VAUGHNNE's POV
I'm on my way sa first class ko. Pagkatapos ko kasing masaksihan ang nangyari kanina sa cafeteria ay pumunta muna ako sa tambayan dahil maaga pa.
Di parin ako makapaniwala sa nakita ko hanggang ngayon.
Anong meron sa panget na yun at sa mailap sa babaeng si Czake?
'Eh ano bang pakialam mo kung anong meron sa kanilang dalawa?'
Oo nga! Ano bang pakialam ko sa kanila? Di ko lang siguro matanggap na ang bestfriend ko at ang babaeng kinaiinisan ko ay may ugnayan.
'Tama! Yun lang yon.'
"Good morning Vaughnne."
"Kyaaaah.. Why so handsome Vaughnne?"
"Ang hot mo naman sa umaga Vaughnne."
"I'm all yours Vaughnne. Please take me now."
"Vaughnne..I heart you"
"You made my day handsome."
Tss. Di ko nalang pinansin ang mga nababaliw na babaeng nadadaanan ko.
Naiinis ako at di ko malaman ang dahilan kung bakit.
Dire-diretso lang ako sa room ko at pumunta sa harap na lagi kong inuupuan. Pero laking gulat ko ng makitang may nakaupo na dun.
Nakayuko siya sa armchair na animong inaantok pa. Nakasalpak pa ang earphones sa magkabilang tenga niya.
'Sino naman kaya 'tong bwisit na to na naglakas loob na umupo sa upuan ko?'
~poke. poke~
Kinalabit ko siya.
~poke. poke~
Kinalabit ko ulit.
~poke. poke~
At isa pa.
~poke. poke~
At isa pa ulit.
~poke. poke~
WTF?
O_O
Tulog?!
Naiinis na ako kaya...
~blaaaaaaaaggggg~
SINIPA ko na ang upuan..dahilan para mahulog siya dun.
Maiksi lang ang pasensya ko sa araw na ito dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan kaya ko siya nasipa.
Well, kasalanan niya din naman. Everyone knows here na sa akin lang ang upuang yan. Nobody dares to sit there kahit pa sabihing absent ako dahil sa takot nila na magalit ako.
Napabaling naman ang tingin ko sa babaeng ngayon ay nakasalampak sa sahig dahil sa pagkakasipa ko.
Halatang nagulat siya at dahan-dahang kinusot pa ang mga mata niya bago dahan-dahang inangat ang mukha niya...
"Ikaw?!" we said in unison.
Oo, si panget..yung natutulog sa upuan ko!!
"Bakit mo ako sinipa ha?" inis na sigaw niya sakin.
"Why won't I? Kanina pa kita kinakalabit jan at di mo man lang ako pinapansin kaya I have no other choice kundi ang sipain ka." kalmado at painosenting sagot ko.
"Eh bakit mo nga kailangang gawin yun? Inaano ba kita, ha?" naiinis paring saad niya.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga kaklase namin dahil sa namumuong tensyon sa'ming dalawa.
"Sabihin na nating..it's the easiest way para mapaalis kita sa upuan KO." sagot ko at ngumisi ng nakakaloko sa kanya.
"KO? Bakit? May pangalan mo ba dito?!" sigaw na naman niya na halata mong naiinis na.
"Alam ng lahat ng tao dito na bawal umupo sa upuang yan! It's mine!" naiinis na ring sigaw ko.
Ewan ko ba. Simula nung makita ko siya at sinipa niya yung ano ko,kumukulo na agad ang dugo ko sa kanya!
"Alam ng lahat? Eh bakit hindi ko alam?" sarkastikong sabi pa niya at tinalikuran ako.
'Bastos!'
Umupo nalang ako sa upuan ko at di ko na lang siya pinansin.
Masyado nang sira ang araw ko simula pa kahapon para pagtuunan pa siya ng pansin.
Psh! Mas pumanget pa siya ngayon dahil sa makapal na glasses niya. Tss! Nagmamaganda na naman! Kala mo naman maganda talaga!!!
Inis akong umupo sa upuan ko pero di pa ako nagtatagal sa pagkakaupo ko ng biglang...
~blaaaaaaaaaaggggggggggggg~
SINIPA niya rin ako!!!
