CHAPTER 21 BECKY POV Kung may pamalo lang ako ngayon, malamang nabasag ko na sa ulo nina Tinay at Manyashik. Hindi dahil galit ako. Kundi dahil SOBRANG SWEET NILA. Grabe. Apocalypse na. May zombies. May zombie hunters. May sirang mundo. Pero silang dalawa? Parang nasa rom-com. Magkahawak kamay. Magkadikit balikat. Magkatinginan na parang may sariling soundtrack na “Ikaw at Ako Hanggang sa Dulo ng Mundo.” Samantalang ako? Nasa likod nila, halos madulas sa kanal. “HOY!” sigaw ko. “Pwede ba kayong maghiwalay ng kahit kalahating metro? Nilalanggam na ako sa tamis n’yo! Nagsisimula nang mag-evolve ang mga langgam sa sugar ninyo!” Si Tinay lumingon, nangingiti pa. “Sorry na, Becky…” “WALANG SORRY! MAY SINGLE RIGHTS AKO!” Si Manyashik, na tinatawag lang ni Tinay na Manyacle,

