Episode 22

2743 Words

Kabanata 22 Flor Tanging huni lang ng mga kuliglig sa labas at mahinang kaluskos ng hangin sa mga dahon ng mangga ang naririnig ko mula sa bintana ng kuwarto ko. Dito sa bahay sa Forest Village. Pagkatapos namin kumain ni Mama, pumasok na ako dito sa silid ko. Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame. May mga nakasabit na glow-in-the-dark stars mga stickers na nilagay ko pa noong high school ako. Ilang taon na rin pala ang lumipas, pero heto ako, bumabalik sa silid na dati kong takbuhan kapag may problema. Nakakatawa, pero parang wala pa ring nagbago. Ako pa rin ‘yung Flor na tumatakbo palayo kapag hindi na niya kayang intindihin ang gulo sa paligid niya. Nilingon ko ang cellphone ko sa tabi ng unan. Alas-diyes na ng gabi. Naka-off ang ilaw, tanging mahinang liwanag lang mula sa lamp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD