46

2192 Words

INALALAYAN kong makaakyat si Mattie sa silid ko. Pumuslit na naman siya. Hindi raw siya makatulog kaya pinuntahan niya ako. Hindi na nawala ang hagdan sa tapat ng silid ko kaya hindi na siya nahihirapan. Wala rin namang nakakapansin na pirmi na ang hagdanan na iyon doon. “Sinabi ko nang `wag ka nang lumabas,” sabi ko habang isinasara ang bintana. “Halos hatinggabi na, baka mapahamak ka pa.” Naupo si Matti sa kama at niyakap ang unan. Ang ganda ng kanyang pagkakangiti. “Kunwari ka pa, gustong-gusto mo naman talaga akong masolo. Na-miss mo `ko.” Napangiti na rin ako. “Kanina lang po tayo magkasama.” Sa kanila ako kumain ng hapunan. Hindi nga lang ako gaanong nagtagal dahil kailangan kong tulungan si Daddy sa isa niyang design. Isa pa ay inutusan ako ni Andres na huwag masyadong i-distract

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD