Selene POV "At hindi Axe ang pangalan mo kundi Axter." A-Axter? A-Axter? Axter? Tila umulit-ulit sa isipan ko ang pangalang binanggit ni Leanna. Bumalik tuloy ang sakit ng ulo ko. May imahe ang pilit na nagpapakita ulit. Imahe iyon noong bata pa ako at nakatira sa may kabundukan bago ako nalipat sa bayan nung biglang nawala na lang ng parang bula ang taong nagpalaki sa akin. Napatingin naman ako sa nagpakilalang Axe. Hindi kaya may koneksyon kaming dalawa? O baka isa siya sa mga may alam kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao o sino ba talaga ako? Ewan ko. Naguguluhan ako sa mga oras na ito. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Umayos siya ng harap sa amin at napakamot siya sa kanyang batok. Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng masiglang ngiti. Nakaramdam din naman kami ng pa

