Prologue
Napakapit ako ng mahigpit sa bewang ng baliw nito. Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng takbo ng mokong wala naman kaming tight schedule. Pero syempre gusto gusto ko naman.
Napabalik ako sa realidad nung mabilisan na takbo ay unti-unting naging mabagal hanggang sa huminto kami. Ang rason pala dahil sa Traffic Signal. Red Light kaya huminto muna kami.
Wala namang problema sa daan. Kasi di naman na traffic at ma-ilan Ilan lang din mga kotse.
Nakuha ang pansin ko ng may biglang huminto katapat sa gilid namin.
Agad na tumambad sa akin ang pulang pula na sports car. Merong dalawang taong nakasakay dun. At halata sa porma at sasakyan na mayaman ang mga to. I realized na iyon ang goal nila bago tumabi sa amin. Ang makuha ang atensyon ko.
Nagkatitigan silang dalawa. Yes. Dalawang lalaki ang naka sakay dito.
Ngumiti ang mga ito sa akin. The usual move ng isang lalaki. May mukha naman ipaglalaban. Pero mas gwapo ang nasa harap ko. Ang bebe ko.
Agad kong iniwas ang paningin ko. At ibinalik ang atensyon sa harap. Pero wala yatang plano sumuko si Boy.
Ngumiti ito sa akin. Bigla akong nagtaka.
Kakilala ko ba siya? Wala naman akong naalala. Binalewala ko na lang iyon. At humigpit ang hawak sa lalaking kaharap ko.
Narinig ko ang ugong ng motor na sinasakyan ko. At di nga ako nagkamali ng magsimulang tumakbo iyon.Hindi ko na pinansin ang dalawang lalaki sa gilid namin. And walang bago ng mabilis na pinatakbo yun ng mokong. Malipad lipad ang buhok ko sa bilis.
Hindi ko inaasahan na hahabol at sasabay ang naka sports car sa amin. Ano naman ang trip ng mga to?
Napatingin ako sa kanila. Andoon pa din ang ngiti ng lalaki. Yung nagmamaneho. Naramdaman kung napatingin ang mokong sa sports car pero agad ding binalik ang pokus sa daan. Napakapit lang ako ng todo sa bewang nito ng bumilis lalo.
Nainis ako bigla. Hindi dahil sa pagtatakbo ng bilis ng mokong. Kundi ang kakulitan ng may-ari ng sports car. Kahit na binilisan na ang sinasakyan ko. Halatang ayaw namang makisabay sa kanya. Pero ito siya nakikisabayan.
Nakakunot-noong napatingin ako dito. Ngayon hindi lang ngiti ang binigay nito kundi. Isang malanding kindat. Doon ko na realized, nilalandi pala ako ng loko.
Akala nito madadala ako sa porma at sports car. Anong tingin niya sa akin? Malandi.
At bago ko siya patulan. Baka wala siya sa pinagdaanan ng mokong na to sa harap ko. Hindi ako easy to get noh.
Naramdaman ko ang lalong pagbilis ng takbo namin. Kinabahan ako. Seloso pa naman ang mokong na to. Baka ano pang mangyari.
Napatingin ako sa may-ari ng sports car. Lalo itong ngumisi akala niya kakagatin ko ang paglalandi niya. Nagkamali siya.
Ngumiti ako and I raise may Hand. Yung kita kita niya talaga at nang kasama. At ni-highlight ko talaga ang singsing na suot ko. And gave them a wide smile. And mouthed them. I'm married. Pero ang totoo engaged pa lang. Atleast na di na sila mangulit. Pasalamat sila hindi middle finger ang tanggap sa akin.
Kung alam lang nila ang bili ng singsing na to. Laglag panga sila. Baka ilang sports car ang mabili. Iba kasi ang mokong na to.
Nawala ang ngiti ng may-ari ng kotse.
Ngumiti ako ng makuha nila ang gusto kong sabihin.
" s**t! Mukhang kasal na bro." Rinig kong saad ng kasama.
Lalo akong kumapit sa bewang ng mokong ng lalo itong nagpatakbo ng mabilis. Bago pa namin sila maiwan. Narinig ko pa ang sinabi ng kasama nito.
" Bro picking up a girl riding a Ducati, I think his man can afford a Ferrari. And I think she show her ring to say, The ring on my finger is enough to buy a Ferrari. Kaya stop na." Huli kung rinig na sabi ng Lalaki.
Napangisi ako. At di na pinansin ang mga yun.
Mabuti atlast na gets nila ang gusto kong sabihin.