“Hindi ba’t sinabi kong huwag ka nang babalik dito? Ang tigas din ng ulo mo ‘no?” pagkasabi ay tiim ang bagang habang nakapameywang ang binatang kung naging babae lang e talagang mapagkakamalang si Katlyn. “May importante akong sasabihin. Pakinggan mo lang ako kahit sandali.” Hindi muna lumabas ng kotse si Katlyn bagkus ay nanatili ito sa kotse habang naghihintay ng senyas ni Aldred. “Ano pang importanteng pakay mo rito? Wala na ang kambal ko kaya wala nang dapat pang pag-usapan,” giit naman na Kurt. “At ‘pag hindi ka umalis ay baka magka-blackeye ulit ‘yang mga mata mo,” sabi pa nito na ikinuyom ang mga palad. “Kurt, buhay si Katlyn,” saad niya rito na hindi pinansin ang sinabi ni Kurt at sinabi kaagad ang pakay. “Hibang ka ba? Wala kang respeto sa patay! Umalis ka na bago pa magdili

