Chapter 19

3951 Words
Selene POV Bakit ako? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako nag-eexcell ng ganun kataas para mapili ako. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana dahil alam niyang ayaw ko mapabilang sa royal class? Katulad ng nangyari na sapilitan akong pag-aralin dito. May dalawang kawal ang kumaladkad sa akin papuntang stage. "Ano ba ayoko!" pagpupumiglas ko pero useless. Mas malakas sila kesa sa akin. "Ano ba yan ang arte?" "Kapal ng mukha niyang tumanggi." "Hindi ba niya naisip na ang swerte niya kasi makakasama niya ang mga Royalties?" "Kung ayaw niya ako na lang!" "Mas deserving ako kesa sa kanya!" "Ako na lang gustong gusto ko mapasama sa grupo nila." Bakit ba nangingialam 'tong mga 'to. Nginitian ako nung emcee. Sa pagkakatanda ko guro rin siya dito sa Academy. "Sa ayaw at sa gusto mo kasapi ka na ng Royal Class," nang-aasar na bulong sa akin ni Miss Wecky "Hindi ko ito gusto, huwag kayong magsisisi na inilagay niyo ako dito balang araw," ganti kong bulong. "Tahimik muna kayo! Miss Fin, Mister Willington and Miss Flaire. Congratulations to the three of you," masayang bati niya saka nagkaroon ng fireworks at confetti na iba iba ang kulay. Napatingin ako sa mga royalties. Nakangiti sa akin sina Princess Lysse at Prince Wright. Samantalang walang makikitang emosyon sa mukha nina Prince Dwight at Leanna. Si Prince Enzo naman ay kinindatan ako. Masama namang nakatingin sa akin si Princess Charity Luna na siyang kinakunot ng noo ko. Nakaramdam naman ako ng kakaibang aura. Mabigat sa pakiramdam. Napadako naman ang tingin ko kay Sebastian. Medyo nagulat ako nung nagtama ang aming paningin. Nakaramdam ako ng takot at kinabahan ako. First time kong makaramdam ng gantong pakiramdam sa buong buhay ko. Ako na ang umiwas sa titigan naming dalawa. "Students please go to your classrooms now." Announce ni Miss Wecky. Sa wakas tapos na. Bababa na sana ako kaso nagsalita si Miss Wecky. Si Miss Wecky ang adviser ng royal class. Siya na din ang nag sisilbing trainer nila. Ang ability niya ay kaya niyang makita ang mga tinatago mo sa loob ng damit mo. Kaya niya ding makita ang loob ng katawan mo. Parang scanner at xray. "Royals, sumunod kayo sa akin," sabi niya habang nakatingin sa akin. Nagpahuli ako sa pagsunod sa kanila. Narinig ko pa na pupunta kami sa opisina ni Headmaster Jax. Si Headmaster Jax ang pumalis sa pwesto ni Headmaster Grim ng mag retiro si Headmaster Grim bilang headmaster ng Academy. "Hello Selene," Nagulat ako nung tumabi sa akin si Princess Lysse nandito na kasi kami sa opisina ni Headmaster Jax. "Hello din Princess Lysse," ilang kong bati sa kanya. Ito ang unang beses na makakausap ko sila at makakasama ng malapitan. Hangga't maaari kasi ay gusto ko na mapag-isa ako dahil ayoko ng center of attraction, pero mukha ngayon ay masisira na iyon. "Simula ngayon kaibigan na namin kayo dibm?" Masayang sabi ni Princess Lysse bago tumingin sa iba naming kasama dito sa opisina. "Syempre naman," pabagsak na umupo sa tabi ko si Prince Enzo at inakbayan ako sabay kindat sa akin kaya napangiwi ako sa ginawa niya. "Enzo, wag mo nga pagtripan si Selene," saway ni Pincess Lise kay Prince Enzo pero nginitian lang niya ang prinsesa. "Paparating na si Headmaster Jax," Napatingin kaming lahat kay Leanna dahil sa sinabi niya nakayuko lang ito at nagbabasa ng