Chapter 10

1329 Words
ZYTH's POV Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Medyo masama pa din ang pakiramdam ko pero hindi ako maaaring lumiban ngayon. Sa susunod na araw na yung acquiantance party namin at kailangan kong tapusin ang mga pinapagawa sa amin. Pinilit kong bumangon sa kama ko atsaka naligo. Sa cafeteria na ako kakain dahil wala na akong oras para maghanda. Mabilis kong inayos ang sarili ko at sinuot na ang wig at glasses ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Perks of being a nerd, hindi ka matatagalang mag-ayos. Although sanay akong ayusin ang sarili ko bago humarap sa maraming tao ay kailangan ko munang pansamantalang baguhin iyon. Tinungo ko agad ang cafeteria at sumalubong sakin ang nakangiting mukha ni Reigh. Sinuklian ko naman ang ngiti niya bago tuluyang pumila. "Ahhhm.. G-good morning Vien." rinig kong bati niya sakin mula sa likod ko. Hindi ko kasi napansin na sinundan pala niya ako. Agad ko siyang nilingon at di ko maiwasang mapangiti dahil sa itsura niya. Kasalukuyan kasi siyang nakayuko na animo'y nahihiya. Ang cute niya tignan. "Good morning too, Reigh. Magbe-breakfast ka din?" masayang bati ko sa kanya. Agad naman siyang tumingala at napangiti. Medyo nawala na din yung hiya niya kasi iba na yung pagkakangiti niya. "Yeah. Sabay na tayo?" masiglang alok niya sakin kaya napatango nalang ako. Dinala na din niya yung tray ko at nagpatiuna pang lumakad. Medyo wala pa namang tao dito sa cafeteria dahil sa maaga pa kaya good thing, wala pang mga bubuyog. Agad niyang inilipag ang tray naming dalawa atsaka niya ako pinaghila ng upuan. 'Hmm Gentleman talaga tung singkit na tu kahit kelan.' Magana naman kaming kumain ni Reigh at masaya din siyang kausap. Di ko na nga namalayan na naubos ko na pala ang pagkain ko. Kasalukuyan kaming nagtatawanan ngayon dahil ikinuwento niya sakin na muntik na daw siya mapagkamalang pipi nung bata pa siya dahil malimit lang siyang magsalita. Tawang-tawa naman ako dahil dun. Totoo naman kasi. Napapansin ko siya lagi na naka headset at parang walang naririnig sa paligid niya. Malimit din siyang magsalita pero pag magsalita naman ay laging may punto ang sinasabi. "Come on, Vien. Stop laughing! I know I'm weird but I just don't feel like talking if it's nothing important." pilit niyang pagtatanggol sa sarili niya pero hindi ko pa din matigil ang pagtawa. "Eh bakit ngayon, ang daldal mo? Parang ang layo naman yata niyang ikinukwento mo tungkol sa sarili mo." seryoso ko ng aniya ng mapansin kong ang daldal niya mula pa kanina. Nakita ko naman siyang natigilan saglit dahil sa sinabi ko at bahagya pang napakamot sa batok niya. "I-i don't know. Dahil na rin siguro sa magaan ang loob ko sayo." sinserong saad niya kaya naman di ko napigilang pisilin ang pisngi niya. Nakita ko namang namula siya dahil dun kaya napatawa na naman ako. Hahaha. Hawak-hawak ko pa din yung tiyan ko kakatawa nang biglang may bumagsak na tray sa mesa namin. Agad naman akong napaangat ng tingin sa may-ari niyon at ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko ang inis na mukha niya. "Enjoying your breakfast huh? I didn't know na kasama pala sa pagpapabantay ni Czake ang pagsama sa pagkain ni Vien." nang-uuyam na sabi ni Vaughnne kay Reigh. Ramdam ko ang galit sa boses niya pero ang ipinagtataka ko ay ni hindi manlang sumagot sa kanya si Reigh. Bagkus inubos na lamang niya ang kanyang pagkain na parang wala man lang siyang narinig. Kita ko namang mas lalo pang nainis si Vaughnne dahil sa inaakto ni Reigh. Weird nga itong si Reigh. Kanina lang ang daldal pero ngayong may iba na kaming kasama, aakalain mo ngang pipi at bingi dahil wala man lang pakialam sa paligid niya. Mas nagulat pa ako sa susunod niyang ginawa dahil mabilis niyang inubos ang natitirang pagkain niya atsaka walang sabi-sabing umalis na akala mo'y wala kami dito. Kunut-nuo ko siyang sinundan ng tingin ko. So, ganyan nga ba talaga siya? Gulung-gulo ako sa inaakto niya at the same time ay naweweirduhan na ako sa kanya. "Enjoying your breakfast honey? Well, di ko na pala kailangang itanong pa dahil kita ko naman kanina kung panu ka tumawa." inis na sabi niya atsaka padaskol na hinila ang upuan niya at nag-umpisang kumain. Kibit-balikat lamang ako sa inakto niya. Isa pa tung weird din eh. Bigla-bigla nalang susulpot at magagalit. Tss! Inabot ko ang bag ko at akmang tatayo na ng marinig ko na naman siyang magsalita. "You're not really joining me for breakfast huh?" napapantastikuhan akong tumingin sa kanya. 