Selene POV "Dahil nandito ang hinahanap niyo," napakunot kami lalo ng aming noo dahil sa sinabi niya ng matandang mandirigma. "Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko dinalaw sa panaginip si Prinsesa Lysse." "Kung ganun may saysay rin pala na napunta tayo sa lugar na ito," seryosong sabi ni Sebastian. "Kung ganun dapat wala na tayo dapat aksayahin na oras," sabi naman ni Dwight kaya naman napatango kami. Tumango rin ang matandang mandirigma sa sinabi ni Dwight pagkatapos nun ay bumaba na siya sa hagdanan kaya naman sinundan namin siya. Habang pababa kami ng pababa ay padilim naman ng padilim ang paligid. Kaya medyo nahihirapan kami dahil baka mamaya gumulong kami paibaba. Hanggang sa may liwanag na, iyon pala ay ginamit ni Sebastian ang kanyang kapangyarihang apoy upang magkaroon kami ng

