ZYTH's POV
Nananatili pa rin ang ngiti sa aking mga labi habang naglalakad ako pabalik sa room ko.
Pakanta-kanta pa ako ng Statue ni Lil Eddie dahil sa sobrang tuwa.
Sa wakas, hindi ko na kailangang maging nerd. Hindi ko na din mararanasang apihin dahil sa itsura ko.
Masigla akong pumasok sa kwarto ko. Pero nagulat ako ng makita si Vaughnne na prenteng nakaupo sa couch habang kumakain ng pizza at nanonood ng tv.
Tumikhim ako upang maagaw ang atensyon niya.
Agad naman siyang tumayo at akmang sasalubungin niya ako pero mabilis kong tinaas ang kamay ko upang patigilin siya.
"Stop right there!" mabilis na pagpigil ko sa kanya.
Kung maaari ay ayoko na munang mapalapit sa kanya because the last time na hinayaan ko siya ay nauwi iyon sa make out. Urgh!
Kinunutan niya naman ako ng noo. Bakas sa mukha niyang naguguluhan siya sa inaakto ko pero hindi naman siya nagsalita.
Tumigil din siya ilang dipa ang layo mula sa akin.
"What do you want this time, Mr. Chromewell?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya habang magkakrus ang mga braso ko.
Kita ko naman ang pagtaas ng gilid ng labi niya dahil dun.
"So,you know my surname? We could try it with your name on it if you want." sabi niya na may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"Don't be so full of yourself, Mister! I don't like your surname or I never dreamt of using it either." malamig ang boses na sabi ko sa kanya.
"Whatever you say, Vien. Anyways, aren't you gonna attend the acquiantance party?" he said like nothing happened.
Casual din ang boses niya na parang hindi kami nagtalo.
"It's none of your business, Vaughnne. And why do you care as if it matters to you?!" matinis ang boses kong tanong sa kanya.
I was in a good mood awhile ago and yet he's starting to annoy me. Kung maari ay ayokong masira ang mood ko pero iniinis na talaga niya ako.
Nararamdaman at nakikita ko rin sa ekspresyon ng mukha niyang nauubusan na rin siya ng pasensiya.
"I care because you.are.my.girlfriend. It does matter to me because you'll be my date!!" galit na niyang sigaw na ikinatigil ko.
Pero hindi hahayaang maging sunud-sunuran muli sa kanya.
"I wasn't your girlfriend and will never be. You only initiated this f*cking boyfriend/girlfriend thing and I couldn't remember that I agreed on it." matigas na sabi ko sa kanya habang nakacrossed-arms pa.
Nakita ko namang mas lalong dumilim ang aura niya.
Marahas niyang ikinuyom ang kanyang kamao na parang pinipigil ang sarili.
"Fine. I'll just tell everyone then about your dark little secret." pananakot pa niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.
Bahala siya sa kung anong gusto niyang gawin. Anong akala niya matatakot niya pa ako sa banta niyang iyan?
Nginisian ko na lamang siya na ipinagtaka niya.
Batid ko iyon dahil nakita ko sa mukha niya. Hindi niya siguro ineexpect na ganun ang isasagot ko sa kanya.
"Go on, spead it and I won't stop you. Besides, I don't give a s**t with that anymore. Just leave me alone and stop blackmailing me because I won't bite it. You blackmailed me once, and that was so stupid of me for letting you do that." taas-noo ko pang sabi na lalong ikinagitla niya.
Tuluyan na akong napangiti nang makita ko siyang tumalikod. At last! Hahaha
Pero nagulat ako ng makita ko siyang lumingon sa pwesto ko ng may isang pilyong ngiti sa mga labi.
"Well, it seems like you don't really care about your secret. But I am rest assured that your Czake will really cares if he finds out that his princess had make out with his bestfriend. And worst, the princess enjoyed it herself." he said firmly na ikinainit ulit ng ulo ko.
How dare him! Urgh! He's really getting into my nerves.
Hindi talaga siya nauubusan ng pangbablackmail sakin.
'Kasalanan mo din kasi at hinayaan mo siya. At isa pa, nag-enjoy ka rin naman.'
Mas lalong nadagdagan ang inis ko dahil sa isinisigaw ng bwiset na utak ko.
Di ko na napigilang mapasigaw sa inis. Hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko dahil di ko na alam ang gagawin.
Mag-iisip ako ng lusot kay kuya. Tama! Hindi niya pwedeng malaman na nakipaghalika-- urgh! Ayoko nang maisip yun. Bwiset kasi tung lalaking to!
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng babae dito eh ako yung pilit niyang ginugulo. Aaaaaahh! Mababaliw nako.
Di ko namalayang nakalapit na pala ang bwiset na tu sa akin sa lalim ng iniisip ko.
Naramdaman ko nalang ang presensiya niya ng maamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
'At talagang naaalala mo pa ang pabango niya ha?' pag-eepal na naman ng pesteng utak ko.
Kung pwede ko lang siyang dukutin jan sa loob, ginawa ko na. Hindi siya nakakatulong sa nararamdaman ko ngayon, praaaamis.
"What now, princess? Cat got your tongue?" aniya habang ngingisi-ngisi pa.
"Lumayo ka saking peste ka kung ayaw mong sipain kita ulit jan sa pinakamamahal mo!" inis na sabi ko sa kanya habang tinitignan yung ano niya.
Bwiset na to!
Imbis na matakot ay tumawa lamang siya.
"You really like my friend,huh? Do you want him? Come on, let's start it with the make out. I'm sure you'll gonna enjoy it.Again." he confidently said while smirking.
"Urgh! I hate you! I hate you! You jerk! Napakamanyak mo talagang g*go ka!" galit nang sigaw ko sa kanya habang pinaghahampas siya sa kanyang dibdib.
Nagpapadyak na rin ako dito na parang bata sa sobrang inis.
Pilit naman niyang pinipigilan ang mga kamay ko. Pero wala na akong pakialam kung masaktan siya.
Galit ako sa kanya! Galit na galit. Tuluyan na niyang sinira ang kaninang modo ko at walang kahirap-hirap na nagtagumpay dun.
Napatigil ako nang mariin niyang pinunasan ang mga luhang di ko napansing tumutulo na pala sa pisngi ko.
Bumilis naman agad ang t***k ng puso ko sa pagkakalapat ng mga kamay niya sa balat ko kaya mabilis kong tinapik ang mga kamay niya.
Umurong pa ako ng konti dahil sa ilang na nararamdaman ko sa pagkakalapit naming dalawa.
Nakita ko naman ang paghinga niya ng malalim dahil dun.
"You really hate me that much,huh? Ganun mo ba kaayaw sakin at kahit pagiging date ko ay iniiyakan mo?" plain na sabi niya.
Wala na rin akong mabakas na emosyon sa mukha niya ngayon. It's not sad. It's not even mad. It's blank and unfortunately, it's creeping me out!
"Y-yeah! I.. I really hate you the very first time I saw you snoring beside me, the moment you kicked the chair where I was sitting, the moment you pulled out the chair for me and ended up with humiliating me in front of many students at the cafeteria. I experienced those hell, all because of you and I loathed you for doing all of that. Now, leave me alone and stop pestering me because I had too much because of you!" naiiyak na sigaw ko sa kanya habang unti-unting bumabalik sa ala-ala ko ang mga pinagdaanan ko dahil sa kanya.
Mag-iisang buwan na pala akong nandito pero puro pahirap lamang ang naidulot niya sa akin.
Lahat ng bagay na ginawa niya, lahat iyon bago sa akin.
Never in my entire life na naranasan ko iyon. First time lahat ng iyon at dahil iyon lahat sa kanya.
"I-I'm sorry. I never thought na ganyan na pala kalaki ang galit mo sakin. Pasensya kana sa lahat ng nagawa ko. Pero sana..kahit ngayon lang! Alam kong sobra-sobra na ang sama ng loob na naidulot ko sayo para hingin ko pa ito,but please..be my date tomorrow and after that, I'll leave you alone." mahina ang boses niyang sabi sa akin.
Pinunasan niya ulit ang mga luha sa pisngi ko at tinanggal ang glasses ko.
"I promise you, Vien. I won't go near you after this. Just this once...sana pagbigyan mo ako." pagsusumamo pa niya.
Napa-isip naman ako sa sinabi niya.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung okay lang ba kung pagbibigyan ko siya. Okay na din siguro kung pumayag ako, atsaka para matapos na rin to at nang tantanan na niya ako.
Nang makapagpasya ako'y dahan-dahan kong itinango ang ulo ko. Napangiti naman siya dahil dun.
"Great! Thankyou so much,Vien!" masigla na ulit ang boses na sabi niya.
He even hugged me na ikinagulat ko. Pero mas nagulat pa ako sa sunod niyang ginawa.
He kissed me.
On the lips.
It was just a peck on the lips but still, he kissed me.
At hindi ako nakapagreact dahil agad din naman siyang tumakbo paalis.
Ramdam ko ang pagbilis ulit ng t***k ng puso ko.
Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko na ramdam pa rin ang bilis ng t***k niyon.
Ngayon napapaisip ako kung tama ba ang naging desisyon kong pagpayag sa gusto niya.
'Would it be really right to be his date? Won't I regret my decision? Now that I know for myself that he's not safe with me specifically to my heart??'