ZYTH's POV
Di ko napigilan ang malapad na ngiti sa aking mga labi habang naglalakad ako patungo sa isang salon dito sa mall.
Di parin napapawi ang ngiti ko dahil hanggang ngayon ay masaya pa din ako.
Wala na akong pakialam kung nagmumukha na akong baliw dito dahil nakangiti akong mag-isa habang naglalakad.
Hindi ko na din pinagtuunan ng pansin ang mga matang nanunuyang nakatingin sa akin. Naka-nerd look pa rin kasi ako ngayon dahil wala lang, trip ko lang.
Gusto ko kasing mabigla sila lahat mamaya pagka naipakilala na ako. Atsaka gusto ko na din munang i'enjoy ang last moment sa itsura kong ito.
Mamimiss ko din kasi ang magmukhang ganto dahil kahit papanu ay nakasanayan ko na din naman.
Sa mahigit isang buwan na naging nerd ako ay naka'adjust na din kasi ako.
Nang makita ko ang aking hinahanap ay agad akong pumasok dun. Ngunit natigilan ako ng makita kong VVIP SERVICE ONLY ang nakapaskil sa labas nun.
Naguguluhan pa din ako habang papasok ako sa salon na iyon. Pero agad akong hinarang ng mga bakla na batid kong siyang mag-aayos sa akin mamaya.
"Excuse me? Hindi mo ba nabasa ang nakapaskil sa labas? Meron kaming VVIP customer ngayon at baka maya-maya pa'y nandito na iyon kaya pwede ba umalis ka na. Tsupi!" maarteng pagtataboy sakin ng bading na medyo maikli yung buhok.
"Juicecolored mare, kaya mo ba ang aura ni ate? Kahit pa nga wala siguro tayong VVIP customer ngayon ay hindi makerey ng pawerss ititch." bulong naman nung kasama niya na ikinaasim ng mukha ko.
Mabilis kong chineck ang message ni kuya kung ito nga ba talaga ang tinutukoy niya. Pero ito talaga yun eh.
"Ateng! Bingi ka ba? Nakuu, kaloka naman. Naiistris ang byuti ko sayu." maya-maya pa'y tawag pansin sakin nung isang bakla.
"Hayy naku. Panget na nga, bingi pa si ati mo,bakla." napataas naman ang kilay ko sa dalawang baklang kung makapag-usap ay sa wari mo'y wala ako dito.
"Oh, sayang naman. Andito sana ako under sa reservation ni Czake Vale Schawinger pero mukhang nagkamali naman yata siya ng salon na pinagkatiwalaan. Anyways, I'll just call him na lilipat nalang ako ng ibang salon." kalmadong sabi ko sa kanila na ikinatigil naman nilang pareho.
"P-para po sa inyo yung ipinareserve n-ni s-ser Zak?" naguguluhang tanong nung baklang nagsabi na panget at bingi daw ako.
Nginisian ko na lamang siya atsaka ipinakita yung card ni kuya. Ipinahiram niya kasi sakin 'to kanina. It's a VVIP black card na hindi nauubusan ng laman. Unlimited kumbaga.
Bakas ko naman ang bumadyang takot sa mukha nilang dalawa.
Ang kaninang matapang na aura nila ay napalitan iyon ng matinding takot at pangamba.
Pero nagulat ako ng sabay silang lumuhod sa harapan ko at..
"Naku..s-suri fo Ma'am. Hindi fo namin sinasadya nitong si Roverto yung pinagsasabe namen kanena. Suri fu talaga."
"Oo nga naman Ma'am. Hinde na po mauulet. Wag niyo na po kameng isumbong kay Ser Zak. Pagpasensyahan niyo na po kami nitong kasama kong si Teodorico na tratuhin kayo ng ganon. Sorry na po talaga ma'am. Maawa po kayo sa amin. Mawawalan po kami ng trabaho pag nakarating ito kay Ser Zak." maluha-luha namang sabi nung isa pa sa akin.
Di ko naman maiwasang hindi maawa sa kanila.
"Okay. Tumayo na kayong dalawa jan at bago pa mag-iba ang isip ko. Bumawi nalang kayo sa akin at pagandahin niyo pa ako lalo." nakangiti kong aniya pero napangiwi naman yata sila sa huli kong sinabi.
Ayaw talaga nilang maniwala na maganda naman na ako.
Dahan-dahan kong tinanggal ang wig at eyeglass ko kaya halos sabay pa silang napanganga.
"Ano, hindi pa din ba kayo kumbinsido na maganda ako?" I said as I flipped mah hair.
Matagal-tagal rin silang nakabawi sa pagkabigla bago sila natatarantang kumilos na para ayusan ako.
"Grabi naman fala kaganda tu si Ma'am. Bakit mu fa kasi kailangang itagu eh wala namang dafat ikahiya sa itsura mung yan." Teodorico
"Oo nga naman Ma'am. Parang wala na nga kaming maitutulong sa inyo eh. Ang ganda niyo na lalo. Binabawi na namin ang sinabi namin kanina na mahihirapan kami nitong si Teodorico sa pag-aayos sa inyo." Roberto
"Anu ka ba naman vakla? Kanina mo fa ifinangangalandakan yang pangalan ku. Sabi naman sayong Rica nalang eh. Mas bit ku iyun kisa sa bantut na pangalan ko. Mas mabantut pa yata yun kisa sa hininga mu i." Teodorico
Napailing-iling nalang ako sa pagdadaldal ng dalawang bading habang inaayusan ako.
Natatawa nalang ako dahil kanina ko pa napapansin na masyadong matigas kung magbigkas ng mga salita tung si Teodorico yata yun.
Ah basta, yun na yun! Samantalang si Roberto naman ay napapansin kong nasobrahan sa lambot ang pagkakabigkas niya. Lalaking-lalaki pa naman din yung pangalan nilang dalawa. Haha
Ginagawa niya pa na f yung dapat sana ay p, samantalang v naman sa dapat ay b.
Ay ewan! Napapailing nalang ako habang nakikinig sa kakulitan nilang dalawa.
--
Ilang oras pa akong nanatili dun at nakikipag-sabayan na rin ako sa mga corny'ng jokes ng dalawang bakla.
Mabait rin naman pala sila. Atsaka sobrang takot lang siguro nila kay kuya kaya masyado lang nilang ginagampanan ang mga trabaho nila kaya't ganun yung bungad nila sakin kanina.
Tama nga naman sila dahil hindi sila tumanggap ng customer dahil nga nagpa-reserve na si kuya.
Anyways, kasalukuyan na akong binibihisan ng mga bakla at nagre-retouch nalang sila sa akin.
Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang party.
Dito na rin ako nagbihis dahil pinadala na dito ni kuya ang damit na susuotin ko para mamaya.
Isa iyong red gown na fitted hanggang sa hita ko. May side slit siya sa right side kaya medyo maluwang naman na pababa.
Bahagya rin nilang kinulot ang ilang hibla ng buhok ko sa magkabilang gilid habang nakabun naman iyon sa likod.
Feeling ko tuloy nagmumukha akong si Taylor Swift sa buhok ko although magkaiba nga lang kami ng kulay ng buhok.
"Ayan, pinis na tayo vakla. And byula, ang dyosa mo na ngayon Ma'am Zyth." namamanghang puri sakin ni Rica.
Zyth nadin yung ipinakilala ko dahil baka pag Vien ay mamali pa ang pagkakabigkas niya. Hahaha
"Oo nga Ma'am Zyth. Mas lalo kayong gomanda dahel naayosan na kayo. Kaseng ganda nyo na po ako Ma'am." sabi naman ni Roberto kaya pabiro siyang binatukan ni Rica. Haha
"Nangangarap ka naman jan,vakla!" at ayun na ulit ,nagbangayan na ulit sila. Hahaha.
Natatawa na lamang ako sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa'y nakatanggap na ako ng mensahe galing kay kuya na nag-uumpisa na daw ang party.
Late na daw niya ako natext dahil busy siya sa mga BOD at mga importanteng bisita.
Hindi na rin na ako nagpasundo pa kay Vaughnne. Itinext ko na kasi siya kanina na dun nalang kami magkita sa venue.
Nagpaalam nadin ako at nagpasalamat sa kanila bago lumabas ng salon.
Ramdam ko ang namamanghang titig ng mga taong nadadaanan ko.
Nakakita pa ako ng magboyfriend na iniiwas nung girl yung tingin sakin ng boyfriend niya.
Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil sa pagkaka overwhelmed.
Actually, na-miss ko ang feeling ng ganto. Yung makikita mong namamangha sila dahil sa ganda ko samantalang yung mga lalaki naman ay pinapantasya ako.
I know I sound like a conceited pero dito kasi ako nasanay.
Kaya nga matinding pag-aadjust ang tiniis ko sa halos mahigit isang buwan na kinukutya at parang pinandidirihan ako ng mga tao dahil sa looks ko.
Pagkasakay ko sa kotseng naghihintay sa akin sa labas ng Mall ay muli akong napangiti.
Excited ako at the same time ay kinakabahan sa mangyayari ngayong gabi.
Ano kayang magiging reaksyon ni Vaughnne kapag nakita akong ganto? I mean, alam kong halos nakita na niya ang tunay na ako pero iba kasi ngayong nakapag-ayos ako. Wait, teka!
'Bakit naman sumagi sa isip ko ang lalaking iyon?'
Marahas kong iniling ang ulo ko na animo'y matatanggal na siya sa isipan ko dahil dun.
Pero nabigo ako. Hindi ko alam pero may part ng pagkatao ko na curious sa kung anong magiging reaksyon niya.
'Would he like how I look for tonight? Did that make-over thing makes me more attractive than I already was? I dunno but there's a part of me that wants him to be attracted on me.'