(Mark's POV)
(1 week later)
Isang linggo na nakalipas simula noong nagkakilala kami ni Erica, pero ano to? Bakit pakiramdam ko ehh humahanga na ako sa kanya. Pakiramdam ko'y nami miss ko siya.
*Riiiingggggg... (May nagtext)
Nag ring yung cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino nagtext...
Si Erica.. Oo nagkapalitan kami ng number nung isang araw lang kaya nagawa niya akong itext.
(Flashback)
Habang kami ay pauwi galing school, kasama ko si Erica kasi hinatid na ni Ellie si Jane pauwi. Kaya eto si Erica nalang kasama ko halos araw-araw.
"Uyy Mark!"- bigla niyang sabi sa akin habang kami naglalakad.
"Ohh Bakit?"- sagot ko naman.
"Pwede ko ba makuha number mo?"- tabong niya sakin.
"Mm. Pwede naman, ano gagawin mo sa number ko?"- sabi ko naman.
"Wala, palagi kasi ako mag isa papuntang school at pauwi maglakad eh."
"Para kung free ka o di ka maaga eh di sabay tayo sa paglalakad, andaming mga tambay kasi na mga lalaki sa tabi tabi, natatakot ako."- pagpapaliwanag naman niya.
"Ahh sige ok lang naman sakin."- ani ko lang.
Pero sa totoo lang ehh nahihiya ako dahil siya yung unang kumuha ng number ko. Kaya medyo naging speechless nalang ako. Ilang araw lang simula nung nagkakilala kami ehh parang feeling niya safe siya pag kasama ako. Kaya binigay ko nalang, wala namang mawawala ehh.
(End of Flashback)
"Hey!"-sabi niya sa text
"Hello!"-reply ko naman sa kanya
"Musta!?, may ginagawa ka ba?"- reply agad naman niya.
"Wala naman. Nakatunganga lang dito haha."- ani ko naman
"Ahhh... anong oras ka pala papasok bukas?"- tanong niya agad.
"Same parin, 7:15(8:00 kase pasukan)"- ani ko.
"Ahh sige hintayin mo ako jan ah, makikisabay ako sa paglalakad hehe"- bilin niya sakin.
"Sige ok lang naman sa akin."- reply ko lang.
"Sige, salamat!"
"Goodnight na!"- pagpapa alam niya upang matulog na.
Nag good night na din ako at di ko namalayan na nakatulog nako sa kakatunganga.
(Kinabukasan..)
Pagka-gising ko ay naligo na ako at nag almusal na din. Medyo nakatulog ako ng mahimbing kagabi noong nag text si Erica sakin kaya naka ngiti lang ako sa umagang iyon.
Pagkatapos ay nagtungo nako sa terminal ng jeep kung saan sumasakay si Erica. Pagdating ko doon ehh after 5 minutes siguro ay dumating na siya.
Nag wave siya papalapit sa kinaroroonan ko.,
"Tara?"- tanong ko sa kanya.
"Tara, may dadaanan pa kase ako sa canteen ehh"- sabi niya
Habang kami ay naglalakad ay tahimik lang ako, hindi ko kase alam sasabihin ko. Noong malapit na kami sa gate ng school ay naaninag ko si Jane, hinihintay siguro ako nitong babaeng to kase halos di ko siya nakakasama pag uwi ehh, pati sa pagpasok. Ilang metro lang bahay namin sa bahay nila ehh di ako hinihintay.
"Hi Mark at Erica!"- pagbabati niya sa amin.
"Oh! buhay ka pa pala!? hahaha"- sambit ko lang sa kanya.
"Ang sama naman ng ugali nitong lalaking to"- sabi lang niya.
"Pasok na nga tayo, mukhang isasara na ni manong guard itong gate ehh"- biglang sabi naman ni Erica.
"Si Mark kase haha. Tara na nga pasok na tayo."- ani Jane.
Nagkwentuhan lang yung dalawa habang paakyat kami sa room namin. Nakikinig lang ako sa kanila kase para silang magkapatid kung mag usap. Realtalk sila lagi, kahit na same lang kami ni Jane na kaka kilala lang namin kay Erica.
Noong nakapasok na kami ay umupo na kami sa aming mga upuan kase mas maaga pa pala yung unang guro namin.
Hours passed at ganun lang, aral aral, kinig kinig. Habang ako eh palaging naka tunganga sa teacher namin habang nagtuturo kahit di naman akoa nakikinig.
"What are you thinking about there Mark!?"- biglang tanong ng teacher namin.
This time nakatingin nako sa labas kasi katabi ko lang yung bintana diba.?
"Ahh.. ehh... None sir"- nahihiya ko namang sagot sa guro namin.
Nagising talaga ako doon na banda at pinigilan ko nalang yung hiya ko.
(Lunch Time!)
As usual mag iimbita si Erica but this time ehh nagkasama kaming apat ulit para kumain sa labas.
"Order na kayo ng gusto niyong kainin ulit, libre ko."- pag aaya ni Ellie.
"Teka lang muna, anong meron ngayon Ellie?"- biglang sumbat ni Erica kay Ellie.
"Order muna kayo pinsan, malalaman niyo din mamaya, kumain muna tayo"- Naka ngiting sagot ni Ellie.
Nag order lang kami at kumain na. Habang kami ay kumakain ay pansin kong mas naging sweet sina Jane at Ellie. Di kaya sila na? sabi ko lang sa sarili ko. Posible kasi mangyari yun kase kilala ko si Jane. Kung gwapo at mabait yung lalaki ehh di na niya ito palalagpasin. At di na ako nagulat noong sinabe na nila ito sa amin ni Erica.
"So ayun nga, inimbita namin kayo para kumain ngayon kasama namin kase may sasabihin kaming importante."- pagpapaliwanag ni Ellie.
"Sabihin mo nalang kase.!"- sabi agad ni Erica kay Ellie.
Nagkatinginan pa sila Jane at Ellie sabay sabing...
"Kami na!"
"Ohh really!? Congrats"- masayang bati naman ni Erica sa kanila.
"Congrats pre! Ingatan mo bestfriend ko ahh!?"- sabi ko naman kay Ellie.
"Oo naman pre, mahal na mahal ko itong babaeng to kaya iingatan ko ng buong buo."- sagot naman ni Ellie sa akin.
So ayun., may jowa na yung bestfriend ko haha. As expected naman na sasagotin talaga ni Jane yun kasi alam mo na, gwapo nga at mabait. Pansin ko naman kay Ellie so di nako kumontra pa sa bestfriend ko.
(Jane's POV)
Haaaayyyyy...
Kagigising ko lang at mukhang napasarap tulog ko. Ganda talaga gising kapag may inspirasyon ka para gumising araw-araw, kasama na si Ellie dun yiee, kinikilig na naman ako.
Since kasi noong una ko siyang nakilala ehh wala nako ibang inisip kung di siya lang. By the way, kwento ko nalang kung saan kami unang nagkakilala.
Umm.. well habang mag isa ako sa labas ng gate namin kasi napa aga yung pasok ko at hinihintay ko si Mark. May isang lakaki na naglalakad papasok at bigla niyang nahulog yung cellphone niya ng di niya nalalaman. Tumakbo ako upang pulutin at sumigaw ako sa kanya. Lumingon naman siya sakin at kinapa niya yung bulsa niya ehh nahulog nga niya cellphone niya.
"Kuya yung cellphone niyo po nahulig niyo"- sabi ko agad sa kanya.
"Oh, Thanks ha?"
"Regalo pa kase sakin to eh bago pa lang."- nakangiti niyang sagot sakin.
Kinuha niya ito agad pumasok na sa loob. Ang gwapo niya talaga..
That day rin ehh shempre wala pako kakilala masyado kasi ilang araw lang simula nung first day ng school,. Nasa labas ako ng room namin kasi hinihintay namin yung isang teacher namin. May dumaan na lalaki sa harapan ko at nahulog ballpen niya. Pinulot ko namab agad at inihabol ko sa kanya upang ibalik.
