Pumwesto si Adrian sa harap ng nakabuka kong mga hita habang inaayos ang sterile gloves na kaniyang suot. Kaming dalawa na lang ang nandito matapos niyang palabasin lahat ng tao sa loob. Narinig ko pa ang isa sa mga ito na nagsabing, "Isa yang Nagamori. Magaling na Doctor 'yan." Kaya naman ay wala nang nangahas na magreklamo. "Kumusta ang pakiramdam mo, Analyn?" Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ko habang pinapanood siyang kalmadong ginugupit ang panty na suot ko. "Masakit ba?" patuloy niya na hindi man lang sa akin sumulyap. Itinuloy niya ang paghubad sa aking panty at ibinuka lalo ang aking mga hita. Naiilang ako. Nahihiya. Kung kaya ko lang bumaba ay baka kanina ko pa ginawa. "Masakit ba na makitang buhay ako?" Natigilan ako sa tanong niya. Saka lang din niya inilipat ang

