"Huwag kang bumaba. Kahit na anong mangyari, huwag kang bumaba." Hindi ako sumagot pero sinunod ko naman ang sinabi ni Adrian. Hindi ako bumaba ng sasakyan. Pinanood ko lang siya na maglakad sa madilim na kalsada. Nakikita ko pa rin naman ang mga kilos niya dahil nanatiling nakabukas ang headlights ng sasakyan. Kalmado lang siya ngunit alerto ang mga matang paminsan-minsan ay sinisipat ang paligid. Mayamaya'y may biglang lumabas sa gilid. Hinarap niya kaagad ito. Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya, palapit sa liwanag. "Hi, Adrian." "Selestina." Napakuyom ang kamay ko nang makita ang paglingkis ng braso ng babae sa leeg ni Adrian. At hindi man lang pumalag ang Gago. Nanatili lang siyang nakatitig sa babae, blanko ang expression ng kaniyang mukha pero matalim ang mga mata. "Hindi

