Chapter 15

1583 Words
VAUGHNNE's POV Trenta minutos na ang nakalipas mula nung nagsimula ang party. Nakikita ko rin ang matinis na hiyawan ng mga kababaehan dahil sumasabay sa kanilang sumayaw si Nov. Tsk! That flirt guy! Kahit sino nalang nilalandi. Pero hindi iyon ang dapat kong isipin sa ngayon. Nag-uumpisa na kasi akong mabalisa dito sa kinauupuan ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin dumadating yung date ko! Psh. The nerve of that woman na hindi ako siputin. Akala mo naman sinong maganda. Hindi ko alam sa sarili ko pero naiinis ako. First time ko kasing formal na nag-aya ng babae para lang maging date ko pero heto at mukhang iindianin pa ako. Kadalasan kasi kapag gantong may party, halos magpila na ang mga babae para lang maging date ako pero hayun siya at walang pakialam. Ni hindi man lang nga na'appreciate na isang Vaughnne Ryle ang nag-aya sa kanya at maging date niya. Kakaiba talaga ang bwiset na yun! Inis kong tinungga ang beer na nasa harapan ko. Pang-siyam na bote ko na tu at medyo tipsy na din ako. Naiinis lang kasi talaga ako. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit siya pa yung niyaya ko. "Good evening, Vaughnne. Gusto mong sumayaw?" naagaw ang pansin ko nang marinig ko ang malanding boses ni Cheska sabay upo sa katabing upuan ko. Pinipigil kong wag mairita dahil sa presensiya niya. Kahit papanu kasi ay may respeto ako sa kanya dahil anak siya ni ninong. "I'm not in the mood, Ches! Ikaw nalang kung gusto mo." casual na sagot ko sa kanya kahit ang totoo'y gusto ko na siyang paalisin dito. Okay na ako ditong mag-isa lang ako. Si Czake kasi ay kanina ko pa nakikitang medyo busy sa pag-eentertain sa mga bisita, si Nov naman busy kakalandi samantalang si Reigh ay hindi ko pa nakikita. Nagulat ako nang bahagya akong hinaplos ni Cheska. She draws a line from my neck down to my arms while biting her lower lip. Bahagya pa niyang isinisiksik ang sarili niya papalapit lalo sa akin. I can almost see her boobs dahil sa suot niyang damit na masyadong mababa ang neck line. "Well, if you won't dance then I'll just stay here with you. At kapag ayaw mo naman dito, pwede tayong sumaglit sa room ko. I'm sure wala namang makakapansin dahil busy naman ang mga staffs and faculties." maarteng sabi pa niya habang patuloy pa rin sa pagbaba ang mga haplos niya. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang kamay niya kahit ang gusto ko'y tampalin na iyon. Lalaki din ako at nakakaramdam din ng pangangailangan pero not with Cheska! Ayoko dahil ayoko lang. "Mas lalong ayoko, Ches. Come on, enjoy yourself at the party. Makisabay ka dun sa mga nagsasayawan." pigil ang inis sa boses ko. Rinding-rindi na ako sa paglalandi niya pero hangga't maaari ay ayokong maging rude sa kanya. Binalingan ko siya pero nakita kong parang wala lang siyang narinig dun sa sinabi ko. Nag-sip siya sa baso ng wine na hawak-hawak niya atsaka ulit ako binalingan. "Come on, Vaughnne. I know how much you want me pero alam ko din na pinipigil mo lang ang sarili mo. Alam kong nirerespeto mo lang talaga ako dahil kay Daddy pero don't worry hindi ko naman sasabihin sa kanya eh." mahinang sabi pa niya atsaka ipinulupot ang kanyang mga kamay sa braso ko. Sumandal din siya sa balikat ko na animo'y naglalambing. Napailing-iling na lang ako sa inasta niya. Ayoko na ding makipagtalo sa kanya baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa beer na hawak ko at mabilos na nilagok iyon. Rinig kong andaming nagbubulungan sa paligid namin pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Okupado ang isip ko dahil sa isang babaeng hindi ako sinipot! Isa pa, wala rin akong panahong maki-tsismis. Pero naririnig ko yung usapan ng mga kalalakihan sa likod ko. "s**t pare! Ang ganda niya sobra! Atsaka tingnan mo yung kurba ng katawan, wala pa siyang ginagawa pero nagigising na si jr. ko." "Oo nga pare. Taga saang school ba yan? Ngayon ko lang yata nakita dito yan. O baka naman bagong transferee. Tignan mo pare ha, hindi matatapos ang gabing tu at mapapasakin din yan." Napailing-iling nalang ako sa mga naririnig ko. Mga lalaki nga naman! Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ko na ang pag-iinom ko habang nakasandal pa rin sa balikat ko si Cheska. Napapagod na rin kasi akong paalisin siya kaya hinayaan ko nalang. Maya-maya aalis na rin ako dito. "s**t pare! Papunta siya dito sa direksyon natin. Mas lalo pala siyang gumaganda pag sa malapitan!" "Tignan mo pare ha? Kakasabi ko lang sayo eh, magiging akin sya ngayong gabi. Tignan mo nga oh, siya pa yata ang lalapit sakin." Di ko na naman sinasadyang marinig ang usapan nila. Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa mga naririnig kong pagmamayabang nung isa. "Excuse me, mind if I'll borrow my date?" pareho kaming natigilan ni Cheska nung may tumigil na babae sa harapan ng mesa namin. Tiningala ko siya at ..natulala ako. Ngayon ko lang siya dito nakita at ang ganda niya, sobra. Siya siguro yung pinag-uusapan nung mga kalalakihan kanina. Pero ano daw? Date? Sino? At bakit siya dito tumigil sa harapan namin? Wala pa ring umiimik sa amin ni Cheska dahil sa pagkagulat. Nakita ko namang nag-uumpisa ng mairita ang babaeng nasa harapan namin ngayon. "Sinong kinakausap mo, Miss? Pwede bang umalis ka sa harapan namin ni Vaughnne. Nakakaistorbo kana kasi eh." inis na sagot ni Cheska sa kanya dahil siya ang unang nakabawi saming dalawa. Nakita ko naman ang pagsmirk nung babae bago siya muling nagsalita. "I'm here to take my date. So I bet, you're the one who should go and leave us." kalmado namang sagot sa kanya nung babaeng maganda habang ako ay tahimik pa rin at naguguluhan sa pinag-uusapan nila. "Is this kind of a joke? Ngayon kalang namin nakita dito tapos sasabihin mong kukunin mo si Vaughnne bilang date mo?!" naiinis nang sabi ni Cheska kaya di na niya napigilang tumayo at hinarap ang babae. Pero ano daw? Ako? Date ng babaeng to? Eh sa pagkakatanda ko eh hindi ako sinipot nang kadate ko ah. "I'm not joking around, Cheska. At sa tanong mo kung sino ako, chill. May tamang oras para diyan mamaya. For now pwede bang umalis kana muna dito? Masyado mo na kasing ineenjoy ang pagkapit jan sa kadate ko!" naiirita nang pagtataboy ng babaeng to kay Cheska. "No way in hell." pagmamatigas naman ni Cheska dito kaya dun lang ako nakapagsalita. "Sige na, Cheska. Umalis kana muna at kakausapin ko lang siya." kalmadong awat ko kay Cheska bago pa sila magkagulo dito. Padabog namang umalis si Cheska pero nakita ko pa ang pag-irap niya sa kausap. Pagkalayo ni Cheska ay agad kong binaling ang pansin ko sa babaeng nakatayo pa din sa harapan ko. Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako. "I wasn't inform na nagpalit ka ng ka-date." malamig ang boses na aniya na mas lalong ikinakunot ng noo ko. "I'm sorry Miss but do I know you? Pasensya kana pero hindi ko maalalang niyaya kitang maging date ko. In fact, ngayon lang kita nakita dito." casual na sabi ko sa kanya kahit gulung-gulo na ako. Nakita ko namang bahagya siyang ngumiti pero agad rin akong inikutan ng mga mata. Magsasalita na sana siya ng biglang pumailanlang sa buong gym ang boses ng Emcee. Rinig sa buong gym ang pagkadismaya ng mga estudyante dahil sa naidlip na kasayahan sa dance floor. "Good evening ladies and gentlemen. I know that you're enjoying the party and Im sorry to interrupt your moments but this is really important. Just resume enjoying the party later on because tonight we will going to meet the most gorgeous lady in this party. And it's none other than the heirress of the Schawinger's Empire." excited na anunsyo ng Emcee na ikinahiyaw naman ng mga kalalakihan. Tss, basta babae talaga active silang lahat eh. Saglit na nawala ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko at curious na ibinaling sa harap ang atensyon ko. Heirress ng Schawinger's Empire? Ibig bang sabihin nun may kapatid si Czake na babae? Hindi namin alam yun ah. "Whoaaaa! Chikss!" "Pakilala na yaaaann!" Samut-saring sigaw mula sa mga kalalakihan ang nag-ingay sa loob ng gym kaya natatawang nagsalita muli ang Emcee. "Chill, boys. Makikilala na natin siya any minute from now. Kasalukuyan siyang hinahanap ng spotlight ngayon dahil nainform kaming nandito na siya. Oh..... Ayan na pala siya. Let's all welcome the one and only heirress of the Schawingers, Czake's younger sister, looking so gorgeous herself, Zyth Vien Desales Schawinger. Please come up on stage." mahabang anunsyo ng Emcee na literal na ikinanganga ko. At hindi lang iyon ang nakapagpagulat sakin kundi ang spotlight na kasalukuyang nakatutok sa babaeng nasa harapan ko. Kita ko naman ang magkahalong kasiyahan at kaba sa mukha niya habang dahan-dahang naglalakad papuntang stage. Naramdaman ko pang bigla siyang tumigil sa kinatatayuan ko atsaka nagsalita. "I'll explain later." maikling sabi niya na nagdulot sakin ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ko maintindihan pero bumilis ang t***k ng puso ko. Nandun pa din ang kunot ng noo ko habang pinagmamasdan siyang marating ang stage. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng paglaki ng mga mata ko ng agad siyang nilapitan ni Czake at... Hinalikan sa noo. Isang babae lang ang alam kong ginagawan niya ng ganyan. It couldn't be! Is it even possible?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD