ba yan, anong sunod mong gagawin? Pipikutin mo na ba ako? Maghuhubad ka ba sa harap--"
~paaaaak~
Hindi ko na siya pinatapos sa mga nais niyang sabihin! Sinampal ko siya! Buong-lakas na natitira sa akin!
Napahawak siya sa mga pisngi niya kaya nabitawan. niya ako.
Wala akong ibang gusto kundi ang maipaliwanag sa kanya ng maayos na mali ang nga inaakala niya. Pero, sumosobra na ang nga lumalabas sa bunganga niya.
"Watch your mouth, Mister! Maybe most of the girls here wanted you, your attention and even strip their clothes voluntarily in front of you but I'm telling you loud and clear. SPARE. ME. You got the looks, yes! You have the fame, yes! But that's not enough para isipin mong magugustuhan kita! I'm not even attracted to you and definitely will not! Say that I'm an ugly nerd but I have the decency! Hinding-hindi ko ibababa ang sarili ko ng ganun-ganun lang para sa isang tao!" mahabang sigaw ko sa kanya na ikinatagil niya.
Seryoso na ang mukha niya ngayon at hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya. Kita ko ang pagkabigla niya sa lahat ng mga sinabi ko pero yun lang! Wala na akong ibang mabasa maliban dun.
Hindi rin ulit siya nakapagsalita kaya sinamantala ko iyon upang makapagpatuloy.
"And one more thing, if all of these catch your f*cking attention then I'm sorry but it's not my fault! Stop the non-sense because I'm not happy for what is happening! Hindi ako masaya na nakuha ko ang atensyon mo at lalong hindi ako masaya na nakakasalamuha ka. Kung maibabalik ko lang ang unang araw ko dito at kung papipiliin ako, I would gladly choose na umiba ng landas para hindi kita makilala. You were'nt worthy of my attention and my time. Kung sa tingin mo lahat ng babae ganun ka desperada sayo, ibahin mo ako. Hindi ko gagawin yun. Never! Kung lahat sila gusto ka, ako hindi! Kaya tigilan mo na ako sa mga pambibitang mo!" sabi ko at hinawi ang buhok ko bago siya tinalikuran.
Nakatulala siya pagkatapos kong magsalita. Parang iniintindi niya lahat ng nga sinasabi ko.
Lakad-takbo ang ginawa ko upang makarating saa kwarto ko.
Inalala ko ang nakasulat sa likod ko. Idinikit niya iyon na parang siguradong-sigurado siya sa nararamdaman ko.
I'm a silent b*tch! Wag niyo akong tutularan dahil habang kami ni Czake ay desperada akong kunin ang atensyon ni Vaughnne!
Yun ang mga nakasulat sa papel na nakadikit sa likod ko! That explain why lahat ng nadadaanan kong tao ay malagkit ang tingin sa akin! Kung hindi dahil sa tawa, dahil naman sa pandidiri.
That's even the reason why I need to do the community service for f*cking 3days!!!
Gaad! Sana makayanan ko paa ang mga susunod pang araw ko dito!
Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na makatulog!
Enough for this long and tiring day!