CHAPTER 38 BECKY POV Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kaming paikot-ikot sa ilalim ng pasilidad na iyon. Pare-pareho ang itsura ng hallway, pare-pareho ang amoy ng bakal at kemikal, at pare-pareho ang pakiramdam na may mali sa bawat sulok. Pero hindi kami pwedeng tumigil. Hindi habang hindi pa namin nakikita si Tinay. Siya ang dahilan kung bakit kami nandito. Siya ang dahilan kung bakit kami pumasok sa lugar na kahit mga trained na sundalo ay ayaw lapitan. Humigpit ang hawak ko sa baril habang dahan-dahan kaming naglalakad sa makitid na corridor. Sa unahan ko si Ramil, tahimik pero alerto, at sa likod namin sina Lira at Dom na parehong handang bumaril sa kahit anong gagalaw. Walang nagsasalita. Hindi dahil wala kaming gustong sabihin, kundi dahil alam naming isang maling inga

