ZYTH's POV
Agad akong nagising sa reyalidad nang marinig ko ang sunud-sunod na katok ni Kuya. Mabilis ko ring naitulak ang lalaking kasama ko ngayon.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng hilahin ako ni Vaughnne. Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko batid kung bakit niya ako pinigilan.
"What else do you want?" inis kong baling sa kanya.
"Don't! Don't open the door for him." pakiusap niya na animu'y bata. Napaiking-iling nalang ako dahil sa inakto niya.
"Are you crazy? Ano nalang ang iisipin ni ku-- Czake pag hindi ko siya binuksan?" lihim kong minura ang sarili ko dahil muntik na akong madulas. He doesn't need to know na kuya ko si kuya Czake.
"Is it really a big deal of what he'll think of you?" sabi pa niya na may pagsusumamo.
Napailing nalang ako at pinilit siyang magtago sa banyo. Ayoko na ding makipag-argue pa sa kanya dahil hahaba lang ang usapan. Nakita ko naman ang dissapointment sa mukha niya pero di ko na iyon pinansin pa.
Akmang tatalikod na ako nang hilahin na naman niya ako kaya di ko na napigilang wag mainis.
"Ano ba?" napipika nang sigaw ko sa kanya.
"Vien, I swear na kapag hindi mo pa binuksan tung pinto, I'll f*cking break it!!" rinig kong sigaw ulit ni kuya sa labas. Napabuntung-hininga ako ng malalim dahil sa frustration.
Agad kong hinarap ang isang to na ngayo'y nakayuko na at hawak-hawak padin ang mga kamay ko.
"I'll just talk to him. Now, could you please let me go?" I said trying to calm my voice.
"You,sure? I just don't want him to touch you. I swear, if you'll let him I won't hesitate to break his arm." he said firmly as he let go of my hand.
Wala sa sariling napatango naman ako. Dali-dali kong tinungo ang pintuan na ngayo'y kinukulampog pa rin ni kuya. Muli ko pang sinulyapan si Vaughnne at siniguradong nagtago na siya bago ko pinagbuksan si kuya.
"Ku--Czake? What brought you here?" kinakabahang tanong ko sa kanya dahil kita ko ang bakas ng galit sa mukha niya.
"What took you so long to open up? And why don't you put your glasses and your wig on?" walang-emosyong tanong niya sa akin kaya mas nadagdagan ang kaba ko.
"Ahm..ahh.. I.. I-i was about to sleep so I remove them." nauutal kong sagot dahil kinakabahan pa rin ako.
Ramdam ko ring nahihilo na ako masyado dahil na rin siguro sa masama pa din ang pakiramdam ko.
Unti-unti akong napahawak sa balikat ni kuya at agad naman niya akong inalalayan. Napansin niya siguro ang pamumutla ko kaya napalitan na rin ng pag-aalala ang kanina'y galit niyang ekspresyon.
Iginiya pa ako ni kuya papuntang kama ko atsaka dahan-dahan akong inihiga.
"What happened? Are you sick?" maya-maya pa'y tanong niya sa akin na agad ko namang sinagot ng tango.
Nanghihina pa rin kasi ako at ultimo pagsalita ay hindi ko magawa.
Narinig ko naman ang pagbuntung-hininga niya atsaka muling nagsalita.
"Take care of yourself baby babe, okay? I'm not always around to protect you. I'll just go get some med para ma lessen up ang nararamdaman mo. Wag kang aalis jan at babalik rin ako." dagdag pa niya na tinanguan ko lang ulit.
Napapikit pa ako nang halikan niya ako sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
"Masyado mo naman yatang na-enjoy ang paghalik niya sayo at hanggang ngayo'y nakapikit ka pa rin?" napaigtad ako ng marinig ko ang inis niyang boses.
Mabilis kong iminulat ang mga mata ko para tignan siya.
Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao niya kaya nanatili lang akong tahimik.
"So, he does know about your secret. Ganun mo ba siya pinagkakatiwalaan? And where did the 'dont let him to touch you' go ? I thought I made it clear already?" mahabang litanya pa niya na ikinapikit ng mga mata ko.
Nanghihina ako at heto siya pinapagalitan ako na animo'y ang laki-laki ng nagawa kong kasalanan.
Ewan ko ba, kanina namann hindi ko masyadong napansin ang sama ng pakiramdam ko. Dahil siguro sa malanding cells na nagising sa katawan ko?
'Urgh! What am I saying again?'
"Pwede bang iwan mo na muna ako? Magpapahinga pa ko. Andami ng nangyari sa araw na ito and give me a break to absorb it all." inis nang sabi ko sa kanya na ikinatigil naman niya.
Ilang beses ko pa siyang narinig na nagpakawala ng hininga bago ko siya makitang tumango-tango.
"Fine! I'll let it pass for now,but..don't you dare let him to touch you again or else.." sinadya niyang bitinin ang sinasabi at unti-unting nilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Tumigil lamang siya nang ilang dangkal na lamang ang layo ng mga mukha namin.
"o-or else what?" naiilang na tanong ko sa kanya.
Kita ko naman ang pagtaas ng gilid ng labi niya na parang pinipigil na mapangiti.
"Or else I'm gonna spread the rumor about your dirty little secret." pagbabanta niya sakin kaya agad naman akong kinabahan.
Seryoso siya sa pagkakasabi niya nun kaya di ko mapigilang wag matakot. Alam ko ding kayang-kaya niyang gawin iyon.
Now,he got me there.
"B-bakit? Bakit mo ba talaga ginagawa ang lahat ng ito?" pigil ang hiningang tanong ko sa kanya dahil konting galaw ko lang ay siguradong magdidikit na ang aming mga labi.
"Simply because I am your boyfriend and you're now my girlfriend. So better follow me if you don't want sh*ts to happen. And one more thing babe, I don't share what's mine." saad niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko.
Ramdam ko rin ang pag-iinit bigla ng pisngi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Mabilis niya naman akong hinawakan sa baba at pinilit na tumingin ulit sa kanya. Saglit na nagtama ang aming mata bago niya tuluyang ilapat ang mga labi niya sa labi ko.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang malalambot niyang labi. Ilang segundo ring nagtagal ang halik na iyon bago niya tuluyang nilisan ang kwarto ko.
--
Ilang minuto na rin ang nakalipas mula nung iniwan ako ni kuya dito sa kwarto ko pero hanggang ngayo'y lutang pa rin ako.
Pagkaalis kasi kanina ni Vaughnne ay sakto namang pagdating ni kuya bitbit ang mga gamot ko. Buti nalang talaga hindi sila nagpang-abot.
Pinainom niya lang din naman ako atsaka binilinan nang maraming bagay na tanging tango lamang ang naisagot ko.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang minuto na akong nanatiling nakatitig lamang sa kisame habang pinipilit na inaabsorb ang lahat ng nangyari.
'May boyfriend na ba talaga ako? Oh my gaad.'
At ano daw ang sabi niya kanina na hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa ding naririnig?
'I am your boyfriend and you're now my girlfriend.'
'Babe.'
'I don't share what's mine.'
Sh*t! Parang di pa rin kayang iabsorb ng utak ko ang mga nangyari kaya pilit ko nalang iyong iwinaksi.
Hindi ko alam kung totoo nga ba ang mga pinagsasabi ni Vaughnne kanina sa akin.
Sobrang hirap kasing paniwalaan. Magda-salawang linggo palang kaming magkakilala at tandang-tanda ko pa kung gaano kami magkagalit sa isa't-isa.
I don't know if he's just playing with me kapalit ng mga engkwentro naming dalawa.
Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay bago sa akin. Natatakot ako para sa sarili ko at sa mga damdaming ngayon ko lang naranasan.
I've been dating many boys at the States pero ni isa sa kanila walang nakapagpramdam ng damdaming ngayon ay nararamdaman ko para kay Vaughnne.
Pinikit ko na ang mga mata ko at pinilit nang makatulog. Iwinaksi ko ang lahat ng gumugulo sa isip ko bago tuluyang ipikit ang mga mata ko.
'Bahala na bukas at sa mga susunod pang bukas.'