Prologue
"Love and law bear some sort of similarities."
"Hindi ka mananalo kung hindi mo susubukang lumaban". Sa pag-aabugasiya, kung magiging attorney-no-case ka dahil takot kang humarap sa courtroom and you're only after the "atty." title attached to your surname ay wala rin lang silbi ang maraming taon at perang iginugol mo sa law school. Passion for profession, that's the keyword for it.
Love has also the same rule as law. Trial and Error, that is love. You can't have a successful relationship if you don't have the courage to take the risk of commitment, patience, and understanding. Ikanga nila ,"love is the law of mankind".
Focus, dedicated, and uptight — those were the characteristics that they often tagged me. No interest in love, just pure law. Pero ang hindi nila alam, I was just like most of the girls who fantasize a fairytale-like lovestory. It's given, dahil sa kabila ng mundong pinamumugaran ng mga kriminal ay nangangarap din ako na makatagpo ng isang taong magtatanggol sa akin. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung nakatadhana akong lumaban pero 'di naman pinaglalaban.
I'm Vhernadette Esguera Falcon. A prosecuting attorney in RTC Branch 2, Baguio City. Taray!
Ako 'yong tipong laging ginagawang definition ng salitang "lipas na", "lagpas na sa kalendaryo", konting push na lang nasa menopausal stage na at ilang birthdays na lang pasenior na (oy magkakadiscount na). Ganyan ako kung i-describe sa opisina. Ang OA nila 'di ba?
Hindi naman ako pangit (masungit lang), hindi rin obese (may tinatagong baby fats at pigil hininga kapag nagpapapicture), Hindi rin naman ako bobo (saktong talino lang. haha) pero pinagkakaitan ng kapalaran na makatagpo si Mr. Right (may gano'n ba?).
*************
Habang nakaupo sa swivel chair na kabibili ko lang sa Japan surplus ay napaisip ako bigla.
Wala na ba talaga akong pag-asa? Kasinlabo na ba nang deskusyon kung kanino talaga mapupunta ang Spratlys, sa Pilipinas ba o sa tsina? O dili kaya'y makikisapi na rin ako sa samahan ng mga taong nagsasabi na "being single is a trend nowadays".
Pero 'di pa naman ako umaabot sa punto ng pagiging desperada. Na ibabadera ang puri para makaakit ng lalaki. Hindi ko pa naman nararanasan na makipag-chat sa mga estranghero online. I considered the courtroom as a romantic place. The cases are my lifeline and justice is what I love the most. I also have commitments, to my clients and to the court of justice.
That's me, an old-fashioned prosecutor na may all-win ratio pagdating sa korte pero all- zero sa usaping pag-ibig.
Oy 'wag kang tumawa, ikaw ba na nagbabasa nito may love life? Kung wala, I feel you (same here). Kung mayroon naman, eh 'di ikaw na ang pinagpala, congrats.
It's not just a story of boy meets girl, it's a story of how a girl courageously battled over her profession and ......brewing romance.
And I, rest my case.