Kabanata 19 Norwin Pagdating ko sa opisina naupo ako sa aking swivel chair. Tanging tunog ng tik-tak ng orasan at mahina kong pag-type ang pumupuno sa silid. Dapat ay nakatuon ako sa mga papeles ng Beltran Laboratory, pero paulit-ulit kong nakikita sa isip ko ang mukha ni Flor kaninang umalis ako. ‘Yong ngiti niya bago ako nagpaalam. May kung anong kumislot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ba itong naramdaman ko, pangungulila ba, o pagkailang. Ilang araw lang kami sa isla, pero parang may iniwan ‘yong lugar na ‘yon sa akin. Tahimik. Payapa. At si Flor, naging totoo siya ro’n. Walang takot, walang pag-aalinlangan. Ngayon, pagbalik namin sa lungsod, parang bumalik din ang mga pader na itinayo ko. Ang dating katahimikan ay napalitan ng bigat na hindi ko maipaliwanag. “Sir Norwin,” taw

