Budol-budol Case

1919 Words
"Good morning prosecutor V!" sunod-sunod na bati ng mga empleyado sa prosecutor's office at tango lamang ang ginawad ko sa kanila. My usual self. Alas-syete pa lang ng umaga pero napakabusy na ng opisina. Makikitang palakad-lakad ang mga sekretarya habang may bitbit na gabundok na case files. Katulad nang nakagawian, nakasuot ako ng kulay navy blue na blouse na tinernohan ng beige na coat at black slacks. May suot din akong eyeglasses kaya manang na manang ang datingan ng lola niyo. Before entering my office, I touched the engraved name on the door — Prosecutor Vhernadette E. Falcon. Napangiti ako at nagbalik sa aking alaala kung gaano ako naghirap, mentally and emotionally, para lang makuha ang titulong ito. Pagkapasok ko sa opisina ay agad bumungad sa akin ang aking sekretarya na may hawak na folders at kape na binili sa isang kilalang coffee shop sa labasan. May pangalan pa itong nakasulat, sosyal. "Magandang araw Pros," sabay abot sa kape at sumunod sa table ko. Nilipag nito ang thick brown folder. "Maganda ka pa sa sikat ng araw Jenny. Anyway, bakit ba ang hilig mong bumili ng mamahaling kape? Pwede namang magtimpla na lang. Pareha lang din naman ang epekto at lasa."Binuklat ko ang brown folder. "Ah 'yon po kasi ang trend Pros. at nakikita ko rin sa tv at nababasa ko na kadalasang binibili ng mga bida ay kape mula sa roon," sagot nito at bumalik na rin sa sarili niyang mesa. I opened the folder to start my day. "Ikaw talaga Jen. 'Wag ka nang bumili sa susunod. Ipagtimpla mo na lang ako. May kapeng barako tayo diyan sa pantry." Nakangiti kong saad pero 'di kalaunan ay napawi rin ito nang nakita ko kung ano ang laman ng folder. Nakapaloob doon ang kasong hahawakan ko ngayon. Isa itong s****l harassment case na ang biktima ay pitong taong gulang na batang babae. Ang defendant naman ay tatlumpo't siyam na taong gulang.... na guro. Naningkit ang mga mata ko sa pagkadismaya at galit. Simula nang tanggapin ko ang prosecutor's badge ay samu't saring kaso na ang napunta sa akin pero ngayon lang ako hahawak ng kasong bata ang biktima. Karaniwan kasi ay murder cases. I specialized in Criminal Law, for your info. "Jenny, pakitawagan naman ang opisina ni Mrs. Robles, kailangan ko kasi ang expertise niya," utos ko. She's a well-known child psychologist na laging niri-recommend ng opisina. I opened my monitor and began browsing my mails for today. "Pros., pina-schedule na po kita. Tomorrow po, 9 am," sambit nito na kabababa lang ng telepono. "Thanks Jen," She just smiled and nodded politely. Bilib din ako sa secretary kong ito dahil napakaproductive. 20 years old ito at magdadalawang buwan pa lamang dito sa opisina. Katulad ng mga sekretarya sa mga palabas, balingkinitan si Jenny at katamtaman ang taas. Minsan nga napapansin ko na sa tuwing naglalakad ito sa hallway ay halos mabali ang leeg ng mga lalaking ka-opisina dahil mahilig itong magsuot ng hapit na hapit na mini skirt. Ang tawag dun ay tiis-ganda dahil sa lamig ba naman ng klima dito sa Baguio nagawa niya pang mag-skirt. Napailing na lamang ako habang tiningnan siya na busy na rin sa pag-aayos ng mga papel. Mga kabataan nga naman, paiksi nang paiksi ang sinusuot, ganon na ba kahirap ang ekonomiya? "Jen, parang kulang ang iksi niyang suot mo," pabiro kong bulalas. Sinipat niya ang skirt niya, "Sabi ko na nga ba eh, sana 'yong isang mas maiksi na lang ang sinuot ko." Napailing na lamang ako. Productive nga, slow naman. Sa umagang iyon ay inayos ko ang mga kakailangan sa kaso pero mukhang mahihirapan ako dahil walang ibang testigo. Kapag ganitong kaso kasi ay aasa na lamang ako sa circumstantial evidences at sa hinuha ng isang eksperto. Nilagdaan ko rin ang iba pang mga warrant na tapos nang kilatisin. Halos magkumahog ako sa pagbabasa at pag-aanalisa ng mga nagrirequest ng warrant. Hindi kasi basta-basta ang trabaho ng isang prosecutor dahil nakasalalay sa amin ang buhay ng isang tao. P'wede kaming makatulong upang ipalaganap ang hustisyang ipinagkait sa karamihan. Pero p'wede rin kaming makasira ng buhay dahil lang sa pag-aakalang tama ang pinapanigan. I glanced at the window, hapon ma na naman. Bigla akong naistorbo nang bumukas ang pintuan. I creased my brow as I looked at the person who entered my office. It's my bestfriend. Isa rin itong prosecutor na naka-assign sa Benguet. Bakit kaya ito napaluwas? Pagtatakang bulong ko. She's a total fashionista unlike me. Para itong Koreanang pinatapon sa Pilipinas. "BFF I miss you," tili niya sabay beso. "Alam kong itatanong mo kung bakit ako andito. Pero bago ko sagutin yan, may pasalubong ako sa'yo." Inilapag niya sa mesa ang isang basket na naglalaman ng patatas at isang box na strawberry. Napangiti na lamang ako. How thoughtful, wala na bang ibang p'wedeng ipasalubong? Haha. "Gracia naman, pupurgahin mo ba ako sa patatas? Kada buwan mo ba akong dadalhan? Haha. Sana sa susunod gawin mo ng fries para diretso na sa sikmura ko," natatawang wika ko na nakatunghay sa kaibigan na walang pasabing umupo sa harapan ko. "Hayaan mo sa susunod, hindi lang isang basket dadalhin ko, isang tiklis na para naman ipamahagi mo rin sa mga kasamahan mo dito at sasamahan ko pa ng key chain." sarkastikong sagot niya. "Enough of those patatas thingy, why are you here then?" "Kababalik ko lang from Manila. Galing kasi akong Sandiganbayan. Alam mo na, graft case again. And take note who were the parties involved," taas-kilay niyang wika. I was so curious that I focus my eyes on her. "Ito naman, mahilig kang mambitin. Sino ba?" Natigil ako sa pagtipa ng keyboard. "Benguet's newly elected Gov. Iyon bang may-ari ng Rancho del Valle , sa Kilometer 5," ani Gracia na ngayon ay nakatayo na at nakapa-meywang pa. Ang mga del Valle ay kilalang pamilya ng mga politiko sa Benguet Province at naging kaklase ko dati ang anak na babae ni Don Loncio. Tandang-tanda ko pa ang pambubully ni Franchesca Del Valle noong nasa high-school pa lamang kami. Inis na inis ako sa kanya noon at muntik pa kaming magsabunutan. Mabuti na lang inawat kami ni Gracia. "Oh.. kumusta naman ang hearing? Hanggang ngayon ba 'di pa rin matinag ng husgado ang kapit nila?" sabi ko na halatang may kung anong itinatagong pait patungkol sa pamilyang nabanggit. "Hindi pa masasabi eh. Halos 'di nga mapanatili kanina ang proper decorum dahil mismong mga empleyado ng Gobernador ang tumisgo laban sa kanya. Pero 'wag na nga muna nating pag-usapan 'yon, kaya nga ako pumunta sa'yo para mag-unwind kahit saglit lang," bulalas niya. Alas singko na nang hapon kaya napagpasyahan na lamang namin na kumain sa labas. "Bessy, doon na lang tayo sa resto sa Gov. Pack. Masarap ang lutong-bahay nila do'n lalo na ang pakbet with daing na bangus at ang..." "Bulalo!!!" sabay naming tili na para bang mga bata. Hindi ako mahilig sa sosyal na pagkain. Bukod kasi sa mahirap i-pronounce ang pangalan ay hindi ko pa maintindihan ang lasa. Feeling ko nga minsan dinadaan na lamang sa pangalan para masarap pakinggan katulad ng BLANCED LEAFIE VEGGIE WITH CRUSHED TOMATO IN SPARKLING SEAFOOD AND FISH FILLET DE EL NIÑO o mas kilala sa tawag na BINAGOONGANG TALBOS NG KAMOTE AT TUYO NA MAY PINISANG KAMATIS. "Ikaw masusunod, alam mo namang pareha tayo ng taste. haha. Namimiss mo na naman ang luto ng mama mo ano?" Naglakad kami palabas ng opisina papunta sa parking space. Ako ang nagmaneho ng sasakyan papunta sa Gov. Pack. Nagdala ako ng iilang pirasong strawberry para panghimagas. "Siyempre naman. Hindi na rin kasi palagiang dumadalaw sina mama dahil busy na rin sila sa paghahanda sa pistang gaganapin. Alam mo namang punong-abala 'yon lagi." Sa Tarlac na kasi nakatira sina mama at papa para tumao sa lupain namin. Papasok na kami sa restaurant nang makasalubong namin ang nagmamadaling lalaki. Tutok ito sa telepono niya kaya ako na lang ang umiwas. Bahagya ako tumabi pakanan and to my surprise, he also went that way. Nagkabanggaan kami. Tumilapon ang dala kong strawberries sa sahig at napatingin pa sa amin ang ibang mga costumers. "Ahy okis ti saba," I cussed...loudly. "What the f****," sambit pabalik ng lalaki. Wow! Siya na nga ang nakabangga, nagawa niya pang magmura. Kapal ah. Nakatingin ako sa mga kawawang strawberry na gumulong sa sahig. Pupulutin ko na sana ang ilan na nasa harapan ng sakto namang humakbang ang lalaki at naapakan ang mga ito. Nanggagalaiti ako sa galit. "Hey! wala ka bang mata Mr?" tanong ko sabay tingin sa Hudas Barabas na salarin. Pero saglit akong natigilan dahil mistulang nakakita ako ng isang leading man. Ay oppa material lang ang datingan. Walang binatbat si carrot man na pambato ng Benguet. I was speeches for a moment. Isang napakagwapong lalaki ang nasa harapan ko, nakasuot ito ng white t-shirt. Medyo singkit ang mga mata at infairness, halos walang pores sa mukha. Humagod ang tingin ko sa mga bisig ng lalaki at parang gusto kong maglambitin dito. Para itong matitigas na sanga ng puno ng narra. My sinful eyes travelled downward, but before arriving at its destination, his voice made me look into his eyes..his dark but seductive eyes. "Are you done eye-raping my innocent body?" tanong niya at bahagya pang nakaangat ang gilid na parte ng labi. Tahasan akong napabalik sa katinuan. "Ang hangin naman nito, gwapo sana. Pabayaran ko kaya 'tong mga napisang strawberry, ay hindi pala sapat 'iyon . Ah alam ko na, hingan ko kaya ng binhi 'to, mukha kasing maganda ang lahi. Ay ano ba 'yan Vherna, ang sagwa nang naiisip mo. Umayos ka, mag unos-dili ka. Dapat galit ka dahil wala ka nang kakaining panghimagas mamaya," kastigo ko sa sarili. "Well, is eye-raping a criminal case then? For my 4 yrs. stint in law school, I can't remember that such crime exists." Mapang-uyam na sambit ko. Napamaang na lamang ang lalaki sa aking harapan. Oh ano ka nga ngayon?Kala mo ah. "So, is that an indirect admission that you're fantasizing my god-like body? " nakangiting tugon ng lalaki. Sasagutin ko na sana pero biglang may atribida. "Ah excuse me Mam, Sir...Sir, Mam...may problema po ba tayo?" Tanong ng isang waiter. Hindi namin napansin na nakaagaw na pala kami ng atensiyon sa restaurant. Nagbago ang expression niya. He sweetly looked at me. Nanlambot ang mga tuhod ko. "Oh---I'm sorry. It's just a small misunderstanding between lovers. Di ba babe? Don't worry, ibibili nalang kita ulit ng favorite mong strawberry at kung gusto mo, halughugin ko pa ang buong strawberry farm para makahanap ng kambal na strawberry para naman magkaforever tayo." Sabay kindat at hapit sa beywang ko. Heat rushed through my body. Napangiti na lamang ang waiter at halatang kinikilig sa eksena. Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan ba o sa kiliti na dulot ng hawak niya. Oh gosh, Vherna 'wag lang marupok. Gusto ko pa sanang sumagot pero hinawakan na niya ang kamay ko at iginiya papunta sa isang table. Para nga akong nabudol-budol dahil napasunod na lamang ako at nakalimutan pa atang kasama ko si Gracia na kanina pa nagpipigil ng tawa habang nakasunod sa amin. Who is this guy? I asked myself while glancing at his face from time to time. Nagbalik na ulit sa pagiging seryoso amg mukha nito....bipolar lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD