"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko nang makasakay na kami sa elevator. Nandito kami sa condo ni Adrian, sa lugar kung saan nabuo ang mga alaalang hindi ko na kayang kalimutan. Mula sa Isla ay nag-helicopter kami papunta rito sa Manila at lumapag sa mismong rooftop nitong building na may sariling helipad. Sunud-sunuran lang ako sa kaniya dahil umaasa akong dadalhin na niya ako sa anak ko. Ngunit empty ang kaniyang unit pagpasok namin. Wala akong nakikitang bata. Wala si Zac, walang ibang tao maliban sa aming dalawa. "Wala rito ang anak ko?" Lukot ang aking mukha habang sinisipat ang paligid. Inis akong humarap sa kaniya. "Adrian! Sabi mo dadalhin mo ako sa anak ko!" Hindi siya sumagot. Sa halip ay ni-lock lang niya ang pinto at naghubad sa harap ko. "Ano'ng ginagawa mo?!" Pin