'Hindi ba niya nakitang katatapos ko lang kumain?' "Tapos na ako." pormal na sabi ko sa kanya at akmang tatalikud na ng magsalita muli siya na ikinatigil ko. "Manhid ka bang talaga?" inis nang sabi niya atsaka tumayo at malakas na hinampas ang mesa. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid at chineck kung may nakakakita samin but luckily wala pa namang tao maliban saming apat dito. Yung dalawa busy naman kakalampungan sa gilid ng cafeteria at medyo malayo-layo sila samin kaya di rin kami napapansin. Inis kong binaling ang tingin ko sa lalaking ngayon ay galit na nakatitig sakin. "Ano bang problema mo? Kung gusto mong maging agaw pansin, wag mo kong idadamay. Atsaka anong manhid? Panung naging manhid dun sa sinabi kong tapos na ko eh sa totoo namang katatapos ko lang kumain." inis na ring sigaw ko sa kanya na lalong ikinabusangot ng mukha niya. Nakita ko pang tinampal niya ang nuo niya na akala mo'y nauubusan na ng pasensiya. 'Weirdo talaga! Tss!' "Manhid ka nga!" mahinang bulong niya pero rinig ko naman kaya mas lalo lamang akong nainis. Di ko na rin napigilang mapasigaw dahil hindi ko talaga siya maintindihan at ang mga pinagsasabi niya. "Ano ngang manhid dun sa sinabi ko? Manhid ka ng manhid jan eh tinatanong nga kita kung papanu ako naging manhid eh hindi ko naman maintindihan kung anong pinagsasabi mo jan." sigaw ko sa kanya at inis siyang tinitigan. Siya naman ay titig na titig rin sakin at nakikipagsukatan ng tingin. "Yun na nga ang problema eh! Manhid ka na nga, bulag kapa!" galit na ring sigaw niya. Napailing-iling nalang ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Tinalikuran ko na siya dahil ayoko namang makipagbangayan pa lalo sa kanya. Kahapon lang ang sweet niya, ngayon naman galit. Bipolar yata to eh! Nakakatatlong hakbang palang ako nang marinig ko ang mahinang boses niya. "I'm jealous d*mn it at the same time I'm mad that you couldn't even feel it." mahinang usal niya pero umabot padin sa pandinig ko. Agad ko siyang nilingon at nakita kong nakayuko na siya na animu'y nahihiya sa pinagsasabi niya. 'He-he's what? Jealous? Did I heard him right?' "I'm sorry. Come again?" litong tanong ko sa kanya. Gusto kong kumpirmahin kung totoo ngang sinabi niya iyon o pinaglalaruan lamang ako ng pandinig ko. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin at agad ding nag-iwas nang magtama ang mga mata namin. "You heard it right. Don't make me repeat it because I won't." matigas na sabi niya habang di pa rin tumitingin sakin. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sagot niya. "Keh fine. I'll get going then." inis na sabi ko sa kanya at akmang aalis na nang pigilan na naman niya ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay at pinakitaan ng bored kong mukha. "Fine. I'll repeat it. F*ck! This is embarassing!" rinig kong pagmumura niya at batid mong ikinakahiya ang anumang sasabihin niya. Narinig ko pa ang sunud-sunod na paghinga niya bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "I..I'm j-jealous when I saw you with Reigh having a breakfast and worst you're enjoying his company. F*ck! This is crazy!" nahihiyang aniya habang namumula na rin ang magkabilang pisngi niya. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ako dahil bigla niya nalang akong iniwan dito. Hindi ko naman maiwasang di mapangiti dahil sa itsura niya. Nagba-blush ang loko. Haha 'Looks like I have mah jealous boyfriend in here and he's totally ashamed of it.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD