(Mark's POV)
2nd week na ng pasukan, oo tama 2nd week na pero medyo boring parin ang unang linggo ng pasukan.
Heto ako ngayon at naglalakad mag isa papuntang school. Nilalakad ko nalang kesa sa mag commute pa, grabe kasi traffic pag medyo late kang sasakay, maraming estudyante. Malapit nako sa gate at may narinig akong pamilyar na boses.
"Mark!! psst!" - sigaw ng isang babae sa likod ko.
Pagkalingon ko, nakita ko agad ang aking bestfriend na papalapit sa akin. Nakaporma na ani mo'y may pinapagandahan na lalaki. Hindi ko naman maikakaila na maganda talaga ang bestfriend ko.
"Oh akala ko nauna ka na pumasok? Ang lapit lang ng bahay niyo ehh" -salubong kong sabi.
"Ehh late kase ako nagising ehh, di pa nga ako nag almusal bago pumasok" -ani ng malungkot niyang boses na nagugutom na.
"Tsaka excited ako ngayong araw yiee" -sunod nigang sabi.
"Bakit naman?" -sunong kong tanong.
"Kase may date kami ni Ellie ngayon!" yiee"- sagot naman na na excited nga siya talaga.
"Samahan mo ako ahh para makilala mo rin siya hehe" - sunod niyang sabi.
"Ehh..."
"Huwag ka nang tumanggi pa Mark, baka magkasundo rin kayo nun." sabat naman niya.
"Sige na nga" - sagot ko naman.
Hindi ko naman siya matatanggihan kase baka magtampo at di ako pansinin ng isang linggo. Support ko din naman siya sa kahit anong bagay ehh kaya hindi na big deal yun sakin. Tsaka baka kung anong gawin nung Ellie na yun sa bestfriend ko 'no.
"Pasok na tayo sa room. Baka naghihintay na dun si maam ehh."sabi ko naman agad.
(Jane's POV)
"Jane anak.. gising na at maligo ka na. Late ka na sa school mo anak." -sabi ni mama na gumisgising sakin.
"Oh shucks! 7 am na pala."
"Sige ma, maliligo na ako."- sagot ko ka agad.
Tumakbo ka agad ako papuntang banyo at naligo na agad. Late kase ako nakatulog kagabi kaya normal na late akong gigising. Sarap kase ka kwentuhan ni Ellie ehh. Si Ellie yung nakilala ko sa school na katabi lang din ng room namin. Gwapo at may katangkaran naman siya. Di ko na agad tinanggihan yung pagkuha niya ng number ko.
{Flashback}
(1 week earlier)
"Hi miss" - sabi ng boses na nasa likoran ng upuan ko.
Lumingon ako para tingnan yun at naka kita ako ng isang gwapong nilalang na naka ngiti pa sa akin.
"Hello"- sagot ko lamang.
"Ako nga pala si Ellie, ikaw si Jane diba?" -sambit naman niya.
"Ahhh... Oo nice to meet you. "- nahihiya kong sabi.
"Shucks ang gwapo neto." - sabi ko sa sarili ko.
Nagkwentuhan lang kami at mejo nagkasundo. Hanggang sa araw araw na kaming laging nag uusap at hinihingi na niya sakin ang cellphone number ko.
"Jane pwede ko ba makuha yung cellphone number mo?"
"Para naman may katawag ako tuwing gabi bago matulog" - sabi niya sakin.
"Ahh?.. sige, akin na cellphone mo at ise save ko" - sagot ko naman agad sa kanya.
Nagka abutan lang kami ng number at simula nun ehh lagi na siya tumatawag tuwing gabi. Masaya naman ako kahit papano.
{End of Flashback}
Hays, mejo na miss ko siya konti siguro kaya ako excited. O dahil late na ako sa school kaya magmamadali na ako papasok.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis nako agad at kinuha ko na yung bag ko at nagmadaling maglakad.
