Kinabukasan din, matapos ang mga sandaling pananatili nila sa campsite ay nagdesisyon na silang magtungo sa pamilyang kinilala ni Katlyn. Nang maaksidente siya sa falls at mawalan ng malay roon ay ang mga ito na ang nakita niya pagmulat ng mga mata niya. Mapalad siya sapagkat nauna siyang natagpuan ng mga ito bago pa man siya makita ng mga humahabol sa kaniya. “Ate Kat!” Magkasabay na napalingon sina Aldred at Katlyn nang marinig ang hiyaw ng isang binata sa bintana ng isang bahay. Napangiti si Katlyn dahil sa nakita. Sa tagal niyang hindi nakauwi sa mga ito ay binata na nga si Carlo—ang itinuring niyang kapatid na naiwan ng mga magulang nito sa kinilala niyang pamilya sa loob ng ilang taon. “Carlo, kumusta?” Abot tainga ang ngiti niyang makita ito. Nalilito naman si Aldred kung bakit ki

