(Mark's POV)
*Ring... Ring... Ring...
Pagkatunog ng aking cellphone, bumangon nako sa aking higaan at naghilamos ng mukha dahil unang araw ng pasukan ngayon. First year highschool na pala ako ngayon sa isang pampublikong paaralan dito sa amin. Sobra akong naeexcite sa kadahilanang hindi ko alam.
Kinuha ko na kaagad aking tuwalya at dumeretso nako sa banyo upang maligo.
"Mahirap kaya ang highschool?"
"Marami kaya akong makikilalalang mga kaibigan?"
-batid ko sa aking sarili dahil narinig ko sa ate ko na kolehiyo na ngayon at nakwento niya sa akin ang kanyang mga karanasan noong highschool pa siya.
Subalit natuwa pa ako lalo dahil mararanasan ko na ang pagiging highschool ngayon.
Pagkalabas ko ng banyo ay sakto namang tumunog ulit yung cellphone ko.
"Si Jane tumatawag" ani ko.
Sinagot ko naman agad yung tawag,
"Good morning mark!!" -pasigaw agad na sabi ni Jane sa aking tenga at nagulat pa ako.
"Oh Good morning din, ka aga aga eh napatawag ka, katatapos ko lang maligo" -sagot ko naman agad.
"Ayy.. excited siya masyado oh, kagigising ko lang" -sagot niya.
"Sige na maligo ka na muna at kita kits nalang tayo sa school mamaya" - batid ko.
"Hmmp! Oo na nga pero anong section mo pala?" patanong niyang sabi.
"Section A ako, ehh ikaw?" -sagot ko naman agad.
"Ay malas naman napunta ako sa section B, sige na nga at maliligo na ako baka may makita akong mas gwapo kesa sa isa jan." -patawa naman niyang sagot.
At pinatay niya kaagad ang tawag.
Nga pala si Jane ay isa sa aking mga kababata at bestfriend ko na din. Medyo malapit lang ang bahay nila kaya kami madalas na magkasama noong kami ay bata pa.
Ngayon ehh isa na siyang maganda at morenang babae. Pero pag nakasama mo siya ehh aayain ka agad sa kainan upang kumain. Masarap siyang kasama at palabiro din. Siya yung tipo ng babae na malakas kumain pero ang sexy parin.
Nagbihis nako at dumeretso na sa baba kase naririnig ko na nagtatawag na sila mama upang kumain.
"Oh anak halikana at kumain na tayo nila ate mo" -sabi ni nanay na katatapos lang ihain ang aming almusal.
"Ruth! anak! labas ka na rin jan sa kwarto mo at kumain na tayo.!" -Sunod naman agad ni nanay.
Umupo nako at..
"Oi! Pakabait ka sa school niyo ahh" -sabi naman ni ate na kakaupo lamang sa hapag kainan.
"Oo naman ate! Ako pa" - patawa ko namang sagot.
"Asuuss. Yan ang bunso namin" -Sabi naman ni ate.
"Oh sige na kumain na tayo mga anak" - sabi naman ni nanay na tuwang tuwa samin na magkapatid.
Dalawa lang kaming magkapatid ng ate ko. 3rd year college na siya sa kursong nursing. Si mama naman ayy nagbabantay dito sa aming munting grocery store dito lamang sa harap ng aming bahay. Siya yung tagapamahala na dito sa aming negosyo dahil si papa ay nasa Dubai na nagtratrabaho sa isang kumpanya doon.Hindi kami mayaman ngunit masasabi ko na kaya na ng mga magulang ko na pagtapusin kami ng ate ko sa pag aaral.
Pagkatapos ko kumain ay nagtoothbrush nako at kinuha ko na kaagad ang aking bag at nagpaalam nako kay mama.
(Jane's POV)
"Saan na kaya yung lalaking yun!, kanina pako dito ehh!" -tanong ko sa aking sarili habang hinihintay ko sa gate ng school namen.
Ako nga pala si Jane Bustamante, kaibigan ni Mark Hernandez. Kababata ko siya since lumipat kami dito sa Baguio.
Mabait si mark sakin, sarap kasama at laging maasahan sa anumang bagay. Kung ikaw nasa lagay ko malamang na inlove ka na sa kanya. Dahil gwapo din siya. Pero sa akin ehh kaibigan lang talaga turing ko sa kanya. Well, dahil siguro magkakilala kami since bata pa at alam namin ang ideal type ng isa't isa ganun.
"Ang malas naman at na punta ako sa section B"
"Unang pasukan na di ko maka classmate si Mark" - sabi ko sa sarili ko.
"Jane!!" - pasigaw na sabi ng isang lalaking nasa malayo palang ehh sumisigaw na.
Di ko siya mamukhaan dahil malayo pa nga ito at di ko maaninag.
Nung nakalapit na siya,.
"Uyy ikaw pala Anthony! Kumusta!?" -sambit ko ka agad sa kanya nung nakalapit na siya.
"Ayos lang naman., Ikaw kumusta ka na? Lalo kang gumanda ahh hehe" - pabiro naman niyang sabi.
Si Anthony yung isa sa mga classmate namin nila Mark nung Elementary palang kami. Dito din pala siya nag enroll sa Baguio. Gwapo din tong si Anthony kaso medyo may pagka bastos kung magsalita kaya medyo naiirita ako minsan sa kanya. Ewan ko lang ngayon.
Nagkumustahan lang kami at pumasok na siya sa loob dahil section C pala siya. Pagka pa alam niya ehh sakto namang papalapit na si Mark na feeling mo ehh pagka gwapo gwapo at ngumi-ngiti pa.
(Mark's POV)
"Sino kaya kausap ni Jane doon sa gate?" - tanong ko sa aking sarili habang naglalakad papalapit sa kanya.
Nginitian ko lang si Jane nung nakita na niya akong papalapit na sa kanya pagkatapos nilang mag usap nung lalaki kanina.
"Sino yung kausap mo kanina?" - tanong ko kay Jane.
"Si Anthony, yung classmate natin nung elementary tayo." - sagot naman niya.
"Ahh siya ba yun? Di ko kase nakita eh nakatalikod." - ani ko naman.
Pumasok na kami sa loob ng school at saktong magri ring sa yung bell. Pinalinya kami sa ground dahil i we welcome ata kami ng mga guro dito.
Pagkatapos ay dumeretso kami sa canteen kaagad dahil nagutom daw tong kaibigan kong ang hilig lumamon.
"Libre mo nga ako Mark!" -sabi ni jane.
"Hay nako tong babaeng to kahit kailan ehh puro pagkain nasa utak" -sabi ko naman.
"Sige na kahit lumpia lang, sige na" - ani niya na parang batang di kumakain ng isang linggo.
Di ko naman matanggihan kase may utang pa ako sa kanya at lilibre ko nalang para manahimik.
"Sige na nga! Pero ito na yung bayad nung inutang ko sayo last week ha?" - sambit ko naman.
"Oo na oo na, tara na at nagugutom nako" - pagsasang ayon naman niya.
Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa aming mga silid aralan.
Hinanap ko agad ang magandang pwesto para umupo. Umupo ako sa may bandang sulok kasi nahihiya pa ako makipag usap.
Pagkapasok ng guro ay may isang babae na kumaripas ng takbo papasok sa loob ng silid at dali daling umupo sa tabi ko dahil ito nalang ang bakante na upuan. Tiningnan ko agad ang mukha niya at nabighani ka agad ako sa kanya.
Nagpakilala lang kami isa isa sa harapan at nalaman ko ang pangalan niya. Siya si Erica Luis, taga dito siya sa Baguio.
"Maganda naman siya" - sabi ko sa sarili ko.
Wala masyado nangyari sa unang araw ko at hapon na ka agad.
Nag get to know each other lang kami doon sa silid hanggang sumapit ang hapon.
"Uwian na!" - sabi ko naman sa sarili ko.
Pagkalabas ko ng classroom namin ay hinanap ko kaagad si Jane dahil katabi lang namin yung classroom nila.
Nung nakita ko na siya..
"Tara kain tayo? Nagugutom ako". - salubong niya agad sakin.
"Aba! Palagi ka namang gutom ahh" - Sabi ko naman.
"May alam akong restaurant dito. Masarap pagkain nila doon" - ani Jane.
"Sige na tara na! Lahat naman sayo masarap basta pagkain" - pabiro ko namang sagot.
Kumain lang kami ni Jane at habang kumakain kami ay tinanong ko siya kung kumusta first day ng pasukan.
"Wala, Medyo boring lang ng konti, pakilala lang isa isa sa harapan yun lang" - ani niya habang kinakain ang siomai.
"Oo nga ehh pero may katabi akong magandang babae kanina" - sambit ko.
"Oh tapos? Crush mo na ka agad ano?" - tanong niya agad.
"Hindi ahh sinabi ko lang na maganda eh" - sabi ko naman.
"Kumain ka na nga jan." - dagdag ko.
Pagkatapos naming kumain ehh umuwi na kami kaagad dahil pagabi na.
Pagkauwi ko naman ay dumeretso nako kaagad sa kwarto upang magbihis.
(Jane's POV)
Medyo boring ang unang araw ko dito sa school ngayon. Siguro di ko pa sila masyado nakikilala dito lahat.
Get to know each other lang at di ko na namalayan na hapon na pala. Nagugutom ako.
Tiningnan ko ang oras ko at sakto naman na nagring na yung bell. Time na.!
Lumabas na kaagad ako at nakita ko si Mark naghihintay dito sa labas ng room namin.
Inaya ko siya sa isang restaurant na alam ko dahil gutom na gutom na ako.
Habang kumakain kami ehh sinabe niyang may nakita daw siyang magandang babae. At katabi pa niya. Hindi ko na tinanong pangalan.
Pagkauwi ko naman ay pumunta ka agad ako sa kwarto ko at nagbihis na. At bumaba ako sa kusina kung ano ba niluto ni mama.
"Oh anak. musta ang school?"- patanong na sabi ni nanay.
"Ayos lang ma" - sagot ko naman.
Pagkatapos ko kumain ay dumeretso nako sa kwarto ko dahil inaantok na ako.
Maaga pa ako bukas.