HNMNA12. Hinagpis.

1473 Words
HNMNA12. INALALAYAN AKO ng lalaking nag ngangailan Carlos. Pabalik sa university, takot at nanginginig ang tuhod ko. Nag tataka rin ako kung bakit walang taong pumonta sa gawing yon. Eh lahat naman ng sasakyan ng mga professor, ay nandoon. Anong mayron sa araw na ito. At sinong boss ang nag utos sa kanila, para ganonin ako ng mga lalaking yon. " Kilala mo ba talaga ang mga lalaking yon? " tanong ni Carlos. Iling lang nang ulo ang tanging sagot ko sa tanong niya. Dahil hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kung hindi lang siguro dumating ang sasakyan nila Carlos at yong lalaking bumaril sa apat. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. " Wag kang mag alala dahil sigurado akong bukas mananagot ang mga dapat na managot sa school na ito. Bakit ni isa ay walang na gawi sa gawing yon eh, ang alam ko ay uwian na ng mga ibang studyante ngayon. Wala naman nasabing meeting si Boss kanina sa mga professor. " mahabang litanya ni Carlos. Napatingala ako sa mukha niya na hanggang ngayon ay umalalay parin ito sa akin. Boss? Yon ba ang may ari ng Sanford university? Akala ko ba sila Torte ang may ari ng Sanford university, dahil Sanford ang mga ito. Pag dating namin sa gate nakita ko ang mga professor nasa gilid ng gate mukhang may hinihintay. Pero ng makita siya na kasama si Carlos ay animoy may multong nakatayo sa harapan nila. Their face pale.. " Mr. Maguindara? " utal na sad ni Dean. " May alam ka bang puwede mong tawagan na puwede pumunta dito at masundo ka? " wika ni Carlos, imbes na sagutin ang tanong ni Dean tumango ako bilang sagot. Naalala ko si Kuya Lester. " Wag muna alalahanin ang nangyari ngayon dahil si Boss na ang bahala sa mga nangyari ngayon. Ka kausapin din ni Boss ang mga magulang mo tungkol dito. " muli ay saad ni Carlos. Bigla ko naalala si Papa at Mommy. Ayaw kong malaman nila ang nangyari sa'kin ngayon baka ano pa ang sabihin nila sakin, at isapin. Imbes na mapa buti baka lalabas pa akong may kasalanan. " P-puwede po bang W-wag niyo na tawagan si Papa at M-mommy? " Naiiyak kong sabi. Hinagi ni Carlos ang buhok na tumabing sa mukha ko. Nakita kong natigilan ito, na nakatitig sa piklat ng mukha ko. Bakas sa mukha nito ang pag kabigla. Maya-Maya pa tumingin ito sa mga professor na nakatayo lang malapit sa kanila. Bakas sa mga mukha nito ang takot at kaba. " Mag si-uwian na kayo. " Malamig na saad ki Carlos sa mga professor. " A-anong nangyari sa kaniya? " tanong isang professor, hindi naman sumagot si Carlos, bagkos ay binitiwan na niya ako. Nang makaupo na ako sa stell na upoan sa gilid ng gate. Mga mga studyante rin naman na papasok at lalabas. Ang mga pumapasuk ay mga working student at yong mga pang Gabi ang subject. May mga professor din naman na naiiwan sa loob. Lahat sila ay napapalingon sa gawi ko pero wala ni Isa ang nag tanong kung na paano ako. " Amanda! " Napatingin ako ng biglang may tuwang sa pangalan ko. Nakita kong umaagos ng takbo lakad si Kuya Lester. Bakas sa mukha nito ang matinding pag alala. Napatayo ako bigla at hintay na makalapit siya sakin, namginginig parin ang katawan ko. " Kuya L-Lester! " mahina at paos kong tawag sa pangalan ni Kuya Lester. " Anong nangyari a'yo? Bakit ganiya ang hitsura mo. Sinong nambully sa'yo rito?! " sunod sunod na tanong ni kuya Lester, Bakas ang subrang galit sa boses nito. "K-kuya- " umiiyak kong tawag ng makalapit na ito. Agad niya ako niyakap. Ramdam ko ang pag tagis ng ba gang nito. " Anong nangyari sa'yo Amani? " mahina at malambing nitong wika. Ioinaliwanag naman ni Carlos lahat kay kuya Lester. Akala naman ni Carlos ay kapatid ko si Kuya Lester. Humingi rin ng paumanhin si Carlos at nangakong itong hindi na maulit pa. Sinabihan ko rin si Kuya Lester na wag na ipa rating ang mga nangyari kina Papa't Mommy ang nangyari. Hanggang sa dumating na kami ng bahay. I kinalma ko ang sarili ko. Para hindi makahalata si Papa sa nangyari sakin. Pag pasok ko ay bumungad sa'kin si Papa at Mommy na nag uusap, pero may kasama silang isang lalaki na nakasuot ng ternong black pants na pang opisina. Gwapo ang lalaki sa mukha nitong hugis puso. May kaliitan din ngmukha at makapal ang kilay at matangos ang ilong, katam taman ang laki ng labi. Mukhang mas bata pa kay Papa. " Oh, Amanda, na d'yan ka na pala. Come introduce your self kay Anthony , my younger brother. " wika ni Papa. Nakangiti ito pero hindi abot sa mata. Lumapit naman ako sa kanila. Dumako ang mata ko sa nag ngangalan na Anthony. Kitang kita sa mukha nito ang alak at saya na nakatingin sa'kin. "H-hello po, Ako po si Amanda, Tito. " mahina kong saad lumapit ako dito upang makapag Mano. Nakita kong titig na titig sa mukha ko. Napansin kong may kumislap sa mata nito na parang crystal. Umiiyak ba ito?. Mag mamano na sana ako pero hinila niya ako pa lapit sa kaniya. Nanigas ako ng yakapin niya ako. Ilang minuto kaming ganon hanggang sa maramdaman kong nabasa ang balikat ko. " I'm so happy to see you again Amanda. " nanginginig ang boses nitong sabi. Nag tataka naman ako sa sinasabi nitong 'happy to see you again?' eh ngayon ko lamang siya nakita. " Wag mo naman ganiyanin si Amanda, Anthony. You know her situation. " aniya ni Papa. Naramdaman kong sumingot singot pa ito. Bago niya niluwagan ang pag kakayakap sa'kin... " I'm sorry Amanda, I just remember my daughter to you. " natatawa nitong wika. Nginitian ko ito. Nasaan ba ang anak nito. " Ok lang po Tito.. . Nasaan po pala ang anak niyo? " tanong ko rito. Nag katinginan sila ni Papa, bago ito sumagot sa tanong ko. " Ahhh eh ...she's wait her mother iha. Ahmmp excuse me. I have to go to the rest room first." Wika nito at nag madali na itong umalis. At tinungo ang rest room. " Go to your room Amanda. " utos na wika ni Papa. Tumango naman ako at nag paalam na rin sa kanila. Pag dating ko sa kuwarto ko ay agad na ako pumasok sa banyo. Doon ko binuhos ang luha ko, na kanina ko pa gustong umiyak at mag sumbong kila Papa at Mommy, ang nangyari sa'kin kanina sa school. Pero hindi ko magawa dahil, Alam kong sermon ang aabotin ko sa kanila. Ang hirap ng situation ko dahil wala akong mapapa sabihan ng mga hinain ko sa buhay. Dahil pag sinabi ko sa kanila ay ako pa ang magiging masama sa kanila. Tulad noon na first day ko pumasok sa School. Libo-libong bully ang natangap ko sa mga studyante sa university na yon dahil sa mukha ko. Lahat sila ay lumalayo sa'kin. Akala mo may sakit akong kiting sa balak na nakakaawa. Tanging si Louisa lamang ang naging kaibigan ko. May lalaki rin ako naging kaibigan sa school si Ethan Benavidez. Pero pinapunta ito ng mga magulang sa ibang bansa upang doon mag aral. Kung gaano ka lakas ang buhos ng tubig ay ganon din kalakas ang buhos ng akin luha. Nakayap ako sa tuhod ko. Bali Nakabaluktot ako sa ilalim ng bath tub sa loob ng banyo ko. Nang mapagod at wala na akong luhang mailuluha ay saka ko pa ipinag patuloy ang panliligo ko. Pag katapos ko maligo ay binalot ko ang katawan ko sa tuwalya. Saka lumabas ng banyo. Napaigtad ako ng maabotan ko si Papa sa kuwarto ko na ka tayo ito na nakapamaiwang. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa'kin. " Why are you taking so long inside the bathroom. Amanda? " galit niyong wika. "What the hell have you done again, Amanda?! " muli nitong saad na tumakas na din ang boses. So alam na nito ang nangyari sa school kanina. Hindi naman ako maka sagot dahil di ko alam kung ano ang sasabihin. " I'm warning you Amanda. Don't drag my name down. Dahil hindi mo magugustohan ang gagawin ko sa'yo. Understand? " nanlilisik nitong saad. Napayuko ako staka tumango. Pinipigilan kong maiyak sa harap ni Papa. Baka saktan pa ako nito. Pag kasabi ay tumalikod na ito at tinungo ang pinto. Pag kalabas ni papa ay pag bagsak akong umupo sa kama. Saka muling lumandas ang luha sa akin mga mata. Naging kumpas ito sa bawat pag patak. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iyak, hindi na rin ako nakapag bihis pa ng damit. Masamang masama ang loob ko. Bakit ibang iba ang trato nila papa at mommy ang turing sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD