Nagtungo muna sa falls ang dalawa kung saan hindi napuntahan ni Aldred noong nag-camping sila dahil nawala na si Katlyn. Sa lahat ay ito lang ang walang ipinagbago. Natural pa rin ang mga batong nakapalibot dito na tila sinadyang hindi pakialaman ng may-ari ng lugar upang mapreserba ang kagandahan nito. Ngunit ganoon pa man ay may malamlam na mga ilaw ang nakapalibot dito nang sa ganoon ay kita pa rin ang daan na kanilang tatahakin. Tanaw ang linaw ng tubig sa ilog at dinig ang lakas ng tunog ng lagaslas ng tubig sa falls. Ramdam din ang lamig ng simoy ng hangin na dumarampi sa kanilang mga balat. “Doon tayo, Mahal!” turo ni Aldred sa dalaga nang makarating sa falls. “Parang ang hirap namang puntahan niyon. Mabato.” Hindi alam ni Liza kung paano nakatatawid ang mga tao sa kabilang puwes

