Chapter 8

1981 Words
ZYTH'S POV Araw ng Lunes. Last Day ko na ngayon para sa 3-days na punishment ko at excited na excited na ako na matapos ito. Maaga akong nagising at naghanda. Katatapos ko lang maligo at kumain at ngayo'y nagbibihis na ako ng isang long-sleeved at gloves. Naka-assign ako ngayong maglinis ng both boys and girls na CR. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang naexperience maglinis ng mga ganto. Sobra akong nahirapan noong Sabado sa paglilinis ng buong Auditorium while kahapon naman pinagpintura ako ng stock/utility room. And today is the day. Matatapos ko na ang lech*ng punishment na 'to! Naiinis pa rin ako sa mga nangyayari pero wala na naman akong magagawa. Ewan ko lang kung nakatulong ba talaga ako sa school sa paglilinis na ginawa ko 'kunu' o nakadagdag at nakagulo lang ako. Nung last Saturday kasi habang naglilinis ako sa buong Auditorium, hirap na hirap ako at hindi ko talaga alam kung paano ko uumpisahan ang task ko. Napailing-iling nalang ako sa sarili ng maalala ang naging weekends ko. Nakasimangot akong lumabas ng Guidance Office pagkatapos kong malaman ang magiging parusa ko ngayong araw. Unang araw ko pa lamang ito at hirap na hirap na ako. Padabog kong tinungo ang Auditorium at malakas na napabuntung-hininga. Parang gusto ko nalang tumawag kay Kuya at kay Daddy para magsumbong at manghingi ng tulong pero huminga ako ng malalim at iwinaksi ang unang naisip. I'm not a Schawinger for nothing! Makakaya kong lahat ito. Nagpakawala ulit ako ng isang malalim na hininga bago inilibot ang tingin sa malawak na Auditorium! Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa! Or should I say, hindi ko talaga alam kung paano ito lilinisin! Walang pasok ngayon kaya alam kong walang gagamit nito pero rinig ko kanina sa ibang estudyanteng nakasalubong ko na may practice game daw ang nga varsity dito mamayang hapon. Well, I guess kailangan kong matapos ang paglilinis ko after lunch since maglalaro sila dito mamaya. Wala sa sarili kong kinuha ang mga walis, dustpan at mop sa utility room. Sa mga napapanood ko sa TV at sa mga nababasa ko, una ang pagwawalis pagkatapos ay ang mag-mop. Ilang orass ang lumipas at sa wakas natapos ko ang pagwawalis na ginawa at sobra-sobrang pagod na ang nararamdaman ko. I am so stinky and I hate it! First time ko yatang magpawis ng ganto sa tanang buhay ko! I badly don't know how to mop. Basta ang alam ko lang ay binabasa muna ang mop at isinasabun ito. Nakailang pabalik-balik na ako sa pagbasa at pag-mop pero parang hindi ko na talaga kaya. Paano ba ito mapapadali? Gaaad! I can't wait to take a warmth bad and relax! Kalagitnaan sa pag-iisip ko, ay may bigla akong naisip na ideya! I'm so brilliant! Mabilis kong kinuha kung saan ang linya ng tubig atsaka excited na ini-on ang gripo. Pasayaw-sayaw pa ako at pakanta-kanta para makalimutan saglit ang pagod na nararamdaman ko. I tried to forget about my punishment and just enjoy the task I am doing. Sa sobra kong pagconcentrate sa ginagawa ko, hindi ko namalayan ang oras. Nabigla na lamang ako ng may nagsidatingan na mga estudyanteng naka Jersey. Taranta kong binilisan ang pagkilos! Gaad! Anong oras na ba? Mas lalo kong binilisan ang pagkilos ko ng marinig silang sabay-sabay na bumati sa kanilang coach. "Good afternoon, coach!" "Good afternoon! Please prepare for a warm-up! Vaughnne, divide your groups into two and--" " What the h*ll is happening here?!!" Umalingawngaw ang boses ng sa tingin ko'y coach nila sa buong Auditorium! Nakakabinging katahimikan ang naghari sa buong gym pagkatapos niyon! Walang ni isang sumubok na magsalita kahit na ako. Aligaga kong pinulot ang mop at binilisan ang pagkilos ko. Pawis na pawis na rin ang buong katawan ko pero hindi ko iyon pinansin. Mas okupado ang isip ko kung paano ko ito matatapos at kung ano ang gagawin kong paraan para mas mabilis na mapatuyo ang buong court! Yeah! I didn't know too much water