Uy Michaela, sigurado ka ba na hindi ka pa sasabay sa'min pauwi?
Oo eh, tatapusin ko pa kasi tong pag dodocumentary ng revenue ng sales number na ipinasang report ng sale's team para sa company's expenses and cost of operation.Day off ko kasi bukas. Atleast pag pasok ni Boss bukas eh i-a-analyze nya na lang at aaprubuhan ang mga ito.
Ohhh..Grabe ate girl ikaw na talaga ang bayaning secretarya.Kung di ko lang naririnig kung paano mo isumpa si sir sa t'wing nag kukwetuhan tayo pag break time eh, iisipin kong may crush ka kay sir kaya ka nag papaka ulirang sekretarya.
Ano? no way! im just being practical no! Kailangan maging goods ako kay Boss kasi kailangan na kailangan ko tong trabaho na to para sa pamilya lalo na para kay tatay.Pinag-aral ako ni Tatay hanggang makapag tapos ako ng kolehiyo dahil sa kagustuhan n'yang magkaroon ako ng magandang kinabukasan pero ayun, pag katapos kong maka-graduate bumigay naman ang katawan nya sa labis na pag tatrabaho.Gusto kong makabawi sa kanila at isa pa, gusto ko rin mapag tapos sa kolehiyo ang bunso kong kapatid.
Saad ko habang mariing nakatutok ang mga mata sa monitor ng computer.
Sa bagay.Napaka buti mong kapatid Michaela at higit sa lahat mabuti kang anak.Sure ako na proud na proud sayo ang mga magulang mo.
Ngiting sambit ni Clara.
Salamat Clara ha.
Oh siya chika! mauna na me! mag ingat ka sa pag uwi ha! chat chat na lang tayo and girl! enjoy your off tomorrow mwappss!
Sige ingat ka din.
Ngiting paalam ko dito.
*
Mag alas otso pasado na nang matapos ako sa aking mga gawain.Halos dito na lamang sa aking pwesto ang may naka bukas na ilaw.Hindi rin naman ako naniniwala sa multo dahil mas matatakot pa kong mawalan ng trabaho at magutom ang pamilya ko kesa makakita ng isang multo.
Sambit ko sa aking isipan.
Tss, kung multo siguro ng kahapon 'yon pwede pa akong kilabutan d'on
Dali kong inatras ang gulong ng aking upuan at nag paikot-ikot na nag-unat ng katawan nang bigla na lamang akong matigilan dahil sa malakas na kalabog na aking narinig.
Oh my god! ano yon?
Bulong ko sa aking sarili.
Muli kong narinig ang kalampag ng isang matigas na bagay na siyang dahilan upang mapa-hawak ako sa aking dibdib.
My gosh! don't tell me totoo ang chismis ni ryan na may multo talaga dito?
Muli kong narinig ang kalampag ngunit sa pagkakataong ito ay tila may kasama ng yabag ng mga paa.Dali akong tumayo at pinakiramdamang maigi kung saan nag mumula ang ingay at kaluskos.Nang laki ang aking mga mata ng mapag-tanto kong ang ingay na iyon ay nag mumula sa opisina ni boss.
Oh my gosh! may magnanakaw!
Kinakabahang wika ko.Natataranta akong nag tago sa gilid ng aking working table.Naagaw naman ang aking pansin ng isang baseball bat na pag aari ni boss.Dahan-dahan ko iyong ginapang at nang marating ko ang unahang pintuan ay mabilis akong tumayo upang kunin ang baseball bat.Kapit tuko kong hinawakan ang mabigat na baseballbat at malalim na huminga at dahan dahang ipinusisyon ang aking mga kamay sa pag hampas sa oras na pasukin ko ang loob ng opisina at komprotahin ang magnanakaw.Muli akong humugot ng malalim na hininga upang mapawi ang labis na kaba sa aking dibdib.
123 Magnanaka....
ooohhhhh Leo! you're so good honey ahhhhh! Oh my goodness who the hell is she?
Sigaw ng babaeng nakabukaka sa ibabaw ng table ni Jace.Labis ang aking pagkagulat sa nasaksihan.Sa muling pagkakataon ay tila hiniwa muli ng pira-piraso ang aking puso.Hawak-hawak ko pa rin ang baseball bat habang nakatulala at masakit na pinagmamasdan ang lalaking minahal ko sa mahabang panahon na ibang babaeng kapiling at ginagawa ang mga ganitong klaseng bagay.
3 Months ago
*
Ate! ate!
Sigaw ni Jason.
Ano ba jason? bakit sigaw ka ng sigaw? ikaw na bata ka kung saan saan ka nag pupunta uuwi ka lang kapag gutom ka na!
Galit na sambit ko sa aking bunsong kapatid na si Jason.
Ate, mamaya ka na mag sermon! may kailangan kang makita!
Ano ba 'yong kailangan kong makita? may mas iimportante pa ba dito sa binebenta kong isda?
Oo ate! ito oh!
Seryosong sambit ni jason sabay abot ng isang Magazine.Agad kong binuklat ang unang pahina nito at matapos ang ilang saglit ay labis akong natigilan sa aking nakita.
Wala yan! fake news yan! wag ka maniwala d'yan!
Marahas na abot ko dito ng magazine habang muling isinalansang ang mga isda na binebenta kahit na maayos naman nakalagay sa lagayan ang mga ito.
Ate! ikakasal na siya! tumigil ka na sa pag hihintay sa isang taong wala ka namang balak balikan!
Manahimik ka!
Galit na sambit ko habang patuloy sa paulit-ulit na pagsalansang ng mga isda.
Ate ano ba!!!!
Oo naaaaa!
Galit na sigaw ko habang mabilis na umupo at itinago ang aking mukha sa aking mga tuhod at malakas na pumalahaw.
Oo na! oo na!
palahaw na iyak ko.
Kung palarin man akong makita ang lalaking yan ate, ako mismo ang bubugbog d'yan!
Wika ni Jason.
Sige bugbugin mo ang sinungaling na yon!
Palahaw na sambit ko habang pinupunasan ang aking mga luha.
*
What the hell are you doing here at this hour?
Baritonong tanong nito habang mabilis na inaayos ang kanyang pantalon.
Ah, ano kasi may tinatapos kasi akong trabaho boss kaya ginabi ako.
Wika ko na ngayon ay mariin na akong tinititigan nito.
Hey! are you crying?
Nagtatakang turo nito sa pisngi ko na hindi ko namalayang may luha na pa lang tumulo roon.
Ha? a-ako? crying? no im not crying why would i? ano kasi to sir inaantok na ako kaya bago ako pumasok sa pinto humikab muna ako.
Walang kwentang Paliwanag ko.
Is that so?
yes sir oo sir !
Pinasiglang wika ko.
Ah sir ano mauna na po ako pasensya na po.Pasensya na po!
Hingi paumanhin ko sa mga ito habang si boss naman ay nakapa meywang na nagtatagis ang mga bagang.
Alis na po ako sir sorry po ulit.