"Congrats, Analyn! Sa wakas natapos na rin ang bahay mo!" Napangiti ako habang tinitingnan ang bahay na ipinatayo ko. Natapos na rin lahat. Sa wakas ay may sarili na akong tahanan. Ito yun... Ang bunga ng pagiging desperada ko noon. Hindi na rin masama dahil napapakinabangan ko ngayon. Malayo sa ibang kabahayan ang lugar na napili kong tayuan ng magiging tahanan namin ng anak ko. Ngunit sinigurado kong pulido at maayos ang pagkakagawa ng bakod. Mataas at gawa sa konkreto. Gawa naman sa metal ang gate. Nag-alaga rin ako ng dalawang rottweiler na aso para may makasama ako at may magbabantay sa bahay habang tulog ako. Bungalow ang estilo ng bahay, hindi kalakihan ngunit matibay. Mahigit limang milyon ang nagasto ko sa pagpapagawa lang. Isinabay ko na rin ang pagpapagawa ko ng tindahan sa n