At hindi lang yun.. Mas malakas pa sa pagkakasipa ko sa kanya kanina!!
"What the f*ck??!!!" inis akong tumayo atsaka nilingon siya.
Nakatingin lang siya saken ng diretso na animo'y pinagmamasdan ang reaction ko.
Nabigla naman ang mga kaklase namin sa ginawa niyang iyon.
"Oh myyy Gaaaad.. Anong ginawa niya sa Papa Vaughnne ko?"
"Yaaaaaaah.. She's crazy.. How could she do that to our Vaughnne?"
"Ang lakas naman ng loob niyang sipain ang prince charming ko!"
"Ohhh myy.. Nasaktan ka ba niya Vaughnne?"
"Does it hurts, babeee? "
"Ang lakas kasi ng loob ng panget na yan eh..Sino ba siya?"
Nag-umpisa ng magbulung-bulongan ang mga babae dito sa room. Inis ko naman siyang hinarap ulit.
"Are you out of your mind?! Why did you do that?" sigaw ko ulit sa kanya.
"If I am really out of my mind when I did that, what do you call yourself then for doing it to me?!" sarkastiko niyang sagot at siya naman ngayon ang ngumisi.
"Naniniwala kasi akong lintik lang ang walang ganti." she confidently said and flips her messy hair sabay punta sa pinakalikurang upuan.
Galit ko siyang sinulyapan ulit and stormed out of the room. Galit na galit na ako sa kanya mula pa kahapon at ngayon nadagdagan lamang iyon!
The guts of her na gawin sa akin ito! Wala pa ni minsang gumanon sakin mapa-lalaki man o babae sa eskwelahang ito.
Tanging siya lang! That crazy ugly woman!
Pupunta ako sa tambayan. Nawalan na ako ng ganang pumasok dahil sa panget na yun!
~kriingg~ ~kriiingg~
Tatawagan ko si Nov. Buti at dalawang ring palang sinagot na niya ang phone niya.
"This is handsome Nov, speaking. Anong maipaglilingkod ng kguwapohan ko sa isang Vaughnne Ryle? Di ko kasi alam na sa sobrang guwapo ko, pati lalaki namimiss ako. Haha! Sorry pare, kahit kaibigan kita, hindi pa rin tayo talo!"
"Ulol. Punta kayo ni Reigh sa tambayan." seryoso ngunit may bahid na inis sa boses ko.
"Whoaa. Bakit anong meron? Magse-celebrate na ba tayo ng kagwapuhan ko?"
"Tch! Wala akong panahon sa mga kalokohan mo ngayon Nov. Pupunta ba kayo o pupunta kayo?!"
"Whoa . Chill lang pare. Ang init naman yata ng ulo mo? Alam kong hot naku pero di ko akalaing aabot pa jan ang hotness ko."
"Tch! I'll wait for you there. Don't make me wait for too long! " then I hang up the phone.
Di talaga makausap ng matino ang isang yun.
Agad akong pumunta sa ref pagkarating ko at kumuha ng tatlong bote ng beer.
Mabilis kong tinungga ang unang bote atsaka umupo sa couch.
Di talaga makuha yung inis ko sa babaeng yun at di nyo ko masisisi. All my life wala pang gumawa ng ganun sa isang Vaughnne Ryle Chromewell. Bukod tanging siya lang ang may lakas ng loob na gumanon saken. Nasanay kasi akong laging pini-please nang lahat ng babae.
'Well, ngayon hindi na lahat.'
Yeah and it pisses me off. Hindi ba siya nagu-gwapohan saken?Hindi ko alam pero nainis ako sa isiping yun.
Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko sa isang nerd? Malamang walang taste yun, halata naman sa itsura eh.
Tinungga ko ang pangalawang bote. Eksakto namang dumating ang dalawa.
"Wow, anong meron pare? Aga-aga pa ah. Di ko akalaing se-seryosohin mo talaga ang pagse-celebrate sa kguwapohan ko?? Pero pare, hindi mo naman kailangang gawin to eh." bungad ni Nov na nagda-drama sabay hawak sa mukha niya.
Wala talaga akong mapapalang maganda sa isang to eh. Kung bakit kasi pinapunta ko pa sila dito!!
Si Reigh as usual, tahimik lang na dumerecho sa kabilang side ng couch. Tch! Nagkamali yata ako sa desisyong pagpapunta sa kanila dito. Parang wala naman akong mapapala.
Yung isa dumadaldal nga, puro puri lang din naman sa sarili samantalang yung isa naman hindi nga nagdadaldal, hindi naman umiimik. Tss!
"Just shut up Nov. I'm not in the mood to entertain your shits!" inis na sabi ko habang tinutungga ang pangatlong bote ko.
Naiinis pa rin ako sa babaeng yun!! Hindi mawala-wala sa isip ko ang engkwentro naming dalawa. Sobrang lakas ng loob niyang ipahiya ako sa maraming tao!
"Eto naman. Di na mabiro. Eto na, seryoso na. Ano bang problema mo?"
Magseseryoso din pala ang dami pang satsat eh. Tch! Si Reigh, ayun tahimik lang na nakikinig samin.
At ayun nga ikinuwento ko sa kanila ang nangyari mula pa kahapon hanggang sa pagsipa sakin ng panget na yun. At tulad ng inaasahan..di rin sila makapaniwala!
Sino ba kasing matinong tao ang maniniwala na magagawa yun ng isang babae? To think na isa siyang nerd?
"Wow. So isang nerd lang pala ang katapat ng isang Vaughn Ryle?! Ang astig niya grabe! Gusto ko siyang makilala, pare. Parang ang astig ng personality niya. Mga ganyang babae yung tipo ko eh!" walang kwentang komento ni Nov.
"Eh kung palayasin kaya kita ngayon dito at pag-umpugin ng panget na yun?" tiim-bagang ko namang singhal sa kanya.
"Wala namang ganyanan pare. Maawa ka naman sa guwapo kong mukha. Kahit guwapo to, nababangasan din naman to paminsan-minsan. Sadyang di lang kasi ako makapaniwala sa mga sinabi mo." pagda-drama nito.
"So, ano ng plano mo ngayon?" dagdag niya pa.
Napatingin ako sa kanya dahil sa huling sinabi niya.
"What do you mean?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Wag ka ng magmaang-maangan pare. I know meron ka nang plano kung panu makakapag-higanti dun kaya mo kami pinapunta dito. Knowing you, di mo papalampasin yun." parang nagitla naman ako sa sinabing yun ni Nov.
Kilala niya talaga ako at alam nilang maghihiganti talaga ako dun.
Pero parang hanggang ngayon feeling ko nakikipagtitigan padin ako sa mga mata niya.
Napansin ko kasi yung kulay ng mga mata niya. Kanina kasi, medyo hindi siya halata dahil na rin siguro sa makapal na eyeglasses niya. Kaya hindi siya kapansin-pansin kung hindi mo siya tititigan ng matagal.
'So sinasabi mong tinitigan mo siya kanina ng matagal? Ganun ba?'
Mabilis naman akong napailing dahil sa naisip ko.
"Whoa. Bago yata yan pare,ah! Wag mong sabihing naa-astigan kadin sa personality niya? Sabi na eh. Hahaha!" nabaling naman ang atensyon ko kay Nov at napabalik sa reyalidad.
"Ano bang pinagsasabi mong tukmol ka,ha?" inis kong sabi sa kanya.
Kanina pa to nagsasalita ng mga walang kakwenta-kwentang bagay eh.
"Lutang ka ba,pare? So, nakaka-mesmerize na ba ngayon ang kaguwapuhan ko? Sabi na eh." sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para umayos siya.
"Eh kasi naman dre kung hindi mo natatandaan, hayaan mong ipaalala sayo ng guwapong nilalang na to na tinanong lang naman po kita kung ano ng plano mo sa kanya. Tapos medyo natulala ka pa na mukhang may inaalala at napailing." pagpapatuloy niya pa.
'F*ck! Bakit ba kasi lutang ang isip ko eh. Pahiya pa tuloy ako.' inis kong mura sa sarili ko nang magets ko ang sinsabi niya.
"Tss. Iniisip ko lang kung panu ko magagantihan yung panget na yun." palusot ko sa kanya at agad iniiwas ang tingin ko dito.
"Talaga lang ha?!" parang di naniniwalang usal niya atsaka nginisian ako.
"Dre, just let it pass. Babae pa rin yun." magsasalita na sana ako nang biglang magsalita si Reigh.
"Whoa. Andyan ka pala pare? Akala namin kami lang ang tao dito kanina pa eh." sarkastiko namang baling sa kanya ni Nov.
"Psh!" tipid na sagot ni Reigh kay Nov atsaka tuluy-tuloy na lumabas ng pinto.
"Anong nangyari dun?" naguguluhang tanong ni Nov.
"Ewan ko sayo! Tumigil ka kasi sa kaka-satsat mo! Para kang babae jan eh." inis ko na ring sagot sa kanya atsaka lumabas na rin ng pinto.
Sinundan ko si Reigh papunta sa cafeteria.
Break time nadin kasi at nakakaramdam na ulit ako ng gutom.
Agad namang nagsi-tilian ang nga babae ng mapansing papasok kami ng cafeteria. Tss!
"Ohhh..myyy..Goshhh.. Anjan na silaaaaaa!"
"Look girls, papasok na dito sila Vaughnne."
"Oo nga.. ang gwapu-gwapo talaga ni Reigh kahit serious look siya lagi.."
"Ano ka ba, Ashley. Wala nang mas cu-cute pa kay Nov."
"Yeaaah.. Sayang wala si Czakee ko. Huhuhu!"
"Ano ka ba Angie! Seeing the three of them is too much for my heart to handle!"
"Kyaaaaah.. Oo nga Xandra, look at Nov.. he's smiling at meeeee."
"Gaga..sakin ngumiti si Nov! Wag kang assumera!"
"Ah basta.. pinaka-gwapo pa din si Vaughnne.."
"Kyaaaaah.. Saranghae Vaughnne!"
"Te amo Reigh.."
"I heart youuuuu Nov.."
Dineadma nalang namin yung mga nagtitilian at sumisigaw ng mga pangalan namin.
Well, pwera nalang kay Nov na panay ang pa-cute sa mga yun. Tss! Kahit kelan talaga 'to! May pakaway-kaway pang nalalaman na akala mo naman artista na pinagkakaguluhan ng mga fans niya. Tsk.
Dumiretso nalang kami sa palagi naming pini-puwestuhan sa canteen and as usual walang nakaupo dun.
Ganyan kasi kami dito. Kapag alam nilang sa amin, walang naglalakas-loob na paki-alaman yun.
'Except nalang sa babaeng panget na yun.'
Nainis na naman ako ng maalala ko siya.
Pumunta nalang kami ng counter at nag-order na. Medyo mahaba na yung mga nakapila kasi break time na din. Pero dahil nga sa mga gwapo kami eh pinauna nila kami.
Ganyan pag-gwapo, walang hassle!
Umupo agad kami at as usual, tahimik lang si Reigh na kumakain kaya nag-umpisa na din kaming kumain ni Nov.
Naagaw naman agad ang pansin ko ng babaeng papasok sa cafeteria.
Agad na namang nangibabaw ang inis at galit ko sa kanya.
"Oh dre? Bakit tumigil ka? Wag mong sabihing nabusog kana agad sa kaguwapuhan ko?" nang-aasar na puna sakin ni Nov.
"Shut up, Nov! Look at that nerd na papasok dito." inginuso ko si panget na abala sa paghahanap ng pwesto habang papunta sa lane.
Agad naman siyang tiningnan nina Nov at Reigh.
"Oh? What's with her? Don't tell me.. Whoa! Ganyan na ba ang mga tipo ng isang Vaughnne Ryle, ngayon?" parang naa-amaze pa na turan ni Nov.
"Ulul! Anong akala mo sakin, ikaw?! Na kahit sino nalang, papatulan? Anyways, siya yung ikinu-kwento ko sa inyo kanina." walang-ganang hayag ko.
"Wow..so she's the amazing girl. In fairness, she's not the typical nerd na masyadong panget. Well, look at her! Parang modelo siya kung maglakad na may poise and the way she dressed...kahit mukhang baduy, nadadala niya pa din." namamanghang tinignan siya ni Nov.
'Tss! Walang taste amp!'
Tinignan ko ulit si panget atsaka ngumisi ng may maisip ako.
"Yeah..actually, she's the unlucky girl since she started messing up with me. Starting today, I'm gonna make sure that I'll make her life like a living hell."