Special Chapter 2 - Back to Manila

1509 Words

“Boss, nandito na sila.” Pagkakita pa lang ng dalawang kapatid ni Sarah sa magkasintahan ay agad na ini-report na ng mga ito kay Mico. Matapos kasing malaman nina Mico at Sarah na umalis ang dalawa ay agad pinamatiyagan ng mga ito ang bahay nina Aldred at Katlyn. Sinigurado ng mga ito na walang oras na hindi sila gising. Salitan ang magkapatid na Pando at Bulol sa pagbabantay. Lingid sa kaalaman ng mga ito na nakita na sila ni Lloydie. Makailang ulit na nitong tinawagan si Katlyn ngunit hindi nito makontak noong nasa probinsiya ito. Ngunit nang nasa Manila na ulit ay nakontak na niya ito. “Bakit ngayon mo lang sinagot? Ilang beses na kitang tinatawagan.” Hindi naman ito galit pero hindi rin naman mapalagay ang boses nito. Alam niya kasi kung gaano kasama ang mga ito kaya nag-aalala siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD