Naninikip ang dibdib, naluluha at nahihilo. Para na akong malulunod sa halu-halong pakiramdam na ito. Dumagdag pa ang init ng sikat ng araw, ang amoy ng makina ng bus na sinasakyan ko patungong Bicol, pati ang pag-alog2 nito. Isinandal ko ang ulo at pumikit. Pumipintig na ang sentido ko, masakit na rin ang mga mata, naninikip ang dibdib at nangangasim ang sikmura. Hindi ko na alam alin ang uunahin kong indain. Nang huminto ang bus sa stop over ay nag-CR ako saglit at bumili ng mani. Para namang naibsan ang pagkakahilo ko. Siguro ay gutom lang 'to. Sa pagammadali ko kasi kanina at sa takot na baka ipahanap ako at maabutan ay hindi na ako nakabili ng pagkain. Sa terminal ng bus na rin ako natulog at nag-abang ng susunod na byahe. "Aning!" gulantang ni Inay nang makita ako. "Juskong bata k

