PANG-ILANG gabi na rin ni Ava sa bahay ng mga Del Rio. Gaya ng gabing iyon ay bumabangon siya bandang alas onse ng gabi o iyong oras na tulog na tulog na ang mga kasama niya sa bahay na iyon. Nakasama na sa routine niya na kapag lalabas siya ng silid sa ganoong oras ay dire-diretso nalang siya sa paglalakad kahit makarinig pa siya ng mga ungol sa silid nila Adonis at Gracia. Pero ang unang gabing naringgan niya ang dalawa at muntikang bulabugin ang ginagawa ng mga ito ay hindi na nasundan pa. Wala na siyang naririnig na mga ungol at sigaw ng nasasarapan. Kagaya ng gabing iyon. Tahimik ang silid ng mag-asawa. Kampante siyang naglakad patungo sa kusina saka siya dumiretso sa komedor. Sa ilang araw na pagmamatyag niya sa buong kabahayan ay wala talagang naka-install na CCTV doon. Kaya malay