Pagkadating ko sa school ay nakita ko agad si Mark na naglalakad papasok sa gate. Tinawag ko siya at sinabe ka agad na may date kami ni Ellie ngayon. At tge same time ehh ipapakilala ko na din siya. Ayoko kaseng magtampo sakin tong bestfriend ko pag nalaman niyang may nanliligaw sakin.
(Mark's POV)
Pagka pasok ko sa loob ng room ay saktong papasok na rin ang aming guro. Umupo nako sa sulok kung saan ako pumwesto noong unang pasukan. Halos wala pako masyado ka close dito sa room namin kaya medyo tahimik lang ako dito.
*Tik... Nahulog yung ballpen ng katabi kong babae.
"Pwede pakipulot po kuya?"- ani ni Erica na siyang may ari ng ballpen.
Pinulot ko naman agad yung ballpen at binalim ito sa kanya.
"Salamat"- sambit nama niya agad.
Parang bumilis t***k ng puso ko doon. Nahihiya kase ako sa mga magagandang babae. Lalo na at katabi ko pa siya.
Dami ko na agad inisip nung araw na iyon. Natulala ako ng kaunti at di ko na namanlayan na umalis na pala yung teacher namin.
Wala kami masyado ginawa sa loob ng halfday nung araw na yun.Hanggang sa lunch na at lumabas na kami sa aming mga room. Dali dali namang lumapit ka agad sa akin si Jane kasi nga magkatabi lang kami ng room.
"Ano tara na?"- aya niya agad sa akin.
"Saan ba tayo?" - sagot ko naman.
"Sa mall daw tayo kakain ehh sabi niya sa akin kagabi"- sabi ni Jane.
"Sige, pero libre ba niya?" -patawa kong sabi.
"Oo daw kaya tara na at nagugutom nako, hindi pa kase ako nag almusal."- sabi niya agad at sabay hila sakin papalabas ng gate.
Pagkalabas namin ay may nakita si Jane na lalaki at kinawayan niya ito. Yun na ata yung Ellie na sinasabi niya sa akin.
"Tara andun na siya naghihintay satin." - ani Jane.
Sumakay kami ng taxi kase may kalayuan ang mall dito sa school namen. Tahimik lang din ako sa loob ng sasakyan habang ang dalawa ay nagkukumustahan. Hanggang sa nakarating naa kami at pumunta na kami ka agad sa loob ng restaurant. Umupo na ako nang...
"Ellie siya nga pala si Mark bestfriend ko, Mark si Ellie yung kinu kwento ko sayo." -sabi ni Jane.
" Nice to meet you bro." -batid niya sa akin.
"Nice to meet you din bro" -sabi ko naman agad.
Naiihi ako nung oras na yun kaya nagpa alam muna ako upang gagamit ng cr. Dali dali nako pumasok sa loob at umihi.
Pagkatapos kong umihi ay lumabas ako at bumalik na sa aking upuan.
Nang may narinig akong boses ng babae at..
"Uyy Ellie sorry medyo na late na ako dumating ha."- sabi ni Erica na kadadating lang.
Sabi ko na nga ba at si Erica yun ehh. Di nagkamali yung tenga ko.
Bumalik nako at...
"Mark si Erica nga pala pinsan ko, Erica si Mark bestfriend ni Jane."- sambit agad ni Ellie sa amin ni Erica.
"Oh hi Mark, coincidence ata to at nagkita tayo dito." -ani Erica.
"Oo nga ehh, magpinsan pala kayo ni Ellie." -nahihiya ko namang sabi.
"Well its nice to meet you officially Mark hehe."
"By the way mag classmate kami kase same section kami kaya nakikita namin isat isa sa school kaso mahiyain ata tong si Mark na laging tahimik." dugtong pa niyang sabi
"Hehe, di lang kase ako masyado socialized person ehh kaya ganun. Pinapakiramdaman ko lang sa room natin ganun."-sagot ko naman agad.
"Well, seems like magka sundo na agad kayo sa isat isa ahh" -sabat naman ni Ellie sa amin ni Erica.
Nagtawanan lang kami at nag order na ng makakain namin. Swerte naman kase binayaran ka agad ni Ellie so no problem tong pera ko.
Dito ko din nakilala si Ellie ng konti, feeling ko naman mabait siyang tao at approachable. Baka pag niligawan na niya ni Jane ay di magdadalawang isip si Jane at sagutin niya ito.
Habang kami din ni Erica ay nagsimula na din magkwentuhan habang kumakain. Dito ko talaga siya nakilala as a friend talga. Mabait, palangiti at lagi siyang jolly. Ang akala ko noong una ko siyang nakita sa school ay mahiyain siya hindi naman pala.
Pagkatapos naming kumain ay tiningnan ko yung cellphone ko. 12:30 na pala at may klase pa kami.
"Uyy tara na"- aya ko naman sa kanila.
"Wala akong klase mamayang 1 pm ehh" - sagot agad ni Jane sakin.
"Ako din kaya mauna na muna kayo at may pupuntahan kami ni Jane"- ani naman ni Ellie.
"Ganun ba..."
"Tara sabay na tayo mag taxi Mark"-sabi naman ni Erica sa akin.
"O sige una nalang kami, sunod kayo mamaya"- ani ko.
At kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami ni Erica upang sumakay na ng taxi at baka mahuli pa kami sa klase namin.
Pagka sakay namin ng taxi ay tinuloy namin ni Erica ang kwentuhan. Ang sarap niya pala kasama at ka kwentuhan.
Medyo na traffic lang kami pero nawala din. Dumating kami sa school ehh 12:59 na ng hapon.
"Uyy late na tayo Mark oh."- sabi agad sakin ni Erica.
"Hindi abot pa tayo jan"-sagot ko naman agad.
Dali dali na kami umakyat sa 2nd floor kase doon ang room namen. Pagkapasok namin ay sakto din dumating yung guro namin. Tinginan mga classmate namin nung nagmamadali kaming pumasok ni Erica sa loob.
Umupo na kami at nagkatinginan pa kami sabay ngiti.
"Buti nalang hindi tayo na traffic ng husto kanina"- sabi ni Erica.
"Oo nga ehh, buti nalangv"- sagot ko naman sa kanya.
Noong mga oras na yun ehh kakaiba ang pakiramdam ko, alam ko naman na busog ako. I mean hindi ito mapaliwanag kumabaga. Hindi ko naman agad pinansin yun kase nakikinig na ako sa guro namen. Hinayaan ko nalang na ganun.
{after a few hours}
*Riiiinnnnnggggg... Tunog ng bell na nagsasabing uwian na.
"Mark, Saan ka pala nakatira?"- tanong Erica agad sakin habang tumatayo.
"Malapit kami sa town, Ikaw?"-sagot ko naman.
"Ahh ganun ba. Sige sabay na tayo at may dadaanan din ako doon. Sa Quirino hill ako"- sabi naman niya agad.
Naglakad lang kami papuntang town na kaming dalawa lang. Medyo hindi ito normal sakin, nasanay nako sa bestfriend ko pero hindi ganito yung nararamdaman ko.
Kwentuhan lang kami sa daan dahil medyo malapit lang din kami.
"Sige dito nako Mark. Bukas ulit"- sabi niya sakin sabay kumaway papunta sa sakayan.
"Ahh ganun ba. O sige ingat ka"- nakangit ko namang sagot.
Noong naka uwi na ako ay dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga muna. Iniisip ko si Erica.
"Pero bakit?"- sabi ko sa sarili ko.
"Kaka kilala ko lang sa kanya tapos palagi na ako nahihiya sa kanya."
"Hmm, makapagbihis na nga"- Pa ngiti kong sabi sa sarili ko.