8

3325 Words
“ANO ANG pakiramdam ng first kiss, Jem?” Sandali ko lang nilingon si Mattie at kaagad ibinalik ang aking atensiyon sa daan. Ipinahiram sa akin ni Daddy ang sasakyan niya para magamit namin. May sasakyan na ako pero mas magara ang sasakyan ni Daddy. “It’s not gonna happen, Matilda. You might as well accept that.” Hindi ko hahayaan na may makalapit man lang sa kanyang boys. Sa mga babae lang siya makikipagsayaw sa gabing ito. All her sweet and slow dances will be with me—just me. Napalabi si Mattie. “Hindi naman `yan sagot sa tanong ko. Gusto ko lang malaman. Masama ba?” “It was horrible.” “Nagsisinungaling ka.” “Totoo. My first kiss was horrible. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong nagmamadali. It was... messy, sloppy.” Hanggang maaari ay ayaw ko nang alalahanin pa. Isang senior ang naging first kiss ko noong high school, si Andrea. Alam na ni Andrea kung paano humalik. Naimbitahan kami ni Andres sa isang party ng mga senior. Pareho kaming excited kasi ang mga senior ang pinakaastig sa eskuwelahan. It was a wild party. Maraming inuming nakakalasing. Maingay ang musika. Noon lang kami nakapunta ni Andres sa ganoong uri ng party. Pareho kaming manghang-mangha. Mahirap paniwalaan na lahat ng naroon ay mga high school student lang. Dahil sa isang truth or dare kaya ko naranasan ang aking first kiss. Someone dared Andrea to kiss the sophomores—me and Andres. I was so excited. She kissed me. I immediately opened my mouth. Dahil masyado akong sabik na hagkan ang isang babae at dahil nalasing yata ako sa isang bote ng light beer, nawalan ako ng kontrol sa sarili. I ate Andrea’s mouth. And my saliva, oh God, I don’t really want to remember. Ako ay isang malaking kahihiyan. Hanggang sa maka-graduate ang mga senior na nakasama ko sa party ay hindi ko na muna sinubukang humalik ng babae. “It was so humiliating.” I even shuddered. Kapag nagkaanak ako ng lalaki, baby pa lang ay bibigyan ko na siya ng pointers sa tamang paghalik ng isang babae. I swear. “Kuwento mo.” Umiling ako. “No way. What I’m trying to say, Mattie, is you shouldn’t hurry your first kiss. It should be special. Spontaneous. Hindi pinaplano dahil lang napanaginipan mo. It should be with someone special, someone dear to your heart.” Hindi sumagot si Mattie. Nang lingunin ko, nakita kong tila mataman siyang nag-iisip. I am pleased with myself. Maganda kung makumbinsi ko siya ngayon pa lang. “I think it should be with your husband, on your wedding day,” dagdag ko pa. Ilang sandaling nanahimik si Mattie bago nagsalita. “What if I don’t get to have that?” “Don’t get to have what?” “A wedding? Paano kung mamatay na ako bago ko pa man makilala ang lalaking mapapangasawa ko?” “Puwede ba, Mattie? Can you stop talking about death?” Tumagilid siya ng upo at hinarap ako. “I know you don’t believe me. Alam ko na naiinis ka sa akin tuwing sinasabi ko na mamamatay ako. Pero it’s gonna happen, Jem. I know, it will happen. And I wanna fall in love before that happens. I wanna experience the beauty of love. I want to have someone to treasure before I die.” “Bata ka pa. Hindi ka pa mamamatay at lalong hindi ka pa puwedeng ma-in love. Hindi ka pa puwedeng mahagkan.” “I just want to experience it all,” giit niya. Marahas akong nagpakawala ng hininga. Normal marahil talaga sa mga teenager ang pagiging matigas ang ulo at curious. Sa palagay ko ay curiosity lang talaga ang nagtutulak kay Mattie ngayon, hindi dahil iniisip niya na baka mamamatay na siya bukas. Nais lang niyang malaman kung ano ang pakiramdam na mahagkan. Ayokong basta na lang siya pumayag na mahagkan dahil sa curiosity. Ayokong ma-disappoint siya, pagsisihan ang lahat pagkatapos. Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya kanina. I want her to experience her first kiss with someone special. Gusto kong maramdaman niya ang nararamdaman ng mga heroine sa mga binabasa niyang pocketbook. I want her to have butterflies in her stomach. I want fireworks for her. I want her to experience grand romantic gestures. I want one great love story for my Mattie. She deserved all that because she was the sweetest, loveliest, and the most special princess in the whole universe. Inabot ko siya at mariing pinisil ang pisngi. Nakasimangot na pinalis niya ang kamay ko. “I’m gonna experience it all.” “You will,” sabi ko. “Huwag ka lang masyadong magmadali. It’ll come in time.” “How would I know?” “Look for a sign.” I only said that to placate her. Wala akong gaanong pakialam sa mga sign-sign noon. “No, let’s have a bet, Jem.” “Anong klaseng bet?” “Kapag naranasan ko ngayong gabi ang una kong first kiss, you’ll do everything I ask of you. Kapag hindi, gagawin ko ang lahat ng gusto mo.” Narating na namin nang mga sandaling iyon ang hotel kung saan gaganapin ang prom. Bumaba na ako ng sasakyan at ibinigay sa valet ang susi. Inalalayan ko si Mattie na makababa. “Hindi ka basta-basta na lang manghahalik para manalo. It has to be spontaneous. And special. You can’t cheat, Mattie.” Nakangising ikinawit niya ang braso sa braso ko. “I never cheat, Jem. I know it will happen tonight. May tiwala ako sa panaginip ko.” Pinisil ko ang ilong niya. “I will not let it happen.” DRAW. Iyon ang resulta ng pustahan namin. I believed Mattie cheated but she vehemently denied it. Pagpasok namin sa bulwagan, the game was on. Hinayaan ko muna si Mattie na makasama ang mga kaibigan at kaedad niya. Nilapitan ko ang mga teacher na kilala ko dahil naging teacher ko rin noong high school. Ayoko namang hindi mag-enjoy si Mattie kaya binigyan ko siya ng kaunting space. Kahit na nakikipagkuwentuhan, hindi ko siya inalisan ng tingin. She had fun. She giggled and laughed with her girl friends. Hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin na ipinupukol sa kanya ng ilang kalalakihan. Hindi ko sila masisisi. Mattie was the loveliest young lady in there. Nang hindi na makontento sa tingin ang mga lalaki at nagsimula nang lumapit, tinabihan ko na si Mattie at inakbayan. Tinikwasan niya ako ng isang kilay. It didn’t bother me one bit. “Come on, let’s dance,” pagyayaya ko sa kanya nang pumailanlang sa buong bulwagan ang isang mabining musika. Inunahan ko na ang mga binatilyong nag-iipon ng lakas ng loob na yayain siyang sumayaw. Nagpaakay naman si Mattie sa dance floor. Nakalabi na ipinatong niya ang mga kamay sa balikat ko. “You’re not gonna let anyone else dance with me, are you?” “You can dance with your girl friends. It’ll be so much fun.” Nagtaas-baba pa ang mga kilay ko habang ngiting-ngiti. Ipinaikot ko ang aking mga braso sa baywang niya. Sinupil ko ang masidhing kagustuhang mas hapitin siya palapit sa akin. I honestly didn’t know then where that urge came from. “This is cheating. Paano ko malalaman na may special at spontaneous na magaganap kung palagi kang nakabantay?” “Huwag kang sumimangot, sayang ang ganda mo.” Pinisil ko ang baba niya. “If it’s meant to happen, it’s going to happen.” She pressed her cheek on my chest. Something jolted inside my chest. I thought it was my heart but that was absurd, right? “Siguro ay tama ka. Mangyayari at mangyayari `yon kahit na hindi ko pilitin dahil iyon ang nakatadhana.” “Y-yeah.” Bakit bigla ay hindi ako naging komportable? “This is our first dance,” sabi niya mayamaya. “No,” tugon ko. “May picture tayo na nagsasayaw noong naging ring bearer ako at flower girl ka sa isang kasal ng kaibigan ng parents natin. Iyon ang first dance nating dalawa.” Kunot ang noong napatingin si Mattie sa akin. Ilang sandali na hindi ako nakahinga. She was too beautiful up close. Tila mas nagiging maganda siya sa paningin ko sa paglipas ng bawat sandali. Kahit na nakakunot ang noo ay napakaganda pa rin. Parang gusto ko nang mag-freak out. What was happening to me? Ganoon ba talaga ang kapangyarihan ng makeup? Kapag ba nabura na iyon sa mukha ni Mattie ay mabubura na rin ang kakaibang damdamin na mabilis na umuusbong sa aking puso? “You really know how to ruin a moment.” I can’t remember how I ruined the moment. Hindi ko maalala kung ano ang pinag-uusapan namin. Nakatitig lang ako sa mukha ni Mattie, pinagsasawa ang aking mga mata sa kanyang kagandahan. I mentally shook my head. No, this was not happening to me. I’m not attracted to Mattie. I can’t be. She was friggin’ Mattie! I am not attracted to her, pag-uulit ko pa sa aking isip. Marahas ko siyang inilayo sa akin. “Sa palagay ko ay kailangan mo nang makipagsayaw sa mga kaklase mong lalaki.” Sandali lang nangunot ang kanyang noo sa kalituhan. Kaagad ding gumuhit ang isang maluwang na ngiti sa kanyang mga labi. “Hahayaan mo talaga ako?” Tumango ako. Hahayaan ko na siyang mahagkan kung iyon ang makakapagpayapa sa naliligalig kong puso. Tinalikuran ko na siya, hindi alintana kahit na may tinig na nagsasabi sa akin na hindi dapat basta-basta na lang iniiwan ang isang babae sa dance floor. Mas malakas ang tinig na nanggagaling sa puso ko na nagsasabing hindi ko naman talaga siya gustong iwan, na hindi ko talaga gustong makitang nakikipagsayaw sa ibang lalaki si Mattie. Nanahimik lang ako sa isang sulok at pinagmasdan ang paligid. Kaagad nakahanap ng partner si Mattie. He looked like a geek, complete with nerdy glasses. Pagkatapos niyang makipagsayaw sa geek ay lumakad si Mattie palapit sa akin, pero naharang siya ng isang matangkad na lalaking mukhang jock. Hindi na siya nakalapit uli sa akin. She danced with all types of boys—pangit, guwapo, may pimples, makinis ang mukha, matangkad, pandak, mukhang matalino, mukhang ewan, mukhang mabait, mukhang salbahe. Walang pinahindian si Mattie. Wala siyang sinimangutan. It was like she liked all the boys there, and they all loved and adored her. That didn’t sit well with me. Habang tumatagal ang pagmamasaid ko kay Mattie na nakikipagsayaw sa mga lalaking kaedad niya, lalong hindi gumaganda ang aking pakiramdam. Parang gusto ko munang lumabas at sumagap ng sariwang hangin. Pero nanatili ako sa loob at hindi nilubayan ng tingin si Mattie. Iniisip ko pa lang na bibigyan ko ng pagkakataon ang sinuman na hagkan siya ay sapat na upang magpainit ng ulo ko. Kahit na pag-ihi ay pinigilan ko. Sa wakas ay patapos na rin ang prom. Pinalabas ang lahat sa viewing deck ng hotel. May fireworks display palang inihanda. Isang alumnus ang nag-donate niyon na magulang din ng isang nagpo-prom. “Ang daya,” sabi ko habang tinatabihan at inaakbayan si Mattie. “Noong kami ang nag-prom, walang ganito.” Mas inilapit ni Mattie ang sarili sa akin. “Gano’n talaga. Life’s not fair.” Iniyakap pa niya ang mga braso sa baywang ko. I couldn’t believe how that gesture felt good. Suddenly, my whole body felt warm. Parang hindi ko alam na nilalamig ako hanggang sa maramdaman ko ang katawan niya na malapit sa akin. Na sadyang katawa-tawa dahil may suot akong coat, samantalang si Mattie ay nakahantad ang mga balikat. I pulled her closer to me, just in case she was cold. Mas humigpit naman ang mga braso niya sa baywang ko. Hindi kami sinita ng mga teacher dahil alam naman nila mula pa noon na talagang malapit kami ni Mattie sa isa’t isa. Nagsimula na ang fireworks display. Sabay-sabay na napasinghap sa katuwaan at pagkamangha ang lahat ng nasa viewing deck nang sumiklab ang iba’t ibang kulay sa madilim na gabi. It was so beautiful. Napatingin ako kay Mattie. She was smiling in awe. Walang sinabi ang ganda ng fireworks display sa kagandahan niya. I knew she loved fireworks. Kapag nasa Enchanted Kingdom kami, palaging ang fireworks display ang kanyang kinapapanabikan. Napatingin siya sa akin. Mas lumapad at mas tumamis ang kanyang ngiti sa mga labi. My heart contracted violently. Ibinalik ko ang tingin sa kalangitan. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? naitanong ko sa langit. “Jem, there’s something on your hair. Gumagapang na pababa sa tainga mo.” Naramdaman ko ang paggalaw niya dahil masyadong magkalapit ang mga katawan namin. “Ha?” Hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya dahil masyado akong lulong sa aking iniisip. Halos wala sa loob na nilingon ko si Mattie. Hindi ko naman akalain na nakatingkayad na pala siya at masyadong malapit ang mga mukha namin sa isa’t isa. My lips made contact with something warm and soft—Mattie’s lips. Parehong namilog ang mga mata namin habang magkalapat ang aming mga labi. Hindi ko mapaniwalaan ang naganap. My mind raced and then suddenly, it just shut down. I was all feelings. My heart raced. Parang may isandaang kabayo na naghahabulan sa dibdib ko. Her lips were the softest. Kapagkuwan ay naramdaman ko ang pagporma ng ngiti niya sa mga labi ko. Natauhan na ako sa wakas. Inilayo ko ang sarili kay Mattie. Nawalan siya ng balanse sa biglaang pagkilos ko ngunit naagapan ko bago pa siya tuluyang matumba. Hindi nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Nagsasayaw sa kaaliwan at katuwaan ang kanyang mga mata. “`Told ya.” Halos maging isang linya na lang ang mga kilay ko dahil sa pagsasalubong. Hindi ko gaanong maintindihan ang kanyang sinabi. “It just happened,” nakangiti niyang saad. “You have given me my first kiss, Jem. I win.” My God, she looked so happy and so satisfied. She looked so exquisite. Sa wakas ay tumimo na sa isip ko ang naganap. “You cheated!” akusa ko sa kanya. I still couldn’t quite believe we kissed. Mattie and I kissed! “Hindi, ah!” tanggi niya sa mariing tinig, ngunit tila sinusupil ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. “May gagamba sa buhok mo. Gusto ko lang tanggalin. Pagkatapos lumingon ka. Hindi ako nandaya.” Hinaplos ko ang aking buhok. Walang gagamba. Naningkit ang mga matang tiningnan ko si Mattie. “Nasaan ang gagamba?” Bakit hindi pa rin kumakalma ang puso ko? Bakit may pakiramdam ako na may nagbago sa pagitan namin ni Mattie na hindi na maibabalik kailanman? It was like it was the end of life as we knew it. And it really was. Hindi ko lang kaagad nabatid. Kaswal na nagkibit ng mga balikat si Mattie. “Nawala na.” Gumihit na nang tuluyan ang nasisiyahang ngiti sa kanyang mga labi. “Nandaya ka,” giit ko habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. Her eyes sparkled with mischief. “Hindi nga. Ang kulit-kulit mo.” “Kung hindi, sana may gagamba.” “Baka umalis na kaagad.” “Agad-agad?” “Baka lumipad.” “Hindi lumilipad ang mga gagamba.” “Sure ka?” “Mattie!” “Hindi naman kasi ako sure na gagamba ang nasa buhok mo. Baka ibang insekto. Na lumilipad. Kaya lumipad.” “Nandaya ka.” She rolled her eyes. “Hindi nga.” “Walang gagamba.” “Meron nga kanina, ang kulit mo.” “Ako pa ang lolokohin mo, Mattie? I graduated valedictorian in elementary and high school. I’m a dean’s lister. Walang gagamba.” “Meron. Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?” Nagpaikot-ikot lang ang usapan naming dalawa. Alam kong paulit-ulit na kami pero gusto ko talagang aminin ni Mattie na wala talagang gagamba at talagang nandaya siya. We didn’t talk about the kiss until we were in the car. “Panalo ako,” giit ni Mattie habang nasa daan na. Halos alas-dos na ng madaling-araw. Kung hindi pa nagsiuwian ang kanyang mga kaibigan ay hindi pa siya uuwi. “Hindi. Nandaya ka. Walang gagamba.” Alam ko na paulit-ulit na ako sa gagamba pero wala akong pakialam. Kung bakit naman kasi wala akong natagpuang gagamba sa ulo ko. Kung mayroon siguro, hindi ako patuloy na maliligalig. Kung may gagamba, mapapaniwala ko ang sarili kong aksidente lamang ang lahat. “Ano ang naramdaman mo, Jem?” Medyo humina ang tinig ni Mattie. Tila biglang nahiya. Napatingin ako sa kanya. Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi, mukha ngang nahihiya. “Ano ang naramdaman saan?” “Sa kiss. I know it’s not your first but I hope it’s still special. Kahit na... a-accident lang talaga siya.” “Nandaya ka,” ang nasabi ko na lang dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Ayokong aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Paano ko kasi ipapaliwanag na parang niyanig ang buong mundo ko ng halik na iyon? Kumpara sa mga halik na naranasan ko sa ibang babae, walang-wala iyon kung tutuusin. Hindi na ako virgin sa puntong ito ng buhay ko, sa totoo lang. Pero hindi nagulo ng ibang mga labi ang sistema ko nang ganito. Maybe it had been different because it was Mattie. I was not supposed to kiss Mattie that way. Hindi dapat ako ang kanyang first kiss. Noong panahong iyon, kinumbinsi ko ang aking sarili na iyon talaga ang dahilan ng aking pagkaligalig. “Fine, don’t let me win. Pero I’m happy, Jem. Really, really happy.” “Dahil nakuha mo na ang gusto mo?” “Because my first kiss was with someone special.” Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Hindi ko siya tiningnan, deretso lang ang mga mata ko sa daan. “It’s everything that you said. Dapat masaya ka rin. You’re special and you’re someone dear to my heart. It’s spontaneous. It’s magical. It’s everything I dreamt of and more.” “Mattie... I... I...” Hindi ko maituloy-tuloy ang sinasabi ko. Ni hindi ko alam kung ano ang nais kong sabihin. Ni hindi ko malaman kung paano papangalanan ang aking mga nararamdaman. A part of me was happy, sad, and terrified. Hindi ko alam kung ano ang mas paiiralin, ang unang pakikitunguhan. Tinapik-tapik niya ang aking braso. “It’s gonna be all right, Jem.” Hindi ako naniwala. Kung magiging all right ang lahat, bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko? Bakit hindi pa ako napapayapa? Pagdating namin sa bahay nila ay dumukwang si Mattie at hinagkan ang aking pisngi. “Thank you, Jem.” Bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Ipinasok ko ang kotse ni Daddy sa garahe at pinatay ang makina. Hindi ako bumaba ng sasakyan. Papasikat na yata ang araw nang lumabas ako mula roon. The whole time, I just stared blankly in space, paulit-ulit na binalikan ang nangyari. Aksidente nga lang ba talaga? Mayroon o wala bang gagamba? Paulit-ulit ko ring binalikan ang mga sinabi ni Mattie habang pauwi na kami. The kiss was special, beautiful, and magical. Malamang na nakuha lang ni Mattie ang mga ganoong salita mula sa mga pocketbook na gustong-gusto niyang basahin. Masyado lang siyang lulong sa ideya ng first kiss. Kinumbinsi ko ang sarili na kalimutan na lang ang pangyayari kahit na may malaking parte sa puso ko ang nais kumontra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD