bc

The Ruthless Billionaire's Vow (Las Palmas 4)-SPG

book_age18+
101
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
family
fated
forced
second chance
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
blue collar
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

BlurbPara mapagtakpan ang kahihiyan ng ama sa pamilya ng mga Biltran, pumayag si Flora na magpakasal sa nag-iisang anak ng dalawang dalubhasang doktor sa Las Palmas, na si Norwen Biltran. Isang tanyag itong Engineer at negosyante. Subalit hindi inaasahan ni Flor na mahuhulog ang loob niya kay Norwen, subalit ang tingin naman sa kaniya ni Norwen ay isang laruan na ibinayad lamang sa kanila. Tunghayan ang kwento ng buhay ni Flor sa piling ni Norwen.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Chapter 1 Flor Sa tagal ng panahon na hindi ko nakita ang aking ama dahil sa iniwan niya kami ng aking ina at sumama siya sa kabit niya, subalit kahit minsan hindi ako tumanim ng sama ng loob sa kaniya. Iyon din kasi ang palaging pinaalala sa akin ni Mama. Mula sa Forest na kinagisnan kong lugar ay napadpad ako sa dito sa Sta. Cruz sa lugar nila Doctor Elezabith Beltran. Sila ang matalik na kaibigan ng akin ama. Ang ama ko ay si Florentino Gomez. Mayaman ang aking ama at naalala ko pa noon na pinapadalhan kami ni Papa ng pera. Subalit noong third year high school na ako ay hindi na ito nagpapadala dahil kontrolado na ng kabit niya ang pera. Si Mama ang nagtaguyod sa akin sa pag-aaral hanggang naging college ako kinuha ako ni Dr. Elezabith at pinaaral niya ako. Hanggang sa nakapagtapos ako ng dalawang kurso. Nag-aral ako ng pagka-doktor at nag-aral din ako ng radiologist subalit lumipat ako sa biology. Sa tulong ni Doctor Beltran ay nakapagtapos ako at nagtrabaho sa laboratory nila dito sa Sta. Cruz. Nakapagtapos ako na hindi umasa sa tulong ng Papa. Mabait sa akin ang mag-asawang doktor. May anak sila na isang lalaki at sa ibang bansa ito nag-aaral noon at nagta-trabaho na rin ngayon. Sa tagal ko kina Doktor Beltran, hindi ko pa nakita ang anak nila sa personal. Sa larawan ko lang ito nakita subalit highschool pa lang ito sa larawan. Kasalukuyan narito ako sa hospital kung saan naka-confine si Papa. Dinalaw ko siya nang malaman ko na dito siya sa Hospital sa Las Palmas. "Salamat anak dahil dinalaw mo ako. Gusto kong humingi sana ng patawad sa inyo ng Mama mo,'' mahinang sabi ni Papa. Nalugi ang kompanya niya at iniwan din siya ng kabit niya. "Walang anuman, Pa. Wala akong galit sa inyo. Kahit ano pa ang mangyari kayo pa rin ang ama ko,'' sabi ko kay Papa. Hawak-hawak niya ang aking kamay. "Nagsisisi ako kung bakit ko kayo iniwan ng Mama mo at sumama ako sa kabit ko. Patawarin mo ako, anak. Kung iba ang nagpakasasa sa pera na pinaghirapan ko. Sobrang sising-sisi ako dahil iniwan ko kayo ng Mama mo,'' sabi pa ni Papa sa akin. Ano ba ang ginagawa ng kabit sa buhay ng isang taong pamilyado na? Perahan lang naman sila, sirain ang pamilya, at kapag wala ng pakinabang maghahanap ulit ito ng pamilyang sisirain. "Matagal na kitang pinatawad Pa,'' sabi ko sa aking ama. "Anak, may hihilngin sana ako sa'yo. Subalit hindi kita pipilitin kung aayawan mo ang hihingiin ko,'' sabi sa akin ni Papa. "Ano ba ang hihilingin mo sa akin, Pa? Sabihin mo sa akin dahil kahit ano ang hihingiin mo ibibigay ko sa'yo,'' sabi ko sa aking ama. May maganda na akong trabaho at isa na rin akong doktor at may malaking sahod. "Anak, may malaki akong utang sa kaibigan kong si Dr. Diego Beltran. Ang napagkasunduan namin noon ipakasal sa anak niya si Veronica, ang anak ng kabit kong si Victoria. Ang kaso ayaw ni Veronica. Ang ina niya rin naman ang nakinabang noon sa pera na hiniram ko kay Dr. Diego. Ang gusto ko sana anak, ikaw na lang ang magpakasal sa anak nila. Magiging maganda rin naman ang buhay mo sa kanila dahil naroon ka na nga sa puder nila. Napag-usapan na rin namin ni Dr. Diego, ang tungkol sa bagay na ito.'' Hindi ako makapagsalita o makasagot sa sinabing iyon sa akin ni Papa. Nabigla ako sa sinabi niya. "Pero, Pa. Hindi ko kilala ang anak nila Dr. Beltran. Saka hindi pa po ako handa mag-asawa,'' sabi ko kay Daddy. "Pwes, magiging handa ka na, Iha. Ikaw na lang ang ipapakasal namin sa anak ko. Narito na siya sa Las Palmas. At hindi ko alam kung dumating na siya sa bahay. Kailangan makapag-asawa na ang anak ko para hindi na siya bumalik sa ibang bansa at mag-focus na siya sa paghawak ng negosyo ng pamilya.'' Napalingon ako sa aking likuran sa biglang pagsalita ni Dr. Diego Beltran; ang asawa ni Dr. Elizabeth Beltran. "Pero, Dok hindi ko pa nakikita ang anak ninyo sa personal?'' sabi ko kay Doctor D. Beltran. "Ipapakilala ka namin sa kaniya, Iha. Gusto ko rin naman talaga na ikaw ang mapangasawa ng nag-iisang anak namin dahil maliban sa matalik kong kaibigan ang Papa mo kilala ka rin namin,'' sabi pa sa akin ni Dr. D. Hindi ko alma kung ano ang isasagot ko sa kanila. Subalit kapag tumitingin ako sa mga mata ni Papa, parang nakikiusap ang mga tingin nito sa akin. "Pag-iisipan ko po muna, dok,'' tanging naging tugon ko sa sinabi sa akin ni Dr. D. "Sige, Iha. Pag-isipan mo ng mabuti. Subalit ngayon pa lang sinasabi ko sa'yo na malaki ang mababago ng buhay ninyo kapag pinakasalan mo ang anak ko. At ako na rin ang bahala sa pagpapagamot ng Papa mo. Wala kang dapat na alalahanin. Kahit ang bills niya rito sa hospital,'' sabi pa sa akin ni Dr. D. "Sige na, anak. Pumayag ka na dahil ikaw din ang makikinabang kapag pinakasalan mo ang anak ni Dr. Diego,'' pakiusap pa sa akin ni Daddy. Bumuntong hininga ako ng malalim. Para sa'yo, Pa. Pumapayag na po ako. Basta magpagaling ka lang at bumawi ka sa amin ni Mama sa mga panahon na nawala ka sa amin,'' sabi ko pa kay Papa. Nakita ko ang tuwa sa mga mata ni Papa, nang marinig niya ang naging tugon ko. "Salamat talaga, Anak. Oo, sisiskapiin kong gumaling para makabawi ako sa inyo ng Mama mo. Ayaw ko pa mawala sa mundong ito na hindi pa nakahingi ng patawad sa ina mo,'' sabi ni Papa sa akin. Natuwa rin si Dr. D, nang pumayag ako na magpakasal sa anak niya. Gusto ko maging masaya si Papa. Sabik kasi ako na makasama namin siya ni Mama. Gustong-gusto ko na mabuo ang pamilya namin na sinira ng isang kabit. Pagkatapos kong bisitahin si Papa, umuwi ako sa Forest Village. May mga dala akong groceries para kay Mama. Pagkakita ko kay Mama ay niyakap ko siya. "Kumusta ka na, Ma? Na-miss na kita,'' malawak na ngiti kong sabi kay Mama. Bihira lang din kasi umuwi rito. Paano kasi niyaya ko siya sa Sta. Cruz, ayaw naman kasi niya dahil hindi niya maiwan-iwan ang bahay bahay namin rito. "Mabuti at naalala mo pang umuwi rito. Wala ka pa rin kasama? Kailan ka ba uuwi rito na may ipakilala sa akin na nobyo mo? Maganda ka naman Flor, bakit walang nanliligaw sa'yo?'' Natatawa na lang ako sa tanong na iyon ni Mama. "Hali ka na nga rito sa bahay, Ma. Tulungan mo ako sa mga pinamili ko sa'yo,'' nakangiti kong aya sa kaniya. Nasa labas kasi kami dahil kabababa ko lang sa tricycle. Pumasok na kami ni Mama sa loob. Naupo naman ako sa upuan na yari sa kawayan. "Nakaka-miss maupo rito sa kawayan, Ma,'' nakangiti kong sabi kay Mama. "Ang dami naman nitong pinamili mo sa akin. Pero kailan ka ba talaga magdadala rito ng nobyo?'' tanong ulit ni Mama sa akin. "Hayaan niyo, Ma. Kapag umuwi ako rito sa susunod hindi na nobyo ang dadalhin ko kundi asawa mismo,'' natatawa kong sabi sa kaniya. "Sige, nga at gawan niyo kaagad ako ng apo,'' sagot naman nito sa akin habang natatawa. "Siya nga pala, Ma. Pumunta ako kay Papa, sa hospital,'' sabi ko kay Mama. "Mabuti buhay pa ang Papa mo. Pupunta na lang ako sa kaniya kapag patay na siya at magbibigay na lang ako ng limos sa kaniya,'' sabi pa nito sa akin. "Ma, ano ka ba? Huwag ka magsalita ng ganyan dahil hindi maganda pakinggan. Nadapa na nga si Papa, gusto mo pang hindi siya makabangon,'' nakasimangot kong sabi kay Mama. "Eh 'di, pabangunin mo ang babaero mong ama. Kinakampihan mo palagi siya na ang tagal niya nga tayong pinabayaan at kinalimutan,'' sabi pa ni Mama na may sama pa rin ng loob kay Papa. "Hinila ko ang kamay ni Mama at kinanlong ko siya at niyakap. "Ma, huwag ka na magalit kay Papa. Hindi ba masama ang nagtatanim ng sama ng loob? Patawarin mo na si Papa. Humihingi na nga siya sa atin ng patawad. Ipakita natin sa kaniya na kahit walang-wala na siya nandito pa rin tayo na tunay niyang pamilya,'' paglalambing ko kay Mama. Sumimangot siya at umirap pa ng kaniyang mga mata. Naiinis lang kasi ako sa Papa mo dahil ipinagpalit niya tayo sa malandi niyang kabit. Tapos kung kailan na walang-wala na siya at wala ng mahuthot ang babae sa kaniya basta na lang siya iniwan kung kailan na kailangan siya ng ama mo,'' wika pa ni Mommy sa akin. "Ma, wala na rin tayong magagawa dahil iniwan na siya ng kabit niya. Gusto ko pa naman sana mabuo ang pamilya natin. Ang saya ko, Ma dahil nakita ko si Papa. Huwag ka ng magtanim ng sama ng loob sa kaniya,'' sabi ko kay Mama. "O siya, sige. Gusto mo ba ng kape? O timplahan na lang kita ng Juice?'' tanong pa sa akin ni Mama. "Kape na lang, Ma, tugon ko sa kaniya. Kumalas ako ng yakap kay Mama at tumayo naman siya para magtimpla ng kape. Ang sarap ng pakiramdam ko dahil nakauwi ulit ako sa bahay. Simula kasi na nagtrabaho ako sa laboratory bihira na ako makauwi rito kay Mama. Naawa rin kasi ako sa mga pasyente ko na iwanan sila at kung gabi naman nagdu-duty pa ako sa laboratory. Kinabukasan naman umuwi na rin ako ng Sta. Cruz. Ang haba ng byahe ko, kaya pagdating ko pagod na pagod ako. Bukas pa ako mag-duty sa hospital. Hapon ako umalis sa bahay dahil gusto kong sulitin ang pagsasama namin ni Mama. Alas-nuebe ng gabi ako nakarating sa bahay na tinitirhan ko. Katabi lang ito ng bahay nila Mrs. Suarez. Bahay ito ng anak nila, kaya ako ang nakatira habang wala pa ang anak nila. Binuksan ko ang gate at isinara ko rin ito. May sarili din naman akong susi. Pagtapat ko naman sa pintuan sinususian ko rin ito. Pagbukas ko ng pintuan ang dilim sa loob, kaya binuksan ko ang ilaw. Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan. Nagtungo ako sa aking silid. Subalit laking gulat ko nang makita ko na may lalaking nakahiga sa ibabawa ng kama ko. Sa sobra kong takot napasigaw ako at itinapon ko ang bag pack ko sa tiyan ng lalaki. "Waah... Magnanakaw!'' Nagulat ito at napabalikwas ng bangon. Mabuti na lang nakita ko ang walis tambo sa gilid ng pintuan. Kinuha ko ito at pinaghahampas sa lalaki. "Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong magnanakaw ka! Dito ka pa talaga sa silid ko natulog at binuksan mo pa ang aircon. Hindi ka rito makakalabas ng buhay na hayop kang magnanakaw ka!'' sabi ko sa magnanakaw. 'Ginawa niya namang pangsangga ang kaniyang kamay sa bawat paghampas ko sa kaniya ng walis tambo. "Masakit na, ha!'' malakas na boses nitong sabi sa akin at sapilitang kinuha sa akin ang walis tambo. "Ikaw ang tress passing dito alam mo ba 'yon? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang may-ari ng bahay na ito. At ikaw nakikitira lang dito. Ang kapal naman ng mukha mo na ginawang silid itong silid ko,'' sabi pa nito sa akin. Ngayon ko lang natitigan ang kaniyang mukha. Napakagat labi ako nang marealize ko na anak pala ito ni Dr. D at Dr. Elizabeth. Ang gwapo nito na namumula pa ang kaniyang mga labi at pisngi. Ang tangos rin ng ilong nito at makapal ang mga kilay. "I-Ikaw ang anak ni Doctor Elizabeth at Dr. Diego?'' kinakabahan kong tanong sa kaniya. "Ako nga. Sinabi sa akin ni Mommy ang tungkol sa'yo na ikaw ang nakatira rito. At hindi ko naman inaasahan na darating ka ng gabi na parang akyat bahay at ikaw pa ang may gana magsabi sa akin na magnanakaw. Doon ka sa sala matulog dahil ginawa kong tambakan ng gamit ko ang kabilang silid. Hindi ka pwede roon matulog at baka mawawala ang mga gamit ko roon,'' masungit pa nitong sabi sa akin. Masungit at mayabang din pala ang anak nila Dr. Beltran. Ang pangit ng ugali kasing pangit ng mukha niya noong high school siya sa larawan niya na nakasabit sa pader ng bahay ng mga magulang niya. "Pasensya na po Kuya, kung napagkamalan kitang magnanakaw. Hindi ko kasi alam na anak ka nila Dr. Beltran. Mukha ka kasing matanda!'' panlalait ko sa kaniya sabay talikod. Pang-asar ko lang naman iyon dahil napahiya ang pride ko. Pero hindi siya mukhang matanda. Ang gwapo nga niya. Pinaghalo ang mukha ni Dr. D at Dr. Elizabeth. "Huwag mo akong tawaging Kuya, dahil mas matanda ka pa tingnan sa akin!'' pahabol pa nitong sabi sa akin at binato ako ng unan. "Ayan ang unan mo!'' sabi pa nito sa akin. Bumaling naman ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Kinuha ko sa sahig ang binato niyang unan sa akin at inirapan ko siya. Padabog akong naupo sa sala. Ang malas ko naman dahil dumating ang impaktong iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
80.2K
bc

I'M HIS SEX SLAVE

read
5.2K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
11.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
106.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
306.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
48.0K
bc

The Real About My Husband

read
32.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook