bc

The Substitute Girlfriend

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

For fifteen years, Milan was sent to a temple in Mt. Pulag. Where every rich family's daughter who has a bad reputation and attitude must obey the rules and regulation to cleanse their soul and become a good and be a filial daughter again. One day, she and her best friend s***h maid where going into the summit, they met a stranger.

Si Ashila ay nagpasyang umakyat ng Mt. Pulag dahil siya ay brokenhearted. Nakipag break sa kanya ang longtime online boyfriend niya. Nakatakda sana silang magkita sa unang pagkakataon ngunit bago pa ito mangyari, nanghingi ng malaking halaga ang lalaki para makabiyahe papunta sa lugar kung saan sila magkikita. Sa di maintindihang dahilan, hindi siya nito sinipot at blinock pa siya sa social media. Ang perang ibinigay niya ay ang pinaghirapan niyang kita sa pagsusulat. Ngayon ay patung- patong ang kanyang deadline sa kanyang sinusulat na nobela. Pressured by her boss, at the same time stressed from a heartbreak, kahit na malakas ang ulan, pinilit niyang akyatin ang Mt. Pulag at makipaglaro sa mga Diyos sapagkat ang Mt. Pulag ay tinaguriang playground of the Gods. Nagbabakasali itong marinig ang kanyang dalangin na makarma ang lahat ng nananakit sa kanya.

Milan wanted to get out in Mt. Pulag while Ashila wanted to pray and play at Mt. Pulag. Sino sa kanila ang makakaalis sa bundok na ito?

