Selene POV
"Sa wakaaaas!" sigaw naming lahat dahil sa wakas ay nakuha na namin ang balahibo ng akwas. Nakalipas na kasi ang tatlong araw saka lang nagpakita ang ibong akwas.
Kaso nahirapan pa din kami dahil ang likot ng ibong akwas. Malakas din ang kanyang pakiramdam, mas malakas pa kay Leanna ang pakiramdam ng ibong akwas. Nakakuha kami ng balahibo ng akwas dahil napansin namin na hindi pala masyadong nakakakita ang ibong akwas. Kaya naman kinuha na namin ang pagkakataon na iyon upang maisahan namin ang akwas kaya nakakuha kami ng kanyang balahibo. Mabuti na lang talaga at gumana ang naisip na plano ni Sebastian.
"Siguro naman patutuluyin na tayo ng matandang mandirigmang kakilala ni Lysse," sabi ko habang nakatingin sa hawak na isang piraso ng balahibo ng akwas na hawak ni Dwight.
"Eto lang naman ang hinihingi niya diba? Teka Lysse? Paano mo pala nakilala ang mandirigmang iyon Lysse?" tanong ni Dwight kay Lysse kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.
Napansin ko na hindi agad nakasagot si Lysse sa tanong ni Dwight at tila nag-iba ang kanyang ngiti. Tila nag-iisip rin ito ng kanyang isasagot pabalik kay Dwight kaya naman medyo nagtaka ako sa kanyang ikinikilos. Bakit siya nahihirapan na sagutin ang tanong ni Dwight?
"Tayo na sa bahay ng mandirigma. Kailangan huwag natin sayangin ang oras," sabi ni Wright kaya nalipat ang atensyon namin sa kanya. Dahil doon ay pumunta na kami sa bahay ng mandirigma. 'Yun nga lang nag balatkayo pa kami para hindi kami makatawag pansin sa mamamayan ng white land.
Pansin ko ang mga natira dito ay yung masasabi na may kaya sa pamumuhay. Natitiyak ako na kapangyarihan, koneksyon at salapi ang pinaiiral nila kaya naman hindi sila ginagalaw ng mga dark shadow. Nakakaawa nga lang isipin dahil kung tutuusin ay galing din naman sila sa hirap noong hindi pa umuunlad ang white land ngunit dahil nakaangat na sila at meron na silang salapi ay para silang nasilaw at tanging mga sarili na lamang ang kanilang naiisip at kinalimutan nila ang kanilang pinanggalingan at ang mga kalahi nila.
"Nandito na tayong muli," sabi ni Lysse saka namin siya tinanguan at pumunta na nga si Lysse sa harap ng pintuan ng mandirigma na sinasabi niya na kakilala niya at may alam kung paano namin mahanap ang nawawalang prinsipe ng Tierra Kingdom (earth kingdom).
Sa muling pagkatok ni Lysse sa pintuan ng mandirigma, isang beses pa lang siya kumakatok ay bumukas na iyong muli at nakita na namin ang pagsilip ng isang matandang lalake na lagpas na sa kanyang leeg ang haba ng kanyang bigote na kulay itim na kasing kulay ng kanyang buhok. Nahihiwagaan tuloy ako sa kanyang pagkatao. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa kanya ang paningin ko.
"Dala niyo na ba ang pinapahanap ko? Kung hindi ay maaari na kayo umalis sa teritoryo ko!" masungit na sabi nito sa amin at akmang isasara ang pintuan ng kanyang bahay pero agad na pinakita ni Sebastian ang nakuha naming isang piraso ng balahibo ng akwas.
"Pasok bilisan niyo," utos niya sa amin at hinayaan na niya kami na makapasok sa loob ng kanyang bahay ngunit nagtaka kami dahil ang buong akala namin ay isang isang bahay ang napasukan namin. May nakita kami na isang hagdanan na pababa. Kitang-kita namin kung gaano kahaba at kadilim ang pababang iyon.
"Magmadali na tayo," napatingin ako mandirigma na sinasabi ni Lysse na umuna na sa pagbaba.
"Naguguluhan ako," bulong ni Dwight pero rinig naman namin ang sinabi niya.
"Baka nasa baba talaga ang bahay niya," sagot naman ni Wright habang nakatingin siya sa kanyang kakambal.
"Lysse? May alam ka ba dito? Diba ang sabi mo may kakilala mo siya?" tanong sa kanya ni Sebastian.
"Ang totoo ay sa panaginip ko lang siya nakita. Sinabi niyang dumiretso tayo dito. Pasensya na kayo kung hindi ko agad sinabi. Sadyang gusto ko agad na matapos ang misyon natin dahil ayoko naman mapugutan ng ulo si Selene," sabi ni Lysse at nagsimula na siyang humikbi at umiyak.
"Sssh! Tahan na wala kang kasalanan Lysse. Pero sana sinabi mo muna sa amin," sabi ni Leanna at tinap niya ang likod ni Lysse para mapatahan siya.
"Sorry talaga," nakayukong sabi ni Lysse sa amin.
Hindi ko aakalain na dahil pala sa akin kaya iyon ginawa ni Lysse. Parang nakonsensya tuloy ako kung bakit kami napunta sa sitwasyon na ito. Sana pala hindi na lang din ako nag desisyon bigla na lang ng ganun.
"Wala na rin naman tayo magagawa. Nandito na rin naman tayo," seryosong sabi ni Sebastian.
"Tama ang sinabi mo. Wala nabkayong magagawa dahil nakapasok na kayo sa loob," sabi ng matandang mandirigma saka niya kami tinignan isa-isa. "Hindi na kayo makakalabas dito."
Sebastian POV
"May mga traydor sa academy," sabi ko at nakita ko sa kanila ang ibat ibang emosyon.
May nagulat, natulala, may napalunok atlt walang kibo. Tinitigan ko siya. Bakit parang wala lang sa kanya ang narinig niya? Hindi kaya? Pero anong dahilan niya para gawin niya yun?
"Nakakagulat, ngayon lang natin nalaman na may mga traydor sa academy ng mahabang panahon," sabi ni Lysse.
"Ang galing nilang magtago," sabi naman ni Wright.
"Matagal na alam ni Headmaster ang tungkol sa mga traydor. Pero hindi niya lang matukoy kung sinu-sino ba ang mga ito," sabi ko.
"Sinu-sino? Edi marami sila?" napatango naman ako sa tinanong ni Leanna.
"Oo madami sila. Kaya naman nahihirapan si Headmaster na ipahanap sila dahil nagtatago sila sa ibang katauhan," paliwanag ko ko naman sa kanila.
Napatingin kami kay Charity dahil umubo siya.
"Okay ka lang Charity?" pag-aalalang tanong ni Lise.
"Oo, siguro gawa 'to ng alikabok kanina," sagot ni Charity.
May pagkasakitan kasi si Charity.
"Magpahinga ka na lang muna," sabi ni Enzo at inalalayan si Charity papunta sa higaan nito.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Anong kinalaman ng mga traydor sa pagkawala ng prinsipe ng Tierra Kingdom?" Tanong ni Selene.
"Dahil may mga traydor sa academy. Ang matagal na pinapadalang sulat ng kaharian nila ay kinukuha ng traydor at kanila itong wawasakin. Para hindi malaman ni Headmaster para hindi agad siya makapagbigay ng tulong sa kaharian."
"Ibig sabihin may mga traydor din sa council?" napatango ako sa tanong ni Wright.
"Imposible ang mga council ang nagpapanatili ng kaayusan sa academyl," hindi makapaniwalang sabi ni Leanna.
"Kapangyarihan," tipid na sabi ni Dwight.
"Tama si Dwight. Dahil nasisilaw sila sa kapangyarihan at gusto pa nila ng mas malakas na kapangyarihan ay nagagawa nilang magtraydor."
Kung sino kasi ang may malakas na kapangyarihan dito sa mundong ito siya ang tinuturing na pinakamalakas. Kaya hindi na makakapagtaka kung may ilang naghahangad nito.
Sinabi ko na sa kanilang lahat ang tungkol sa misyon namin. At tungkol sa pagliligtas sa prinsipe. Kakatapos lang namin mag plano at mamayang madaling araw kami tutungo sa Tierra Kingdom para makausap ang hari.
Napagkasunduan namin na dadaan muna kami sa deep forest hindi kasi pwedeng gumamit ng portal sa lugar na ito dahil baka magising yung natutulog na halimaw. Hindi rin namin pwedeng magamit ang navis royale dahil may aking kapangyarihan din iyon.
Mula sa deep forest ay tutungo kami sa Mt. Bora at sa tuktok nun andun ang kaharian ng Tierra Kingdom.
Natanaw ko si Selene na nakaupo sa sanga ng puno. Kung titignan walan namang espesyal na abilidad si Selene dahil mind reader lang siya. Kaya bakit siya ang napili para mapabilang sa amin? Napatingin siya kaya naman nakipag laban ako ng titigan sa kanya. At siya ang unang umiwas sa titigan namin. Nakakapagod ang araw na to kaya mas pinili ko na lang ang matulog. Mahaba habang paglalakbay ang gagawin namin.
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng tent. Mga nagbabagsakang mga puno. Tinignan ko ang lahat mga tulog pa rin sila. Sa pangamba ko na baka mga kalaban ulit 'yun ay dali-dali akong lumabas. Pero ang nakita ko ay isang babaeng nakatalikod at hingal na hingal. Basang basa din siya ng pawis. Kahit ang buhok niyang nakatali ay basang basa din.
Tumalon siya ng mataas sabay bato ng dagger sa sanga. Kakaiba ang dagger niya dahil para itong boomerang na babalik ng kusa sa may-ari kapag binato. 'Di pa siya nakuntento at bago siya lumanding sa lupa ay binato niyang muli ang dalawang sanga at naputol din ito.
Patuloy pa rin ako sa panunuod sa kanya. Hindi man lang niya napansin na nanunuod na ako sa kanya dahil sobra siyang seryoso sa kanyang ginagawa. Nagulat na lang ako nung biglang may bumato sa kanya ng maliliit na bato. Nung una isang bato lang pero nung sumunod patatlo hanggang sa dumami na at di ko na mabilang. At mabilis pa ito nang pabilis. Pupuntahan ko na sana at aalamin kung sino yung bumabato sa kanya baka kasi kalaban nanaman.
Pero nakita ko kung gaano siya kabilis umilag sa mga bato. Ginagamit pa nga niya ang dalawa niyang kamay at sinasalo niya ang bato. Minsan tumatambling siya minsan tumatalon siya. Hanggang sa may batong papalapit sa akin. Sasaluhin ko na sana kaso nagulat ako nung biglang nasa harap ko na siya. Sobrang lapit niya. Kitang kita ko ang kayumanggi niyang mata. Kita ko rin sa mukha niya ang pagod.
"Selene," bigla kong sabi.
Umalis siya sa harap ko at tumalikod.
"Kanina ka pa?" may kung anong nilalang ang lumapit sa kanya.
"Medyo?" patanong kong sagot sabay lapit sa kanya.
"Siya ba ang bumabato sayo kanina ng mga bato?" yakap-yakap niya ang isang unggoy na may pakpak.
"Oo, alaga ko siya simula nung maliit pa ako. Kahit sobra niyang kulit at pasaway. Mahal na mahal ko siya," habang sinasabi niya iyon ay hinihimas niya ang ulo ng unggoy habang nakangiti. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang ngiti niya.
Totoong ngiti.
Siguro naintindihan siya ng alaga niya kasi bigla itong namula at niyakap niya si Selene.
"Ang aga niyo naman mag-date," napatingin ako kay Wright na halatang kakagising lang.
"Dumadamoves na ah. Senpai." tukso din ni Enzo.
Mga loko to ah!
"Maghanda na kayo. Aalis na tayo," sabi ko at nagulat naman sila Enzo at Wright.
"Pero nagugutom ako/hindi tayo kakain?" sabay na sabi nilang dalawa.
"Hindi," at nanlumo sila. Buti nga sa inyo.
Selene POV
Kanina pa ako kinukulit nina Enzo at Wright para kausapin ni Sebastian na kumain muna kami. At kanina pa din ako tawa ng tawa. Kanina pa din sila inaasar ni Leanne at Lysse. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nakakatawa na ako ngayon ng totoo. Tapos kanina nakangiti na din ako ng totoo. Hindi ko alam pero parang bumabalik na ako sa dating ako. Yung masayahin at palasalita.
"Maawa ka naman sa kagwapuhan ko Selene. Gutom na gutom na kami ni Wright," pagmamakaawa ni Enzo.
"Kasalanan niyo din naman kasi eh," sagot ko sa kanila.
"Kung di niyo sana inasar si Sebastian kanina e 'di sana nakakain tayo," nakatawang sabi ni Lysse.
"Ikikiss kita Selene basta sabihin mo kay leader na kain muna tayo," naiiyak na sabi ni Wright.
"Eww, huwag Selene may germs yan," sabi naman ni Leanna
"Paano mo nalaman? Nahalikan na ba kita? O baka gusto mo ikaw halikan ko?" akbay ni Wright kay Leanne.
"Bagay kayo," natatawang sabi ko.
"Ayun, may couple na sa team," Panunukso din ni Lysse.
"Hindi hamak na mas gwapo naman sayo si Dwight," sabi ni Leanna.
"Okay lang. Isang paligo lang lamang sa akin ni Bal saka kambal kaya kami. Magkamukha kami."
Napailing na lang si Dwight sa kakulitan nila. Ang sarap naman pala nilang kasama eh.
"Magpahinga muna tayo!" sabi ni Sebastain at nagsigawan naman sina Enzo at Wright.
Magpapahinga na sana kami kaso may mga nakabahag na nilalang at may hawak-hawak na sibat ang nakapaligid sa amin. Nakatutok sa aming mga leeg ang kanilang sibat.
"Huwag kayong kumilos 'di kami magdadalawang isip na itusok 'to sa leeg niyo. May lason ito at kahit may kapangyarihan kayo wala kayong magagawa," sabi ng isa sa kanila.
"Sino kayo at anong ginagawa niyo sa kagubatan namin?" tanong ng isa.
"Galing kaming Devron Academy at patungo kami sa palasyo ng Tierra Kimgdom," sabi ni Sebastian.
"Ako ang prinsesa ng Sacred Kingdom. Wala kayong karapatan para gawin to!" sabi ni Charity.
Nagawa pa niyang ipagmayabang ang pagiging prinsesa niya. Tsk. Napatigil naman sila sa narinig nila.
"Totoo ba yang sinasabi niyo? Galing talaga kayo sa academy na yun? At siya ang prinsesa?"
Inirapan na lang sila ni Charity ng pigilan siya ni Sebastian. Ipinakita ni Sebastian ang badge ng school namin patunay na nag-aaral kami dun.
"Totoo nga!" sabi ng isa sa kanila tapos nagsimula na silang mag sigawan.
"Tutulungan namin kayo. Diba Sebastian?" tanong ni Lysse kay Sebastian.
Naikwento sa amin na may sumakop sa tribo nila at pinagmamalupitan sila nito. Pinagmimina sila ng sapilitan. Sinasaktan kahit mapa babae , matanda o bata man. At ang malala doon ang pinuno ng sumasakop sa kanila ay walang awang pinagsasamantalahan ang kababaihan sa kanilang tribo. Kokonti na lang din sila sa tribo nila dahil yung iba namamatay na dahil sa hirap, yung iba dahil sa gutom. Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan nila. Magbabayad talaga yung gumawa nito.
"Bakit hindi niyo sinubukan na humingi ng tulong?" usisa ni Leanne.
"Kapag ginawa namin 'yun papatayin nila ang mga asawa at anak namin. At wala din namang naglalakas ng loob na suwayin ang bagong pinuno," sabi nung isa.
"Saka ang lakas niya."
"Tapos ang laki niya din kumpara sa amin."
"Palibhasa kasi hawak niya ang isang pirasong gem stone," dagdag pa nung isa.
"Gem stone? Diba ipinasa na sa mga hari ang pangangalaga sa mga gem stone simula ng matapos ang digmaan?" sabi ni Enzo.
"Anong kulay ng gem stone ang hawak niya?" tanong ni Dwight at mukhang interesado siya dun.
Anong gem stone? Tahimik lang ako at nakikinig sa kanila.
"Brown po."
"Sa pagkakaalam namin ay iyon ang earth gem stone," sabat nung isa.
"Kung sa earth kingdom yun bakit meron siyang gem stone?" tanong ko.
"Mukhang ninakaw niya yun mula sa earth kingdom," sagot ni Charity habang nagsusuklay ng buhok.
"Ayun nga din po ang nasa isip namin," sagot nila.
Kung ganun mukhang may koneksyon ang taong sumalakay sa kanila at sa pagkawala ng prinsipe. Mukhang mahaba-haba pa nga ang lalakbayin namin.
---