Analyn's POV FLASHBACKS: Naglakad kami ni Caizer sa isang madilim na hallway. May ilang mga ka-brod niya ang nakakasalubong namin na bumabati sa kaniya, meron ding nakikipag-handshake. Dinala niya ako sa isang silid, ngunit bago pa kami nakapasok nang tuluyan ay may namataan na akong isang matangkad na lalaki, pamilyar ang boses pati ang tindig. Hanggang sa mabanaagan ang mukha nito ng liwanag. Hindi ako nito nakita dahil abala ito sa kausap. hinintay ko itong makalapit para makasigurado ako sa mukha nito. Ngunit nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Caizer papasok ng silid. "Ssh! Nandito si Zeus!" "Zeus... Ang pinsan at kaibigan ni Adrian? Ano'ng ginagawa niya rito?" "Member sila ng TABSH. Sila ang matataas na opisyal ng frat! Huwag kang magpakita sa kaniya! Malalagot ako!"