libro. "Paano?" hindi ko sinasadya na mabasa ang nasa utak ni Dwight. "Iyon ang ability niya," walang ganang sabi ko. Tinignan naman ako ng masama ni Prnce Dwight. Ngayon sa akin naman sila nakatinging lahat na para bang may nagawa akong mali. Tss, sinagot ko lang naman ang tanong niya. "Huwag mong basahin ang nasa isipan ko," pagsusungit ni Dwight. "Hindi ko kasalanan kung nakabukas ang isip mo Prince Dwight, isarado mo kas," ngising sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya. Akmang susugurin niya ako pero pinigilan siya ni Princess Lysse. Pikunin pala ang isang 'to. Kaya naman lalo akong napangisi. "Ke bago-bago mo ang yabang mo na magsalita. Nagtataka ako kung bakit ikaw ang napili para mapasama sa grupo namin eh mukhang mahina ka naman," Pang-iinsulto sa akin ni Princess Charity Luna pero di ako papayag. Tinignan ko siya sa mga mata niya. "Una, hindi ako nagmamayabang. Pangalawa, kahit ako ayokog makasama kayo sa isang grupo," tinignan ko sila isa-isa saka bumalik ang tingin ko kay Princess Charity Luna. "At mahina? Ikaw ata ang nagmamayabang Princess Charity Luna," ngumisi ako kasi gigil na gigil na siya. "A-ano?!" nakakuyom na siya ng kamao. Siya ang nanguna tapos siya pa ang mapipikon. "Gusto mo sabihin ko pa talaga dito?" pang-aasar ko sa kanya kaya naman napatayo siya sa harapan ko. "Wala kang karapatan ---!" naputol ang sasabihin niya ng may nag-salita. "Tumigil na kayo!" mahinahon ngunit maawtoridad na sabi Prince Sebastian. Napatigil ako bigla dahil sa kanyang boses pero hindi ko iyon pinahalata sa kanila. Kahit si Princess Charity Luna ay naginig sa takot at parang maamong tupa na umupo ulit sa upuan. Alam ko na kung bakit siya ang leader ng grupo. Lahat ay tumahimik, walang kumikibo. Hanggang sa bumukas ang pintuan at niluwa nun ang matangkad na lalake. Si Headmaster Jax. Napaayos kaming lahat ng upo dahil sa pagpasok ni Headmaster Jax. Kung kanina mainit. Ngayon naman mas uminit. Ano bang nangyayari? "Buti naman dahil nandito na kayo," nakangiting sabi ni Headmaster Jax sa amin. Bakit ba ang hilig-hilig nilang ngumiti? "Ano po ba ang dahilan kung bakit niyo kami pinatawag?" tanong ni Prince Wright. May inabot siyang sulat kay Prince Sebastian na agad naman niyang tinanggap at binasa. Ilang segundo lang ata niya iyon binasa saka siya muling nagsalita. "Sige po maaasahan niyo kami sa misyon na ito," sabi ni Prince Sebastian at saka naglaho ang hawak niyang papel kanina na inabot ni Headmaster Jax. "Katulad ng inaasahan ko," natatawang sabi ni Headmaster. Ano 'yun? Ang bilis, tinanggap niya kahit 'di pa namin alam kung ano yun? "Mamayang madaling araw na ang lakad niyo. Saglit nakalimutan ko," tinignan ni Headmaster si Leanna at tumigil ang tingin niya sa akin. "Welcome to Royal Class," may kakaiba sa ngiti ni Headmaster Jax o nag-aassume lang ako? Pagkatapos nun ay pwede na daw kami dumiretso sa dorm namin upang makapaghanda na dahil mamaya na ang alis namin. "Masanay ka na kay Sebastian ganyan talaga siya. Mamaya sasabihin niya naman kung ano ang misyon natin eh. Maghanda ka na ha," bulong sa akin ni Princess Lysse. "Okay," tipid kong sagot saka umalis na at dumiretso na sa dorm ko. Lahat kami dito ay may sarili sariling dorm. Ganun kalaki ang Devron Academy. Pero naiiba ang dorm ng royals. Iisang dorm lang sila pero magkakaiba ang kwarto. Makakatagal kaya ako na kasama sila? --- Selene POV "At hindi Axe ang pangalan mo kundi Axter." A-Axter? A-Axter? Axter? Tila umulit-ulit sa isipan ko ang pangalang binanggit ni Leanna. Bumalik tuloy ang sakit ng ulo ko. May imahe ang pilit na nagpapakita ulit. Imahe iyon noong bata pa ako at nakatira sa may kabundukan bago ako nalipat sa bayan nung biglang nawala na lang ng parang bula ang taong nagpalaki sa akin. Napatingin naman ako sa nagpakilalang Axe. Hindi kaya may koneksyon kaming dalawa? O baka isa siya sa mga may alam kung ano ba talaga ang tunay kong pagkatao o sino ba talaga ako? Ewan ko. Naguguluhan ako sa mga oras na ito. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Umayos siya ng harap sa amin at napakamot siya sa kanyang batok. Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng masiglang ngiti. Nakaramdam din naman kami ng paggaang ng kapaligiran dahil doon dahil kanina ay puno kami ng tensyon. "Hindi ko inaakala na mabubunyag agad ang katauhan ko ngayon," sabi nito sa amin habang nakangiti na abot hanggang tenga. "Saan niyo nabasa ang tungkol sa akin? Sa libro bang isinulat ni Kristal?" "Opo," magalang na sagot ni Leanna sa nangangalang Axter. "Bakit kasi siya nagsulat nun," bulong niya ngunit rinig naman namin. Ngumiti siyang muli pagkatapos ay mas ngumiti siya ng napatingin siya sa akin kaya naman nailang naman ako dahil doon at napaatras ako 'yun pala ay nasa may likuran ko si Sebastian na nasa itaas na baitang ng hagdanan. Mabuti na lang nasalo ni Sebastian ang dalawa kong balikat kaya naman naalalayan niya ako dahil nawalan ako ng balanse sa pag-atras ko dahil nahihilo pa din ako. Napansin ko naman na nawala ang ngiti ni Axter at napatingin siya sa kamay ni Sebastian na nakaalalay sa akin. Tinignan niya iyon ng masama. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko dahil bigla na lang siyang tumalikod sa amin. Hindi ko rin mabasa ang nasa kanyang isipan marahil ay may kakayahan din siyang isarado ang kanyang isipan upang hindi iyon mabasa ng iba. "Talaga bang ayos ka lang Selene?" napalingon naman ako kay Sebastian dahil sa kanyang katanungan saka ako tumango sa kanya. "Oo, salamat Sebastian," sagot ko sakanya. "Maghanda kayo! Pag sinabi ko na tumalon kayo sa bawat baitang paibaba ay tatalon kayo! Talon sabay takbo saka talon ulit!" biglang sigaw ni Axter kaya naging alerto kaming lahat dahil hindi namin maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagkaganito. "Ano po ba ang nangyayari?" tanong sa kanya ni Lysse pero hindi niya man lang sinagot ang tanong ni Lysse. Nakita namin na malalim ang kanyang concentration kaya naman hindi na namin siya tinanong pang muli saka hinihintay namin ang kanyang hudyat hindi rin namin siya pinagdududahan dahil halata naman sa kanyang pag-fofocus at aura na parang may parating na masama. "Talon!" bigla nga kaming napatalon dahil sa kanyang sigaw. Nagulat kami dahil may mga barrel na bigla na lang mabilis na pababa ang nasa likuran namin. Kung hindi kami nakatalon doon ay baka natamaan na kami at napasama kami doon pagulong-gulong. "Hindi ko inaasahan na mayroong patibong na ganito dito. Tayo na. Kailangan nating tumakbo paibaba at para maiwasan natin ang mga barrel na iyan kailangan nating tumalon," sabi ng nagpakilalang Axter. "Isa pa, tandaan niyo na hindi lang basta isang barrel ang nasa likuran natin dahil