Paglingon ehh, OMG. Si pogi ulit.
"Hala ikaw ulit!?"- sabay naming bigkas.
Nagtawanan kami at nagkatanungan ng pangalan, saang room keme keme. Simula noon ehh palagi na kaming nag uusap sa labas ng room namin. Katabi lang din namin yung room nila.
Hays, Bilis ng panahon ehh sinagot ko na siya...
Oo di ko na pinalagpas pa nung tinanong niya ako kung pwede ba ako maging gf, kaya ayun sinagot ko agad. Baka kase makuha pa ng iba ehh.
Napag usapan namin na sabihin na namin agad ito kina Mark at Erica. Di na namin itatago kase parang alam naman nila na nililigawan ako ni Ellie kaya sasabihin na namin agad.
Kaya pagkatapos kong nagbihis ehh nagmadali na akong pumasok sa school.
(Fast Forward)
Lunch na.. at hinihintay na namin sina Mark ar Erica dito sa restaurant kung saan kami unang kumaing apat din noon.
Sabi ni Ellie na sinabe na niya kay Erica at sabihin niya kay Mark para sabay silang pumunta dito.
After siguro 10 minutes ehh naaninag ko na sila sa labas ng restaurant. Nung nakapasok na sila eh pina order muna ni Ellur yung dalawa kase nauna na kaming mag order ehh.
Pinaliwanag lang ni Ellie na may sasabihin lang kami sa kanila, pero di na mapigilan ni Erica na tanungin kaya nagkatinginan kami ni Ellie at nagsabay kaming nagsabi ng "Kami na".
Kita kong nagulat ni Erica pero si Mark eh slight lang.
"Oh really!? Congrats!" - sabi lang ni Erica sa amin.
"Congrats sa inyo. Pre ingatan mo yang bestfriend ko ahh"- sabi lang naman ni Mark kay Ellie.
So ayun pagtapos namin na kumain ehh sabay sabay na kaming pumasok sa school.
The day has just ended and im so very happy ngayong araw. Well, dahil nga inspired na talaga ako.
(Mark's POV)
Hays.. di ko na masyado makakasama si Jane niyan. Siguradong palagi silang magkasama ni Ellie niyan. Siguro si Erica na naman yung palagi ko kasama pag uwi at papasok. Speaking of Erica ehh pauwi na kami ngayon galing school. As usual ehh naglalakad kami ngayon.
"Ang cute nila Jane at Ellie diba Mark?"- biglang tanong ni Erica sakin.
"Oo, feeling ko happy naman sila sa isat isa ehh"-simpleng sagot ko lang.
"Ako din kaya kailan? Haha"- sabi ni Erica.
Shucks, parang nahiya ako doon ahh.
"Sige una na ako Mark. Bye!"- pagpapa alam niya sakin habang nakangiting sumakay sa jeep.
Umuwi na rin ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko. Humiga agad ako at napatulala sa kisame. Bakit kaya biglang bumilis t***k ng puso ko kanina nung sinabe niya yun.
Humahanga na talaga ata ako sa kanya. Habang tumatagal ehh papalapit ng papalapit tong loob ko sa kanya. Nagiging comfortable ako sa kanya pag kasama ko siya, sumasaya.
Para akong tanga na nakatingin lang sa kisame kase di ko na alam kung ano ba itong iniisip ko. Nakaka ewan kase pag kasama ko siya kaya madalas tahimik lang ako. Sinasagot ko lang mga tanong niya ganun. At kakaiba na ito ngayon.
Di kaya may nararamdaman na ako sa kanya? Hayss.
"Dami mong alam self"- sabi ko lang sa sarili ko.
Kakaisip eh nakatulog ako agad kase pagod na ako noong araw na yun. Pero at least masaya ako. Mixed feelings kase kinakabahan at the same time ehh masaya naman pag nakakasama ko si Erica.