
Sa isang marangyang mansyon, inampon si Althea ng tatlong lalaking tila may itinatagong lihim sina Lucian, Raphael, at Damien. Sa panlabas, sila ay mga perpektong Mukha . mayaman, matalino, at mapanligaw sa kanilang mapanuring mga mata. Ngunit sa likod ng kanilang misteryosong pagkatao, may mas madilim silang motibo na unti-unting naglalantad ng kanilang tunay na hangarin.Habang lumilipas ang panahon, napapansin ni Althea ang kakaibang kilos ng tatlo mga tinging tila sinusundan siya, mga haplos na tila may ibig sabihin, at mga babalang nag-iiwan ng takot sa kanyang puso. Sa simula, inakala niyang proteksyon lamang ito, ngunit unti-unti niyang natutuklasan ang katotohanan hindi lang siya basta alaga nila siya ang matagal na nilang minimithi.Sa pagitan ng takot at pagkalito, isang bagay lang ang hindi niya maintindihan—bakit hindi niya magawang lumayo? At sa oras na dumating ang sandaling kailangang pumili, kaya ba niyang talikuran ang lahat… o kusa siyang mahuhulog sa kanilang mundo?Isang kwentong puno ng misteryo, pagnanasa, at bawal na damdamin handa ka na bang pasukin ang mundong hindi mo dapat naisin?