isa iyong bomba na kapag na-detect nila na may white shadow ang mapadikit doon ay sasabog na lang iyon agad," paalala niya sa amin at inaya niya kami na tumakbo na dahil naririnig namin ang mabilis na gulong paibaba ng mga barrels na iyon. Ang ginawa namin ay binilisan namin ang pagtakbo paibaba at kapag nanjan na ang mga barrel ay tatalon kami bigla. Pero sa bawat pagbaba namin ay mas bumibilis naman ang paghabol sa amin ng mga barrel. Nagulat na lang kami dahil nagkaroon ng mga patusok na matutulis ang buong katawan ng barrel kaya naman mas binilisan namin ang pagtakbo paibaba. Naramdaman din namin na para bang yumayanig ang paligid namin at parang may babagsak sa may ilalim namin. Nawalan kami ng balanse dahil ang kaninang mga baitang na hagdanan ay bigla na lang nawala at napalitan iyon ng pa-slant na hagdanan dahil masyadong madulas ang paibaba ay gumulong kami paibaba. "Bilisan niyo! Tumayo kayo! Kailangan niyong patibayin ang inyong tuhod. Ilipat niyo ang pwersa niyo sa inyong mga paa! Tayo na anjan na ang mga barrel!" sigaw sa amin ni Axter habang siya ay tumatakbo na paibaba. Pinilit namin na tumayo sa aming pagkakagulong. Tinulungan ako ni Sebastian, habang si Leanna ay tinulungan naman ni Wright si Lysse at si Enzo ay ginamit ang kanyang hangin upang ipabalik sa pinakaitaas ang mga barrel, si Dwight naman ay inihanda ang kanyang barrier kung sakaling may sumabog na bomba sa amin. Sakto na naibalik ni Enzo ang mga barrel sa itaas ng may narinig kaming pagsabog. Kung nagkataon na hindi naging maagap si Enzo ay kami ang nasabugan nun. "Maaari na tayo magpadausdos paibaba," sabi sa amin ni Axter. "Para mas ligtas Lysse maaari bang maglagay ka ng tubig paibaba? Dwight lagyan mo ng barrier sa pinakaunahan. Sebastian akin na ang balahibo ng akwas," sabi niya sa amin at sumunod naman ang tatlong nabanggit. "Selene, ihanda mo ang sandata mo na boomerang dagger baka kailanganin din natin," nagulat naman ako dahil nalaman niya na may sandata akong boomerang dagger gayong ngayon pa lang kami nagkitang dalawa. Kahit ganun ay hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa kanyang sinabi at sinunod ko na lang ang kanyang sinabi dahil baka mamaya may nakaabang na kalaban sa amin sa ibaba. Mahirap na! Namangha dahil biglang nagliwanag ang balahibo ng akwas at umabot ang liwanag na iyon sa aming lahat. Tinignan ko ang aking kamay dahil tila nabalutan kami ng malakas na pwersa. Tila nagsisilbing pananggalang din ang liwanag na iyon na galing sa balahibo ng akwas kaya naman mas lalong tumibay ang ginawang barrier ni Dwight. "Nararamdaman niyo ba ang kakaibang pwersa na galing sa balahibo ng akwas?" tanong sa amin ni Ginoong Axter. Naisip lang namin na hindi naman tama kung sa pangalan lang namin siya tatawagin gayong mas matanda siya sa amin. At sa mga oras na ito ay pinagkakatiwalaan na namin siya. Palihim kasi kaming nag-usap sa aming mga isipan kaya ganun. Kaya nakapagdesisyon kami na ang itawag na lang sa kanya ay Ginoong Axter. "Opo nararamdaman namin," magalang na sagot ni Wright sa kanya. "Galing ang pwersa na iyan sa balahibo ng akwas. Kung malakas na ang nagagawang pwersa ng isang balahibo ano pa kaya ang magagawa kung marami kayong nakuhang balahibo ng akwas," Selene POV Isang araw na ang nakalipas nang sabihin ko iyon sa harap ng mahal na hari at reyna. At ngayon ay nasa harapan ko si Sebastian. Natutuwa nga kami dahil gumising na siya. Talagang nag-alala kami sa kanyang kalagayan. Nag-iisip rin kami kung paano mabawi sa mga dark shadow si Prinsesa Charity Luna at isama pa ang nabitawan kong salita sa harap ng mahal na hari at reyna na maibabalik namin ang mahal na prinsipe na kanilang anak. At heto ngayon galit akong tinitignan ni Sebastian dahil nalaman niya kung ano ang nangyari habang wala siyang malay. "Dapat hindi mo iyon ginawa!" sigaw sa akin ni Sebastian pagkatapos niya malaman ang binitawan kong salita. "Ginawa ko lang naman kung ano ang tingin kong nararapat!" ganting sigaw ko kay Sebastian. "Tama na Sebastian," awat ni Lysse sa aming dalawa. "Ang sabihin mo masyado kang mayabang! Pabida-bida ka!" biglang bulyaw ni Sebastian kay sa akin. Natigilan ako at ang iba pang nakarinig sa sinabi ni Sebastian. Para sa akin sobrang sakit na marinig iyon lalo na at galing pa kay Sebastian na talaga kinahahangaan ko na dahil sa taglay nitong lakas. "Selene," lumapit si Lysse sa akin at hinawakan ako sa kamay ngunit ngumiti lang ako ng mapait. "Sorry ha. Sorry kung masyado akong mayabang. Sorry din kung iniisip ko kayong mga royals. Pasensya na mahal na prinsipe," saka tumalikod ako sa kanila at hindi ko namalayan na tumulo na ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan na huwag bumasagsak sa harap nila. Saka ako umalis sa lugar na iyon hanggang sa napadpad ako sa may lawa ng kagubatan. "Kala mo kung sino!" Sigaw ko nandito ako sa may lawa. "Ikaw ang mayabang! Bwesit!" kinuha ko ang dagger ko at binato sa puno agad namang bumalik sa akin ang binato kong dagger. "Kala mo ang gwapo gwapo. Mukha namang kwago!!!" binato ko ng bato ang lawa. "Sinong kwago?" "Si Seb! Ay mukhang kwago si Seb! Aaaah!" "Ano ba bakit ka ba nang gugulat!" "Ako mukhang kwago? Baka gwapo," saka nilapit ni Seb ang mukha niya sa mukha ko. "A-ano ba!" bwesit feeling ko ang pula-pula ko na. Saka naman naging seryoso ang mukha niya. Dahil sa sinabi niya napangiti ako ng wala sa oras. "Sorry, hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko kanina. Sige una na ako." Bakit pakiramdam ko ang saya saya ko? Napangiti ako. Ang layo ng sarili ko ngayon sa dating Selene na halos wala nang paki alam sa iba o kung ano ba ang nangyayari sa paligid. Kahapon kasi nag-sorry agad si Sebastian. "Uy nakangiti siya," tukso sa akin ni Wright. "'Wag mo sirain ang araw ko," natatawang biro ko kay Wright. "Hmm, kilala ko kung sino ang nagpapangiti sayo ngayon," Tukso naman ni Lysse. "Iba talaga kapag inlove," dagdag pa ni Leanna. "Mga baliw," sabi ko habang napapailing dahil kung anu-ano ang kanilang naiisip. Napailing na lang sa amin si Dwight. Kahit kailan ang tahimik niya talaga. Napatingin ako kay Enzo. Ang tahimik niya pa din. Nagsimula yan nung dinukot si Charity Luna. Nagpaalam na kami sa Lasou Tribe at sa mahal na hari at reyna. Ngayon naman papunta na kami sa white land. Doon daw sinasabi na dinala ang dinukot na prinsipe. Magkahalo ang nararamdaman ko. Pagka-excite at pagkatakot. Mayroon kaming isang linggo upang mailigtas ang prinsipe at kung di namin magawa 'yun buhay ko ang kapalit na siyang di ko hahayaang mangyari. "Malaki ang white land. Mahihirapan tayong tukuyin kung nasaan ang lokasyon ng mga dark shadow na yun. At saka baka madamay ang mga inosenteng mamamayan ng white land," sabi ni Leanna. "Huwag kayong mag alala may kilala akong mandirigma na makakatulong sa atin," sabi ni Lysse. Dito na nagsisimula ang pagligtas namin sa mahal na prinsipe. Magagawa kaya namin ang misyon o mamamatay na lang ako na hindi ko pa natutuklasan kung sino ako? Mula sa Lasou Tribe ginamit na namin ang portal na tinuro ni Headmaster Jax kay Sebastian. "Grabe, nakakahilo pala dito," pagrereklamo ko pero tinawanan lang nila ako. "Dapat masanay ka na," sabi ni Leanna habang natatawa. "'Wag niyo sabihin na palagi tayong gagamit nito?" tanong ko. "Oo, kapag kinailangan," sagot ni Lise. Pagkalabas namin ng portal ay nasuka agad ako at nahihilo. "Ngayon ka lang ba nakaranas pumasok sa portal?" natatawang tanong ni Wright. Tumango ako habang nasusuka. Napailing na lang si Sebastian. Buti naman at hinayaan nila akong makabawi bago kami tumungo sa kakilala ni Lysse. "Bakit tinawag 'tong white land?" tanong ni Leanna habang naglalakad kami. "Dahil ang lugar na to ay tinatag ng ina ni Charity Luna, si Reyna Kristal na siyang naging asawa ni Haring Leo," sagot ni Lysse. Nakinig naman ako dahil baka may matutunan ako. "Dati kasi sinumpa ang lugar na ito. At ang nakaalis lang ng sumpa ay si Reyna Kristal. Gusto ng mamamayan ay isunod mula sa kanyang pangalan o apelyido ang lugar ngunit sinabi ni Reyna Kristal na kung maaari ay White na lang daw ang ipangalan at pumayag naman sila," paliwanag ni Wright. Napatango naman kami ni Leanna. Pero may gusto ako itanong. "Bakit White? Saan iyon nakuha ng mahal na Reyna Kristal?" tanong ko. "Sa nakaraang digmaan sixteen years ago, may isang babae ang nagbuwis ng buhay upang matalo ang Dark Lord na si Lucius. Dahil sa kanya muling nanumbalik ang kapayapaan dito sa Majika. Siya ang nag-iisang tagapangalaga ng mahiwagang bato na galing sa White Clan. Siya si Prinsesa Luna White na anak ni Master Morgan White," kwento naman ni Dwight. "Natatandaan ko na siya. Bakit ngayon ko lang naalala. Kahit ang mga magulang ko ay nasaksihan ang kanyang kabusilakan ng puso. Wala siyang pag-aalinlangan na ibuwis ang kanyang buhay. At ang nakakalungkot doon ay siya ang kauna-unahang babae ang nagpatibok sa puso ng mahal na haring Leo," sabi naman ni Leanna. "Isa pa alam naman daw kasi ni Prinsesa Luna na hindi siya ang itinakda para sa mahal na Haring Leo eh kundi si Reyna Kristal. Kahanga-hanga rin nun si Reyna Kristal, parehas sila. Kahit alam ni Reyna Kristal na siya ang itinakda ng propesiya na magiging kabiyak ng mahal na haring Leo, nagpaubaya siya upang magmahalan sina Haring Leo at Prinsesa Luna noon kaso ayun nga mas pinili ni Prinsesa Luna noon na ibuwis ang buhay niya para sa Majika at sa mga susunod na henerasyon kagaya natin. Saka..," sabi naman ni Lysse at saglit na tumigil. "Alam niyo bang handa na noon ibuwis ni Reyna Kristal ang buhay niya upang matalo si Dark Lord Lucius ngunit iniligtas siya ni Prinsesa Luna. Kaya naman upang tanawin ang utang na loob ay ipinangalan niya sa kanilang anak ni Haring Leo ay Charity Luna saka dito sa lugar na ito. Upang hindi malimutan ang magandang kasaysayan ng Majika noon at ni Prinsesa Luna. Alam niyo din ba na si Reyna Kristal ay sumulat ng isang libro na patungkol sa naging yugto ng buhay ni Prinsesa Luna? Mababasa iyon sa library ng Academy," nakangiting kinuwento ni Lysse. "Nagpagawa rin si Haring Leo ng rebulto ni Prinsesa Luna sa sentro ng Academy. Siya iyon. Tanda niyo na?" napatango naman ako sa tanong ni Dwight. Tanda ko na pero ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang kwento nun. "Sa White Clan galing sina Prinsesa Luna at ang ama nitong si Master Morgan White at binubuo ng mga may kakayahan tulad ng healer, mind reader at mga oracle ng mataas na pamilya. Nirerespeto ang clan na iyon. Ang ama ni Prinsesa Luna ang namumuo sa imperyo ang pangalan niya ay Master Morgan," paliwanag ni Sebastian. Gusto ko pa sanang  makinig pero sabi ni Lysse andito na daw kami sa bahay ng kakilala niyang mandirigma. Kakatok pa lang sana si Lise sa puting pintuan pero agad namang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang lalaking may balbas na kulay puti. Medyo may katangkaran at may hawak siyang tungkod. "Alam ko kung bakit kayo narito. Kung hindi niyo madadala sa akin ang balahibo ng Akwas hindi kayo makakatapak sa loob ng aking pamamahay." napanganga ako dahil bigla na lang niyang binalibag ang  pintuan. "Hays, pasensya na kayo ganyan talaga siya simula pa noon," paumanhin ni Lysse. "Pero saan natin matatagpuan ang akwas at anong uri ito ng nilalang," tanong ni Leanna. "Ang akwas ay isang uri ng malaking ibon," napalingon kami sa batang bigla na lang nagsalita. "Mukhang may alam ka sa akwas," sabi ni Enzo na kanina pa tahimik. Napakunot kami ng noo ng biglang ilahad ng bata ang kanyang palad sa amin na tila may hinihingi. "Sa panahon ngayon wala nang libre," walang emosyon na sabi niya. "Aba tuso ka ha," sabi ni Wright. "Eh kung ayaw niyo e 'di wag," tatalikod na sana 'to. "Teka-teka ito ang isang supot ng ginto. Ngayon maaari mo na bang sabihin sa amin kung anong nalalaman mo sa akwas?" ngayon ko lang nalaman na may dala dala pa lang ginto si Sebastian. Ano pa bang inaasahan ko sa isang prinsipe at prinsesang katulad nila. Bigla naman nag ningning ang mata ng bata. "Malaki 'to. Siguro ay galing kayo sa mataas na pamilya. At dahil jan patutuluyin ko muna kayo sa munti naming tahanan. Siguro ako na hindi talaga kayo papatuluyin ng matandang mandirigma na nakatira jan. Isa pa mag gagabi na." Tama nga ang bata mag gagabi na at kailangan naming magpahinga. "Pero bago yun samahan niyo muna ako sa night market." Wala na kami nagawa kundi ang samahan ang bata. Nagtaka ako kaya bang ubusin ng batang to ang pinamili niya? Ang daming pagkain ang binili niya. At dahil madami siya pinamili tinulungan namin para buhatin yun. Nagmamasid ako sa paligid. Sobrang saya ng lugar na ito at makulay dahil sa mga pailaw bawat sulok ng daanan. Talaga ngang malago ang lugar na ito. Pero ang isa pang nakakapagtaka. May mga ilan kaming nakikitang namamalimos o yung tinatawag na mahihirap na tao. Ang sabi ni Sebastian di naman daw naghihirap ang lugar na ito pero bakit may mga ganung nilalang? "Nanditoooooo na akooooo." Sigaw nung bata. Nanlaki ang mata namin nung mahigit kinse na mga bata ang nagsitakbuhan papalapit sa batang kasama namin. "Teka-teka wag kayong magulo may mga bisita tayo. Nakakahiya," sabi niya sa kapwa bata niya. "May hiya pa pala yang batang yan?" natatawang biro at bulong ni Wright. Siniko at sinamaan naman siya ng tingin ni Lise. "Halika nandun silang lahat." Sinundan namin siya. "Ano to?" Laking gulat na tanong ni Leanna. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD