Chapter 25 Flor Hinayaan ko ang sarili kong matangay sa init ng mga halik ni Norwin sa aking mga labi. Gusto ko siyang itulak, pigilan, sabihing tama na, pero hindi ko magawa. Parang bawat halik niya ay kumakawala sa pader na itinayo ko sa pagitan namin. Ang mga labi niya ay gumagalaw nang marahan, parang may sinasabi na hindi niya masabi sa salita. Bumaba ang mga halik niya sa aking pisngi, sa gilid ng panga, at tumigil sa pagitan ng aking leeg at balikat. Napasinghap ako. Mainit ang hininga niya, at sa bawat sandaling naroon ang labi niya, parang bumabagal ang mundo. Ang mga daliri niya ay dumulas pababa sa aking braso, maingat, marahan, na para bang kinikilatis kung hanggang saan siya puwedeng magtagal. “Norwin…” tawag ko, halos pabulong. “Hmm?” tugon niya, hindi inaalis ang mukha