chap-preview
Free preview
(01) Meet Me at the Summit
Ang lamig dito sa paanan ng bundok. Chineck ko ang weather nasa 7 degrees lang. Ano pa kaya kapag nasa summit na ako? "Manong anong oras po tayo aakyat mamaya?" "Ma'am mga 1:00 am po" "Hindi po ba masyadong late na?" "Baka malakas pa po kasi ulan sa taas ma'am" "Hindi po ba kaya ng 12:00 am nalang?" "Kayo po ang bahala kung kaya niyo po" "Hindi po ba delikado kung maulan?" "Kami po kasi sanay na. Tsaka may pagsisilungan naman po after ng camp 1" "Meron naman po pala manong, edi kaya ng 12:00am?" "Opo may temple po doon. Sagrado masyado. Pwede tayo sa labas niya may waiting shed don. Pero bawal pumasok." "Ay bakit po?" "Private." "Ha? Ang lakas naman sa LGU niyo yon? Di po ba bawal yon?" "Mayaman kasi may ari don. Tsaka mga mayayaman mga nandon" "Ay may tao don? mga monghe po ba? hehe" "Hindi ma'am. Mga madre nandon tapos mga babae na anak ng mayaman" "Ay bakit nandon?" "Parang school for the girls only yon ma'am pero mas strikto. Hindi mo basta basta makikita ang tao doon. Yung isang madre lang makikita mo don yung madalas na nababa dito sa ranger" "Paano yung mga gamit nila? Mga pagkain?" "May helipad don mam. Sobrang ganda daw don sabi ng kasama kong tour guide na nag duty minsan doon. Alam mo yung mga sinaunang tirahan ng mga prinsesa at prinsepe ng China? Ganun daw sa loob" "Chinese ang may-ari?" "Hindi. Pilipino din pero baka may halo nang banyaga" Temple of Purity and Righteous ang tawa don. Nasa gitna siya ng Mt. Pulag. Bago ka makarating sa grassland at pagkatapos madaanan ng mossy forest. Kapag may aakyat ng Pulag, pinabibigay alam muna sa pinunong madre bago payagan ang mga turista na makaakyat. "May seasonal sila ng paglabas" "ha?" "Isang beses sa isang buwan lumalabas ang mga nasa loob ng temple para mapag-aralan ang mga bago sa paligid ng bundok. Halimbawa mga insekto, halaman, grass, hayop at iba pa." ani ni manong "Ay para silang scientist o researcher?" "Siguro. Minsan may ka tribu ako, bagong balik lang, hindi alam na may temple na sa taas, umakyat eh season nang paglabas. Nakita niya mga babae naka white parang white lady daw. Pero magaganda" According sa kwento ni manong, ang mga babae sa temple ay minsan lang lumalabas. Napakahigpit daw ng seguridad sa paligid nito. Hindi ka basta basta makakapasok at makakalabas. Tawag ng ilan dito ay kulto pero mayaman version. "Kapag may makita kang lumipad na malaking helikopter sa taas, ibig sabihin may graduate nang babae." Weird. Nandito ako ngayon sa Cordillera. Aakyatin ko ang tinaguriang third highest mountain in the Philippines. Sinasabing playground of the Gods. Napagpasyahan kong akyatin to dahil broken hearted ako. Iniwan ako sa ere ng boyfriend ko. Na scam pa niya ako. Wala akong maisip na isulat sa novel ko. Hinihingan na ako ng episode ng boss ko. I have an online boyfriend on i********:. Wala akong profile picture pero siya meron. Noong unang chat niya sa akin HI, nag reply ako ng Hello, and the rest is history. We've been in a relationship for 2 years. ONLINE. YES! First time kong maligawan sa online pa. And yes, kinilig ako sa mga messages niya. I don't have any idea na ganun pala ako kababaw. I am popular as anonymous writer in cyberworld. Kilala ako sa pen name na Mystery143. He was my fan. I can't believed na I was easy to fool and I felt stupid. Akala ko sa sinusulat ko lang yung mga bobong nagpapaniwala sa mga mabubulaklak na salita pero little that I know, ako na pala yung bobong iyon. "Ano ma'am kaya pa?" Habang kinakausap ako ni manong, ramdam ko ang malakas na hampas ng ulan sa aking mukha. Kasabay nito ang hangin na nakakadagdag ng lamig sa aking katawan. Naninigas na ang mga daliri ko. Hanggang sa narating namin ang temple. Napakataas ng bakod. Kulay pula ang pinta ng paligid nito. Mistula kang nasa horror movie dahil sinabayan pa ng kulog at kidlat ang paligid. "Manong safe pa ba tumuloy sa summit?" "Oo mam kaso hindi natin makikita ang sea of clouds". Tama si kuya, napakaganda siguro ng loob nito dahil sa labas palang ay sumisigaw na ng karangyaan. Pagkatapos kong hangaan ang ganda ng lugar, nagpatuloy na kami sa aming paglalakbay. ++++++ "Milan, huwag tayo masyadong magpang-abot ng gabi. Baka mabigat nanaman ang hatol sa iyo" "Season natin ngayon Kyoa, marami tayong makikita kapag umakyat pa tayo sa bandang dulo." Sa ilang taon ko na dito sa bundok, ilang beses na namin sinubukan ni Kyoa na akyatin ang summit. sa pag-aakalang may daanan pababa sa kabila nito. "Ilang oras sa tingin mo ang gugugulin natin para makabalik?" Tanong ni Kyoa. Naiintindihan ko ang takot ni Kyoa. Four years old nang dalhin kami dito sa Pulag. Bata pa ako pero dahil sa sobrang lala ng pangyayari kaya siguro na retain siya sa core memory ko. Tandang tanda ko ang galit sa mga mata ng papa ko. Ang hindi mahintong hikbi ng stepmom ko. Ang walang malay na katawan ng kapatid ko sa bisig ng kuya ko. "Milan, ang sabi ko sa iyo bantayan mo ng mabuti ang kapatid mo. Maayos kong ipinasuyo sa iyo na tingnan mo siya saglit. Bakit hindi ka man lang sumigaw ng tulong?" Gustung gusto kong depensahan ang aking sarili. "Wala pong kasalanan si Mi-" "Tumahimik ka" sigaw ni kuya Mino kay Kyoa. "P-pero naki-" "Tama na Kyoa" ito lamang ang tanging nakaya ng maliit kong boses. Four years old. Hindi ko maintindihan kung bakit sila lahat galit sa akin. Sa burol ng kapatid ko halos mabingi ako sa mga bulung-bulungan sa paligid ko. "It's just sad they lost a son" "Is that the girl who pushed him?" "Wala pang mas sasakit ang makita ang pumatay sa sarili mong anak. Habang buhay mong makikita ang kriminal sa bahay mo." "At a very young age, she has an evil mind" Kyoa was six at that time. She can tell the truth. But who will believe her? She's my maid. Kahit kaya niyang ikwento nang detalye ang nangyari, walang maniniwala sa kanya. I heard my stepmom suggested to brought me here at the temple, to cleanse my evil mind. Kyoa decided to come to tend my needs. It was our first day. All of our belongings was confiscated and sent back to our house. They gave us clothes, all white dresses. Everything were provided the same to other girls. They say it is a holly place because it's quiet and its on top of the mountain. You will find serenity. All spoiled daughters from prestigious family were brought here to purify their souls and expel evil thoughts. But its all lie. It's hell. If you don't obey, you will get beaten. ten, twenty, thirty, or worse fifty. Parang initiation sa sorority. Yes. This is like a sorority. A well disguised expensive club of woman but at the back of the curtain, it's a pit of your grave. As for me. "Milan, i saw Jenny graduated" I stopped. Jenny? "Kinuha na siya ng parents niya" Umangat ang sulok ng labi ko. "She's not fit here anyways" That was our fifth year inside of this place. Jenny was the heir of the Consugi group. The only heir of the family. Of course she will get out of here as she needed back in their company. She was sold to marriage to other business tycoon. Hindi tulad ng iba, si Jenny ay may pagkamagaspang talaga ang ugali. Pero sa taong magaspang lang din ang ugali sa kanya. Tulad ng head nun dito. Ilang beses siyang nakatanggap ng bugbog sa likod. Umabot pa siya sa fifty na palo. Dinala siya dito dahil hindi siya lalaki. It was a disappointment in their family that she is a girl. "Kapag nakalabas ako dito. Katapusan na ng pamilya ko." That was her words to me before she was sent outside. But how about me? How about us?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
43.4K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
25.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.0K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
27.4K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
21.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook