I AVOIDED Mattie after the prom. Kapag lumalapit siya, nakakagawa ako ng paraan para makaiwas. I started going out with friends during Sundays. Palagi kaming nag-aaway ni Mommy dahil doon pero kinausap siya ni Daddy. Binata na raw ako at natural na mas gusto kong makasama ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya. Ang katwiran ni Mommy, kaibigan ko rin naman sina Andres at Mattie. Ang tugon ni Daddy, umpisa na raw iyon ng pag-alis ng mga anak sa poder ng mga magulang, masanay na dapat si Mommy sa pagiging independent ko.
May mga pagkakataon na totoo ang sinabi ni Daddy. May mga pagkakataon na nakokornihan na ako sa Sunday family bonding activities. At that point in my life, friends had been my primary focus. I wanted to explore the world. I wanted to try new things. Hindi ko magagawa ang ilang mga bagay kapag nakabantay palagi ang mga magulang ko.
Ngunit ayaw ko lang talagang makasama si Mattie sa iisang lugar. Nagbago na nang tuluyan ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na magawang maging komportable kasama siya. Madalas ko siyang naiisip at ayoko nang ganoon. Ayoko na wala akong maisagot sa mga tanong ko sa sarili. Lalong ayoko na naguguluhan ako sa aking damdamin.
Tila hindi rin naman pansin ni Mattie na iniiwasan ko siya. Sa panig niya parang walang nangyari sa pagitan namin pagkatapos ng gabi ng prom. Tila hindi siya naligalig katulad ko. Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Kaya nainis din ako sa kanya. Bakit ako lang ang apektado? Ang sabi niya ay espesyal ang kanyang first kiss. Ganoon ba ang espesyal?
Okay, so nagtampo rin ako. Bukod sa natakot talaga ako sa aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit, kung saan ang source. I guess, I’ve always hated change—especially sudden changes. Nahihirapan akong mag-adjust tuwing may malaking pagbabago na nangyayari sa buhay ko.
Mukhang tama naman ang hula ko dahil nahanap ko rin paglaon ang isang babaeng magpapayapa sa aking nagulong mundo. Si Carmela. Isa siyang Civil Engineering student. Nagkakilala kami sa birthday ng isa kong kaibigan. Nakita ko siyang tahimik lang sa isang sulok at pinapanood ang mga kaedad naming nagkakasiyahan. Nilapitan ko siya at tinabihan ng upo. Nag-usap kami at kaagad na naging komportable sa isa’t isa. Inihatid ko siya sa kanilang bahay nang gabing iyon. I got her number. We texted endlessly. Then we started going out. Isang buwan akong nanligaw bago ko nakamit ang kanyang matamis na oo.
I could say that my relationship with Carmela was my first serious romantic relationship. I truly loved her. With Carmela, it was not just an attraction. She was the first girl I planned my future with. She was the first girl I thought I’d marry one day. She had been so perfect, you know. Mahinhin at mayumi. Matalino. Magalang. Sweet at lovable. Napakalambing.
Carmela was also my first real heartbreak. Pero napapangiti rin ako kahit na paano tuwing binabalikan ko ang alaala. Marami akong natutunan sa naging relasyon namin. Dahil din sa kanya, marami akong nabatid ukol sa sarili ko.
Anim na buwan na ang relasyon namin ni Carmela nang ipakilala ko siya sa mga magulang ko. I decided to take her to one of our sacred Sunday family bondings. Nagdala si Carmela ng mga cupcake. Siya raw ang may gawa niyon. My mom hated it. Hindi niya gaanong gusto si Carmela. Noon, nakaka-amuse ang reaksiyon ni Mommy. Alam ng mga magulang ko na nagkaka-girlfriend ako pero hindi ko inuuwi sa bahay, hindi ko ipinapakilala sa kanila. Si Carmela ang una at indikasyon iyon na seryoso talaga ako sa relasyon namin. Ang sabi ni Daddy, nagseselos lang si Mommy dahil up to that point, I was hers. Pakiramdam daw ni Mommy ay inaagaw ako ni Carmela mula sa kanya. Idagdag pang mas gusto ko raw kasama si Carmela tuwing Linggo. Nagtatampo lang daw nang kaunti ang mommy ko dahil hindi na niya ako gaanong nakakasama. Kasama nga nila ako sa araw na iyon ngunit hindi naman masosolo.
Iginiit naman ni Mommy na hindi ganoon. Mahusay raw siyang kumilatis ng tao at hindi raw maganda ang pakiramdam niya kay Carmela. Mother’s instinct daw ang tawag doon. Idinagdag pa niya na hindi masarap ang cupcake ni Carmela. Natawa na lang ako noon.
Dinala ko si Carmela sa bahay nina Mattie dahil hindi ko gaanong gusto ang atmosphere sa bahay namin. Sa hapon pa kami magsisimba at alam kong abala na sa pagluluto ng pagsasaluhang tanghalian si Ninang Martinna. Gusto kong makilala rin ng godparents ko ang aking nobya.
Nadatnan namin sina Mattie at Andres na abala sa sala. Napakaraming librong nakabukas sa coffee table. Nakasimangot si Mattie habang may kung anong isinusulat sa notebook. Andres’s expression was stern and strict. Matamang nakabantay ang mga mata niya kay Mattie.
“Hey, `sup?” nakangiting bati ko sa magkapatid.
Kaagad nag-angat ng ulo si Mattie mula sa ginagawa. Nagliwanag ang kanyang buong mukha pagkakita sa akin. Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin habang ibinabato ang pinagsusulatan at sinugod ako ng yakap.
“Jem! Nandito ka! I missed you!”
Natawa ako kahit na halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa leeg ko. Ginantihan ko ang kanyang yakap. Happiness rushed through me. I missed her, too. I couldn’t quite believed how much. Magkapitbahay kami ngunit hindi na kami gaanong nagkikita.
May kung ano rin sa ekspresyon ng mukha ni Mattie na humaplos sa aking puso. Tila napakasaya niyang makita ako, tila sabik na sabik. Habang yakap ko siya, nabatid kong ganoon din ang aking nararamdaman.
“Matilda, bumalik ka rito,” utos ni Andres sa mariing tinig. “Hindi mo pa tapos ang ginagawa mo.”
Mas humigpit ang pagkakayakap ni Mattie sa akin. “I hate him,” pabulong niyang pagsusumbong.
Natawa ako. She never hated Andres. She loved him more than she loved me.
“Matilda,” nagbabantang sabi ni Andres.
Kumalas sa akin si Mattie. “Oh, shut up. We have guests.” Bumalik siya sa kanyang upuan at nakalabing dinampot uli ang notebook na itinapon kanina.
Naalala kong kasama ko si Carmela. Nang masilayan ko ang magandang ngiti ni Mattie, nalimot ko sandali si Carmela. Hindi ko mapaniwalaan. Nang balingan ko si Carmela ay natagpuan ko siyang nakatitig kay Andres. Dahil marahil sa guilt, hindi ko nakita nang malinaw ang ekspresyon ng aking nobya. Hindi ko nakita ang paghanga sa mga mata niyang nakatuon sa matalik kong kaibigan. Hindi ko binigyan ng kahulugan ang kanyang pagtitig.
Ipinakilala ko sa magkapatid si Carmela. Mattie smiled warmly at her. Tipid at pormal ang naging bati ni Andres. Hindi na ako gaanong nagtaka dahil ganoon naman talaga ang kaibigan ko sa lahat ng bagong kakilala. Madalas ko nang maikuwento sa kanya si Carmela ngunit ngayon lang talaga nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala ang dalawa. Andres had been busy with his studies. Pursigido siyang maging doktor at isang taon na lang ay matatapos na siya sa pre-med course.
“Ano ba ang pinagkakaabalahan n’yo?” tanong ko habang nakatingin sa mga nagkalat na libro. “Linggong-Linggo, ah.”
“He’s making me study,” nakangusong sumbong ni Mattie. Nang mapatingin ako sa kanya, kamuntik na naman akong mapabulalas ng tawa. Nakakaawa ang hitsura niya. Parang aping-api ang bata.
Marahas na nagpakawala ng hininga si Andres. “Puro palakol ang grades niya,” sabi niya sa akin, parang nagsusumbong din.
“Lahat? Kahit sa GMRC?” Hindi gaanong masipag mag-aral si Mattie, ngunit mabait naman siya.
Tumango si Andres. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Mattie. “How did that happen?”
Parang walang narinig na ibinaon ni Mattie ang ilong sa notebook at hindi sumagot.
“She punched someone in the face,” wika ni Andres.
“He was a bully,” Mattie whispered against the notebook.
Napabuntong-hininga si Andres. “Nakipagsabunutan siya sa isang kaklaseng babae. Sinagot niya ang isang teacher. Nag-cutting classes siya para makapaglaro sa arcade. Nahuli siyang nangongopya sa kaklase.”
Buong mukha na ni Mattie ang nakabaon sa notebook.
“Grounded siya buong buhay niya,” dagdag pa ni Andres. “At kailangan niyang mag-aral para tumaas ang mga grade niya. Simula na rin ng entrance exams sa kolehiyo kaya kailangan ko talaga siyang tutukan.”
Napailing-iling na ako. Sinabi kong pupuntahan ko si Ninang sa kusina para hindi na kami makaistorbo sa pag-aaral nila. Kailangan na kailangan nga ni Mattie na mag-aral. Aminado akong bahagya akong nag-alala para kay Mattie pero kayang-kaya na iyong ayusin ni Andres.
Abala nga sa pagluluto si Ninang sa kusina. Ipinakilala ko si Carmela sa kanya. Mas maganda ang pakikitungo ni Ninang kay Carmela kaysa kay Mommy. Mas na-appreciate din niya ang cupcake na dala ng aking nobya. Nanatili kami ni Carmela sa kusina ni Ninang at nakitulong sa pagluluto. Mas naging komportable na si Carmela, naging makuwento na. Hinayaan ko muna sila roon. Hindi kasi ako nakatiis, binalikan ko ang magkapatid sa sala.
Hindi nagtagal, nakasimangot na rin sa akin si Mattie. She hated me as much as she hated her brother. Tinulungan ko kasi si Andres sa pagtuturo sa kanya. Her eyes were shooting daggers. She looked so adorable. I missed her so much.