ZYTH's POV
Katatapos lang ng ikalawang klase ko at break time na. Hindi ko na hinintay pa si Kuya Czake dahil nasa kabilang building pa yung College Building at gutom na rin ako kaya napagdesisyonan kong mauna na.
Masigla kong tinahak ang entrance ng cafeteria at agad na nakipagsisikan sa mga estudyanteng pumipila. Hindi ko alintana ang mga matang nakatingin sa akin na para bang naliligaw ako ng mundo.
'Yeah right! They're staring at me like I don't belong in here.'
Inirapan ko nalang ang mga nakatingin ng masama sa akin at dineadma naman ang mga masasamang bulung-bulongan na naririnig ko.
'Like duh? As if naman na they're too precious para paglaanan ko ng atensyon ko. Ass long as they won't harm me physically, walang problema sa akin.'
I flip my wig and confidently walked papunta sa mga nakapila.
Habang nasa pila ako, iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng cafeteria at pasimpleng naghahanap ng mapi-pwestuhan.
Nung nasa harap na ako ng counter ay nag-order na ako. Buti nalang hindi yung babae kanina ang andito kung hindi masisira na ng tuluyan ang araw ko.
Almost 5mins have passed at finally andito na ang orders ko. Ibinigay ko naman agad ang card ko.
Oo, nagka-card na ko kanina lang. Inasikaso kasi agad ito ni kuya right after nung nangyaring eksena dito kaninang umaga.
Dinaan niya ito kanina sa room ko kasama ang locker key, uniform ko at ang iba pang kakailangin ko dito.
Bitbit ang tray na naglalaman ng mga orders ko ay patuloy akong naghanap ng mauupuan.
Grabe naman ang siksikan ng mga estudyante dito kapag breaktime! Hayys.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar ngunit siksikan ang mga estudyanteng umuukupa sa mga tables.
Nahihirapan na akong maghanap ng mahagip ng paningin ko ang lalaking biglang nagtaas ng kamay...
"Here." sigaw niya sa akin sabay turo ng bakanteng upuan sa tabi niya.
Napansin kong tatlo lang silang nakapwesto dun sa pang-apatang mesa.
Pinagkunutan ko lang siya ng noo at tinaasan ng kilay.
Agad niya naman yatang napansin ang reaksyon ko kaya lumapit na siya sakin.
"What do you want this time?" walang ganang usal ko sa kanya pagkalapit niya.
"Look, I'm sorry okay? I know that I've been so harshed to you pero pinagsisisihan ko na yun. Isipin mo na lang rin na pambawi ko 'to sayo." pakamot-kamot sa ulo niyang sabi.
Inilahad pa niya ang kanyang mga kamay para kunin sana ang dala-dala kong tray nang mapansin niyang nagdadalawang-isip pa din ako.
Sino ba naman ang hindi magdadalawang-isip sa inaasta niya ngayon? As far as I remember, mainit ang ulo niya sa akin gaya ng mainit din ang ulo ko sa kanya. We're not even close para ioffer niya ang bakanteng upuan sa mesa nila.
'Ano naman kayang nakain ng mokong na 'to at biglang bumait?'
"Come on! You can really join us there." sabay turo niya sa mesa nila.
I rolled my eyes at him one more time.
"Besides, wala ka ng mauupuan dito dahil siksikan ang mga estudyante dito pag break time." pangungumbinsi pa niya kaya naman hinayaan ko na siyang kunin ang tray ko at agad na sumunod sa kanya.
Naagaw naman agad ng halimaw na 'to ang pansin ng karamihan kaya nag-umpisa na silang magbulung-bulongan.
"Look Krishia, magkasama si Vaughnne at ang nerd na transferee."
"Waaaahhh. Why are they together?"
"Oo nga.. Atsaka bakit bitbit ni Vaughnne ang tray niya?"
"Yuckkk..ang kapal ng mukha!"
"Yiiiiiiiss..Inuutus-utusan niya ang boyfriend ko. How dare her."
'Tss. Agaw eksena pa ang tema ng mokong.'
Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa marating namin ang mesa nila not minding those eyes which keeps on staring at us.
Dineadma ko ulit ang mga bubuyog na nagbubulung-bulongan.
Im hungry for Christ's sake para patulan pa sila.
Agad namang inilapag ng mokong na to ang tray sa mesa nila at....
PINAGHILA NIYA AKO NG UPUAN!!
'May itinatago din palang pagka-gentleman ang isang 'to.' sa loob-loob ko atsaka lihim na napangiti.
Natigilan ako sandali pero di ko ipinahalatang nagulat ako.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at paupo na sana ako ng biglang...
~plaaaaaaaaaakkk~
'Bwisit!'
Nilakasan lang naman niya ang pagkakahila sa upuan dahilan upang mapaupo ako sa SAHIG!!
Agad na nangibabaw ang malakas na tawanan sa buong cafeteria.
"Bwahahahahhahhahahahhahaahhahahaahahahhahhahahahahahahaha"
"Buti nga sa kanya..Akala mo sinong maganda!"
"Ahahahaha..Nagmamaganda kasi..eh panget naman!"
"Haaaaayy..Akala ko talaga there's something between them na..buti na lang talaga."
"Ang lakas pati ng loob niyang ipabitbit kay Vaughnne ang orders niya.. Bagay lang yan sa nagmamagandang tulad niya.haahaaahaha!"
Inis akong tumayo at hinarap ang lalaking nagpipigil ng tawa sa harap ko.
Naiiyak na ako sa kahihiyan pero pilit ko iyong pinipigilan.
Nakita ko ring nagpipigil ng tawa ang isa niyang kasama samantalang ang isa naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin na parang walang pakialam.
"H-happy n-now?!" pinilit kong wag mautal pero nabigo ako.
Di ko na rin napigilan ang mga luhang kanina pa bumabadyang tumulo.
He stiffened upon seeing my tears that keep on falling from my eyes.
"T-tina *sob* tanong k-kita!! M-masaya *sob* kana *sob* ba?! hagulgol ko habang pahina ng pahina ang boses ko.
Nanghihina na rin ang mga tuhod ko kaya napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko.
It's my first time being humiliated sa harap ng maraming tao. Masyado akong nasanay na pinupuri, pinagkaka-inggitan o di kaya'y pinag-papantasyahan ako.
I've promised myself na kakayanin ko 'to. Pero heto ako at isang araw palang ng pagdi-disguise ko at para na akong susuko.
In the first place, alam kong mahihirapan ako pero hindi ko inexpect na ganito pala siya kahirap. Unang araw koo palang ito, paano pa kaya sa mga susunod pa?
I've been used to be the center of attraction. I've been being praised wherever I go. Nakasanayan ko iyon sa States na maging sentro ng lahat ng atensyon pero hindi sa paraang mapapahiya ako.
"Take this..." gulat kong nai-angat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harap ko.
Saglit akong napatigil sa pag-iyak dahil dun. Siya yung lalakeng tahimik lang na nakatingin sa amin kanina.
Matangkad siya, maputi, singkit ang mga mata niyang misteryoso, matangos ang ilong at mapupula ang maninipis niyang labi.
Ibinaling ko ang paningin ko sa panyong inaabot niya at alanganing tinanggap iyon.
Inalalayan niya din akong tumayo pagkatapos kung punasan ang mga luha at uhog ko.
Marahan kong inayos ang eyeglass ko at nagsimulang maglakad nang hindi lumilingon dahil sa sobrang kahihiyan.
Sinasabayan lang ako nung lalaki habang hawak-hawak niya ang magkabilang braso ko para sumuporta. Hindi ko alam pero...
medyo gumaan ng konti ang nararamdaman ko...
VAUGHNNE's POV
Kanina pa sila nakaalis ngunit hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa exit ng cafeteria kung saan dumaan sina Reigh at yung babaeng yun.
"Napasobra naman yata ang ginawa mo sa kanya, dre." pagbasag ni Nov ng katahimikan.
Pareho kaming di nakaimik mula nung umalis silang dalawa. Nakaramdam kasi ako ng konting guilt dahil sa ginawa ko.
No, hindi pwede! Bagay lang sa kanya iyon at kulang pa iyon kung tutuusin!
"Did I really crossed the line?" wala sa sariling nai-usal ko.
"Yeah, dude. Pinahiya mo ba naman sa harap ng maraming tao eh. Atsaka mukhang di rin nagustuhan ni Reigh yung ginawa mo." dagdag pa niya dahilan para madagdagan ang guilt na nararamdaman ko.
Nakita at ramdam ko yung sakit sa mga mata niya kahit natatabunan ito nang makapal niyang eyeglass.
Serves her right! Yan ang napapala ng mga taong kumakalaban sa akin! Wala pa ni isang naglakas-loob na banggain ako.
Siguro naman ngayon alam na niya na hindi ako basta-basta lang na makakabangga niya.
Hindi ko alam pero nadagdagan pang ang inis na nararamdaman ko nung makita kong inalalayan siyang makalayo ng kaibigan ko.
Anong nangyari dun? Reigh is my bestfriend yet there he is, siding that ugly woman! Dapat sa akin siya kumakampi. Ako ang kaibigan niya at hindi niya kilala ang babaeng yun!
Di ko na muling inimik pa si Nov.
Dire-diretso akong naglakad upang lisanin ang lugar na iyon. Hindi ko na ininda pa ang gutom at iniwan na lang doon ang pagkain ko.
Di ko din kasi maintindihan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay sobra-sobrang galit ang nararamdaman ko.
Dapat natutuwa ako ngayon dahil nakapaghiganti na ako sa kanya, diba?! Dapat masaya ako pero bakit parang...
NASASAKTAN AKO?!
'Maybe because my bestfriend chooses to side with that girl.'
REIGH's POV
Patuloy ko lang siyang inaalalayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa park ng school.
Nakasuporta pa rin ako sa kanya dahil ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan niya at ang panghihina ng mga tuhod niya. Hindi niya ako kinikibo pero alam kong umiiyak pa din siya dahil sa naririnig kong mahihinang paghikbi niya.
Umupo siya sa may swing kaya umupo na din ako sa katabing swing ng inupuan niya.
Hinayaan ko siyang umiyak at maglabas ng sama ng loob. Halos mag-iisang oras kaming ganun lang at tahimik ko lang siyang pinapakiramdaman hanggang sa basagin niya ang katahimikan.
"T-thank y-yo-you!" mahinang sabi niya habang humihikbi pa rin.
"I don't know what's your intention of helping me instead of staying there with your friends pero nagpa-pasalamat pa rin ako." bakas ang sinseridad sa boses niya.
'I'm really sorry for her dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Vaughnne.'
"Believe me or not but... I just wanna let you know na wala akong masamang intensyon sa pagsama ko sayo dito." seryoso ko namang sagot sa kanya.
"I know that my friend is such a jerk of doing that kaya ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa niya." dagdag ko pa.
"Why asking an apology for a sin na hindi ikaw ang gumawa? Siya ang nagpahiya sakin at hindi ikaw kaya wala kang dapat ihingi ng tawad." seryoso ngunit may point na sabi niya.
"S-sorry." mahinang sabi ko ulit kaya napatawa na siya.
Gulat ko siyang nilingon at pinagmasdan habang nakatawa.
Hindi naman pala siya panget kahit nerd look siya. Maganda naman pala siya kapag tumatawa. Nakikita ang dimples at pantay-pantay niyang ngipin.
"Kakasabi ko lang na wala kang dapat ipag-sorry pero nag-sorry ka na naman. Haha. Anyways, uulitin ko. You don't have to say sorry dahil sa ginawa ng kaibigan mo." natatawa pa ring pahayag niya kaya natawa na rin ako.
"I'm glad na tumatawa kana." seryosong sambit ko dahilan upang matigil siya sa pagtawa.
"Yeah..thanks to you." seryosong sambit niya na lihim kong ikinangiti.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko upon seeing her smiling face. It feels weird pero hinayaan ko lang iyon.
"By the way kanina pa kita kasama pero di ko pa alam ang pangalan mo. Nga pala, I'm Reigh and you are?" pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko.
Medyo natawa naman ulit siya sa sinabi ko. Tiningnan niya iyon sandali bago tuluyang tinanggap.
"Vien.. Vien Desales."
Nagkwentuhan pa kami ni Vien dito sa park hanggang sa pareho naming di namalayan ang oras.
It's 4pm already kaya malamang tapos na ang lahat ng klase. Hindi na kami nakapag-lunch dahil hindi namin napansin ang oras.
Nag-enjoy ako sa pakikipag-kwentuhan sa kanya kahit bago sakin ito. Hindi ako madalas na nagsasalita pero iba pag siya ang kausap ko. Kakakilala ko lang sa kanya ngunit nakagaanan ko agad siya ng loob.
Muli kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha.
Hindi ko masyadong makita ang mga mata niya dahil sa makapal na eyeglasses na nakaharang dito.
Matangos ang ilong niya at natural na namumula ang mga pisngi niya at lumilitaw naman ang kanyang dimples kapag tumatawa siya.
Maninipis at natural rin na mapupula ang kanyang labi. Perpekto ang hugis nang kanyang jaw line na lalong nagpa-natural nang ganda niya. She doesn't even need to put make-ups and lipstick dahil natural nga ang ganda niya.
Siguro kung tatanggalin niya lang ang kanyang makapal na eyeglasses at aayusin niya lang ng konti ang kanyang buhok ay hindi siya mapapalayo sa itsura ng ibang artista at sikat na modelo.
"Wag mo akong titigan ng ganyan baka isipin kong may gusto ka sakin." nakakalokong ngiti ang nasilayan ko sa labi niya pagkasabi niya niyon.
Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa kanyang sinabi.
Napapahiya kong iniwas ang mga mata ko at ibinaling iyon sa ibang direksyon.
"I-I just can't help to stare at your beautiful face. Natural ang ganda mo unlike other girls na kelangan pa ng makakapal na make-up para magpaganda. You're not even the typical nerd na makapal ang kilay, maraming pimples at my braces." nahihiya pa ring tugon ko.
"Andami ko ng utang sayo tapos binobola mo pa ako. Binibiro lang naman sana kita. Haha! Pero thank you ulit.. thank you sa pagsama sakin dito at sa pagpapagaan ng nararamdaman ko." di ko na naman napigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya habang tumatawa siya.
Lumilitaw na naman kasi ang kabilaan niyang dimples dahil dun.
"Kahit sinong lalaki ang nakakita sayo kanina, ganun din siguro ang gagawin kaya wala kang dapat ipagpasalamat." seryoso ngunit sinsero kong sabi sa kanya.
Nginitian niya naman ako bago tumayo.
"Basta thank you pa din. Kung hindi dahil sayo, hindi ko panigurado alam kung anong gagawin ko dun kanina. Atsaka kung hindi rin dahil sayo, di ako nakakatawa ng ganito ngayon." nakangiting dagdag niya atsaka nagsimula ng maglakad.
"Wala yun. Uhmmm. Vien, are we now f-friends?!" mabilis ko siyang pinigilan sa akmang pag-alis at nakayokong tinanong siya.
Kinakabahan ako sa isasagot niya kasi baka di niya pala ako itinuturing na kaibigan.
Medyo kumirot ang puso ko sa isiping iyon sa hindi ko malamang dahilan. The feeling is so foreign to me.
Nakita ko gamit ang peripheral vision ko na nilingon niya ako. Inangat ko naman ang paningin ko at sinalubong ang mga titig niya.
Nagsimula na siyang maglakad ulit kaya mas lalo akong kinabahan.
Medyo nakakalayo na rin kami nang bigla niya kong nilingon...
"Sure! Wala pa naman akong nagiging kaibigan dito kaya ikaw nalang ang kaibigan ko." atsaka ako nginitian ng pagkatamis-tamis.
Here goes again my heart. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko sa simpleng pagngiti nita.
"By the way, anjan na sa kabila yung room ko. Thank you again for this day, Reigh. I appreciate it, really! Thank you for making me smile, for easing the pain I am feeling and for the comfort." untag niya sa akin na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Sobrang bilis ng oras at ni hindi ko man lang namalayang nakabalik na pala kami sa dorm. Bagamat nagulat ay agad naman akong napangiti sa sagot niya.
Nagpasalamat muna ako bago magpaalam na sa kanya.
Hindi na rin siya nagpahatid pa hanggang sa room niya kaya nag-umpisa na din akong maglakad at tinahak ang daan pabalik sa room ko nang may malaking ngiti sa aking labi...