CHAPTER 39 THIRD PERSON POV Yumayanig ang buong underground facility na parang isang halimaw na pilit pinipigilan ang sarili bago tuluyang bumigay. Ang mga bakal na pader na dati ay matitibay at malamig ay ngayon ay nagbibitak, ang mga ilaw ay sunod-sunod na sumasabog, at ang alarm ay hindi na tumitigil sa paulit-ulit na babala. Two minutes to detonation. Sa control room, nakatayo si Sergio sa harap ng monitor, nanlalaki ang mga mata habang pinapanood ang kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng pasilidad. Isa-isang nawawala ang signal. Isa-isang namamatay ang camera feed. Sector B — offline. Detention wing — offline. Laboratory — offline. Halos mabasag ang baso sa kamay niya sa sobrang higpit ng hawak. “Hindi pa tapos…” bulong niya, nanginginig ang boses pero puno ng galit. “Hindi pa d

