“Buwisit! Sigurado akong inilalayo niya sa’kin si Katlyn!” daig pa ang pusang naapakan ang buntot sa galit kay Aldred na sigaw ni Mico. Panay ang hampas sa manibela habang iniisip kung saan hahanapin ang dalawa. “I told you, kakailanganin mo rin ako. Kung no’ng una pa lang ay pumayag ka na idispatsa ang babaeng ‘yon, e, ‘di sana hindi ka parang asong mababaliw sa kahahanap sa amo mo.” Magkasama ngayon sa sasakyan sina Mico at Sarah. Walang nagawa ang binata kung hindi ay kontakin si Sarah para magpatulong hanapin sina Aldred at Katlyn. Nagpaalam ang mga ito na magbabakasyon at sikreto lang ang lugar na pupuntahan. Ayaw nilang ma-kompromiso ang destinasyon nila kaya hindi nila sinabi kay Mico. “Kapag nalaman ko kung nasaan ang dalawang ‘yon, pati ‘yang Aldred mo madadamay.” Nagngangalit