would turned out this bad! Halos magbaha ang buong Auditorium kahit pa sobrang init naman sa labas! "What did you think you are doing, Miss?" galit pa ring sigaw nung lalake na hindi ko kilala pero base sa tindig at ayos niya, siya yata ang coach ng mga estudyanteng tahimiksa lang sa gilid at pinipigilang matawa. "A-ah! Nagmo-mop po?" hindi ako sigurado sa sagot ko! Kani-kanina lang, confident ako na tama ang ginagawa ko pero ngayong may ibang tao nang nakapuna at nakakita sa mga ginagawa ko ay hindi na ako sigurado! Base sa galit na ipinapakita ng coach nila at sa pinipigilang tawa ng mga players, I know I did it in the wrong way! Obviously! "Pagmo-mop ang tawag mo jan sa ginagawa mo?! I can't believe you! Hindi mo ba alam ang tamang proseso ng pagmo-mop? 99% of your age, knows how to do it! Bahang-baha ang buong court and you'll just say it to my face na nagmo-mop ka?" pasinghal na sigaw niya sa akin na hindi makapaniwala sa ginawa ko. Napayuko naman ako ng marinig ang mahihinang pagtawa ng mga players. This time, may ilan nang hindi nakapagpigil. "I can't believe this! Vaughnne, cancel the game! We'll just do it next week! You! Clean this mess!" galit ulit na sigaw nito at inis kaming tinalikuran. Mabilis namang napuno ng tawa ang buong Auditorium pagkaalis ng coach nila. Napapahiya akong yumuko ng marealize ang maling ginawa! "Looks like karma is digital, huh?" patuyang puna sa akin ng God-knows-who! Hindi ko nalang siya binigyang pansin dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon. Pagod, hiya, hirap at lungkot! Binalingan ko ulit ang hindi na maintindihang itsura at sitwasyon ng Auditorium atsaka nagpakawala ng isang mapait na ngiti. "Tara na Vaughnne! Cancel naman ang practice game dahil mas panget pa sa itsura ng naglilinis ang court." narinig kong sabi pa ng isang ka teammate niya kasunod nun ay ang pagtawa ng halos lahat ng taong nandito. Muli akong yumuko sa pagkakapahiya. "Tama na mga pare! Parang hindi naman yata marunong maglinis yan tulad ng hindi siya marunong maglinis ng sarili niya." dagdag naman ng isa pa na ikinatawa lalo ng mga kasama nila. Halos mapuno ang court na iyon ng katatawanan nina Vaughnne at ng mga ka teammates niya ng makarinig kami ng galit na galit na sigaw! "That's enough!" sigaw ng bagong dating. Agad namang tumigil ang kanina'y pangangatiyaw nila sa akin at ang mga nakakainsultong tawa. Nilingon namin ang bagong dating at nabigla ako sa nakita. Reigh is standing there pissed and who's madly looking at them one by one including Vaughnne. He's on his casual look. Naka simpleng shorts at fitted Grey shirt. Sa simpleng suot at ayos nito ay hindi maitatago ang kanyang napaka gwapong mukha kahit na nakatiim bagang. "Coach Fernandez announced that the practice game will be rescheduled next week! So what are you still doing here? If someone will choose to stay at the count of 3, siya ang masuwerteng maglilinis nng buong Auditorium na ito!" galit na galit niyang anunsyo! Hindi pa man nakakapag-umpisang magbilang si Reigh ay paunahan na silang lahat na nilisan ang lugar maliban na lang sa nag-iisang tao na hindi man lang yata natinag sa ginawang pagsigaw ni Reigh. Nakapangalumbaba lamang siya malapit sa amin at masinsinan kaming tinitignan. "You, okay?" he asked me. Mababakas sa tono niya ang concern at sinseridad. I flashed him a sad smile. " Yeah. Thankyou nga pala!" sabi koo ng may malungkot na ngiti parin sa mga labi. I saw Vaughnne smirked. Nakakuyom din ang kamao nito na animo'y nagpipigil ng galit. "Someone's acting like a knight in shining armour, huh?" patuyang sabi niya na ang tinutukoy ay si Reigh. Hindi naman siya kinibo ni Reigh na parang wala lang narinig, as usual! Nadagdagan lamang ang inis nung isa ng makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin siyang nakuhang sagot mula dito bagkus ay dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto ko. He picked up the dustpan and the broom and started to help me. Nag-umpisa siyang walisin at sinubukang idustpan ang tubig at nilagay iyon sa isang timba. Nang malapit ng mapuno iyon ay tsaka niya iyon tinapon sa drainage. Nakatulala ako habang pinagmamasdan siya s ginagawa. Matagal bago ako nakabawi. Kahit si Vaughnne ay tahimik lang na nakamasid sa kaibigan na parang isang kabaliwan iyon. Padabog siyang naglakad at inis niya kaming iniwang dalawa. "A-hhm. Reigh! H-hindi mo naman kailangang gawin t-to!" I called him to catch his attention. Nagsisimula na ulit siyang magdustpan at pinupuno ulit yung panibagong timba. "It's nothing, Vien! Wala naman akong ginagawa sa dorm. And I think kakailanganin mo naman talaga ang tulong ko dito. It seems like you don't know what you're doing." walang emosyon niyang sabi habang patuloy pa rin sa ginagawa. Nakatayo lang ako dito na hindi alam ang gagawin. Gulat pa rin sa mga nangyayari at sa ginagawa niya. "Come on! It's really okay with me. Just help me nalang para agad tayong matapos dito at nang hindi na ito makaabot pa sa Head Mistress." sabi niya na nakapag-alerto sa akin sa pagkagulat. Natataranta kong pinulot ang mop at agad na nagpatuloy sa ginagawa. Doon ako nagma-mop sa parteng tapos na niyang kuhanan ng tubig habang siya naman ay tahimik na ipinagpapatuloy ang ginagawa. Dahil sa dalawa kaming nagtutulungan, wala pang isang oras ay natapos agad namin iyon. Wala kaming kibo sa isa't isa sa. Nahihiya akong mag-open ng topic para mas mapadali iyon. At ngayong patapos na nga kami ay hindi ko parin maibuka ang mga bibig ko. "What did you do at ikaw ang pinaglinis dito?" mahinahon niyang tanong sa akin habang nililigpit namin ang mga ginamit sa paglilinis. " A-ahh. Nothing serious. Ahm. Y-your friend, Vaughnne. M-may ikinabit siyang papel sa likod ko na at nabasa iyon ng isang Prof namin. Hindi ko iyon napansin habang naglalakad ako, so.. yeah! It ended with these." nag-aalinlangan kong kwento sa kanya ng mga nnangyari. I don't feel like telling this to anyone but I think he deserves to know. Besides, kung hindi dahil sa kanya hindi ako matatapos ng ganto kaaga and worst, baka mas malala pa ang nagawa ko kesa sa malinis ito. Nakita kong gumalaw ang adams apple niya at nag-igting ulit ang mga panga niya. His dark stares made me clinched a bit but when his eyes met mine, napalitan iyon ng isang maamong titig. "So, Vaughnne is the reason why you got punished " sabi niya habang napapailing. "Unluckily, yes." malungkot na sang-ayon ko sa kanya bago pinatay ang gripo pagkatapos kong maghugas ng mga kamay ko. Malungkot ko siyang binalingan. I flashed him a smile, a sincere one. "Thankyou nga pala ulit sa pagtulong sa akin. Just Ahm. Thankyou for everything. For saving me everytime your jerk friend bullies me." I sincerely thank him except sa huling mga sinabi ko na mababakasan ng pagkagigil. He chuckled on what I said. Nagulat naman ako sa inasta niya. Na-highlights ang mga malilit niyang mata dahil sa ginawa. "It's nothing. It will always bbe my pleasure." sabi niya na may munting ngiti parin sa kanyang labi kaya napangiti na rin ako. Marahan akong napailing ng maalala ang mga nangyari. Talagang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung araw na iyon kung hindi dumating si Reigh. First time kong pumalpak. Halos sa lahat ng bagay ay nasanay akong nag-e-excel ako. Kahapon naman, although walang nanggulo sa akin sa ginawa kong pagpipintura sa utility room ay hindi ko parin masasabing nagawa ko iyon ng tama. Hindi ko alam ang paraan ng tamang pagpipintura kaya alam kong hindi rin nakatulong ang ginawa ko. Parang imbes na magmukhang malinis ang lumang stock room ay mas lalo ko lang ginulo. Walang direksyon ang pagpipintura ko at kung hindi sobrang lapot ng pagkakahalo ko sa pintura ay nasobrahan naman sa basa. Wala ring Reigh na dumating para tumulong kaya mag-isa ko iyong tinapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD