10 years ago...
Ah bulag! bulag! bulag!
Sigaw ng mga bata kay Jace na may hawak-hawak na kahoy.Daling lumakad ang batang si Jace papa-alis habang kinakapa and daan gamit ang kanyang kahoy na tungkod ngunit malakas na nag tawanan ang mga bata ng matalisod ito at bumagsak sa buhangin.
Ah lampa! lampa siya! hahahaha!
Sigaw at halakhakang tukso ng mga kapwa niya bata sakanya.Dali niyang kinapa ng kanyang mga kamay ang kahoy na pang tukod ngunit mabilis na sinipa iyon ng isang kapwa n'ya bata.
Akin na ang tungkod ko!!!!
Sigaw ni Jace sa mga ito.
Ayun oh! kunin mo sa tubig inaanod na! hahahaha!
Tukso ng mga ito kay Jace ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay nakamasid sa kanila ang isang batang babae na kanina pa sila pinanonood sa kanilang mga hindi kanais-nais na ginagawa.
Aray!
Sigaw ng batang lalaki habang nakahawak sakanyang ulo.
Aray! aray! ahhhhhh! mamaaaa!
Iyak ng isa sa mga ito ng sunod sunod na may mag liparang maliliit na bato sakanyang ulo.
Tara na! umalis na tayo!
Tara!
Mabilis na kumaripas ang grupo ng mga batang nanunukso kay jace ng matamaan ang mga ito ng nag liliparang mga bato na nag mumula sa tirador na gawa sa kahoy ni Luna.Daling lumapit ang batang si Luna upang alalayan ito at tulungan.
Bata! ayos ka lang ba?
Mukha ba akong ayos?
Masungit na tugon ng batang si Jace.
Ang sungit mo naman bata! tinulungan na nga kita eh!
Anong ibig mong sabihin?
Tanong ni Jace.
Wag ka maingay ha! pero sa akin galing yung mga bato na nagliliparan kanina.
Bulong ni Luna sa tenga ni Jace.
Bakit mo ba ako tinulungan?
Eh syempre nakita ko kanina na inaaway ka nila kaya ginamit ko tong tirador ko para mapaalis sila.
Sambit ni Luna.
Bata asan mama mo?
Inosenteng tanong ni Luna
Wala nasa bahay namin mag isa lang akong lumabas kasi gusto ko marinig yung alon ng dagat.
Eh bata, bakit ikaw lang dito mag isa? ayan tuloy inaaway ka nila.
Ang daldal mo naman.Saan ka ba galing?
Ako? doon pa ko nakatira sa kabilang dagat.Nakakapunta lang ako dito sa baryo kapag mag hahatid na si Tatay ng mga hinuli n'yang isda o di kaya'y pag araw ng pasukan.
Paliwanag ni Luna.
Bata gusto mo laro tayo?
Ano namang laro eh kita mo bulag ako.
Malungkot na sambit ni Jace.
Edi tayatayaan!
Engot mo naman! pa'no naman kita matataya eh bulag nga ako?
Hay naku! eh bulag ka lang pero hindi ka naman pilay eh!
hay naku ka din alam ko naman hindi ako pilay pero pano ko nga makikita kung nasaan ka?
Edi gamitin mo tenga mo gan'on lang 'yon bata!
Sige na nga ang kulit mo eh!
Tugon ni Jace.
Habang ingat na ingat si Luna sa pag galaw, ay s'yang seryoso naman ni Jace sa pagdama ng kilos ni Luna.Unti-unti ang ginawang pag hakbang ni Luna nang bahagya matamaan ito ng kahoy na tungkod ni Jace.
Aray ko bata! bakit ka ng hahampas?
Taya ka hahhahaha!
Ang daya mo naman eh!
Bulag ako diba? dapat gamit ko ang tungkod ko para mabilis kitang mataya.
Kumakamot naman sa kanyang ulo ang batang si Luna.
Oh sige na nga! basta friends na tayo ha?
Okay! ano ba'ng pangalan mo?
Luna! ako si Luna!
Ngiting pakilala ng batang babae.
Ako naman si Jace.
Pakilala rin nito.
Dahan dahang inabot ng batang si luna ang mga kamay ni Jace at dinala sakanyang pisngi.
Huh? anong ginagawa mo Luna?
Ipinararamdam ko sayo 'yong ngiti ko Jace.
Ano naman kung masaya ka para saan 'yon?
Hay naku! ibig sabihin nakangiti ako kasi masaya akong makilala ka!
Paliwanag ni Luna.Agad naman natigilan ang batang si Jace at makailang ulit na kumurap kurap ang mga mata t kalaunay sumilay din ang magagandang ngiti nito sakanyang labi.Simula noon ay madalas ng mag laro ang dalawa.Laging Sumasama si Luna sakanyang itay upang makipag laro kay Jace.Naging masaya naman si Jace lalo na nang mapag alaman nito na magkaklase pala sila ni Luna.Si Luna ang naging taga pag tanggol ni Jace sa tuwing may mag tatangkang gawan siya ng hindi maganda.Sa loob ng Limang taon na masayang pagkakaibigan ng dalawa ay tila naging sandalan nila ang isa't isa maging sa pag abot ng kani- kanilang mga pangarap ay sabay nila itong hinangad hanggang sa..
*
Maraming salamat Edwin sa pag payag ninyo ni Lety na dito muna matulog si Luna ng isang gabi.
Pasalamat ng Ina ni Jace.
Wala iyon Jena.Naiintindihan kong naging malapit na ang dalawa.Ang iniisip ko lang kung ano ang magiging reaksyon ni Luna kapag nalaman na nya....
*
Tuwang tuwa ang dalawang bata na nakahiga sa dalampasigan.
Mama! salamat po sa pag ayos nang lahat ng ito.
Wika ni Jace sa kanyang Ina.
Kasalukuyang nakahiga ang mga ito sa buhanginan gamit ang banig na at kubo-kubo na ginawa ng kanyang Ina para sakanila ni Luna.Dumagdag pa ang magagandang ilaw na idinikura ng kanyang ina na s'yang ng bigay liwanag sa gabi.
Jace may star!
Sigaw ni Luna na agad din namang pumikit.
Oh? anong ginagawa mo?
Nag wish ako Jace na sana makakita ka na!
Masayang sambit ni Luna na ikinalungkot naman ni Jace.
Oh bakit ka malungkot Jace? ayaw mo ba ng wish ko para sayo?
Gusto ko Luna.Maraming salamat Luna dahil matutupad na ang kahilingan mo.
Ngiti ni Jace na hindi aabot sakanyang tenga.
Ano ibig mong sabihin Jace?
Nagulat ang batang si Luna nang dahan-dahang pumatak ang mga luha ni Jace.
A-anong nangyayari Jace bakit ka umiiyak?
Tanong ni Luna na ngayon ay umiiyak na rin.
Luna, dumating na ang Papa ko.At sinabi nya sa aming kukunin n'ya na kami ni Inay para dalhin sa America at ipagamot doon ang mga mata ko.
Lumuluhang sambit ni Jace.
Ha? paano na ako? iiwan mo na ba ako Jace?
Kailangan eh! diba wish mo makakita na ako?
Jaceeeee!
Palahaw na iyak ni Luna.
Dali itong niyakap ng batang si Jace at pinatahan.
Luna maraming salamat kasi noong mga panahon na puro dilim lang ang nakikita ko ,naging mata kita.Pangako Luna babalikan kita.At pag laki ko ikaw ang pakakasalan ko.
Pangako dito Jace na madaling ikinatahan ni Luna.
Talaga Jace? tapos hindi na tayo magkakahiwalay? pangako?
Pangako Luna.
Sambit ni Jace habang madaling inabot ang kamay ni Luna upang makipag pinky swear.
Pangako!