NAGISING ako dahil sa paggalaw ni Mattie. Malaki para sa dalawang tao ang kama ko kung tutuusin ngunit mas pinili naming magsumiksik sa bisig ng isa’t isa. Halos hindi namin namalayan na nakatulog na kami. Pagtingin ko sa alarm clock na nasa night table ay nalaman kong wala pang alas-kuwatro ng madaling-araw. Impit na umiiyak si Mattie. Kaagad akong nag-alala. “Mattie? Sugar?” Binuksan ko ang lampshade. Nakapikit si Mattie, tila masama ang napapanaginipan kaya umiiyak. Niyugyog ko siya upang magising. “Wake up, sugar. It’s just a dream.” Bigla siyang nagmulat ng mga mata. “J-Jem?” nanginginig niyang usal. Nanlalaki ang kanyang mga mata, sindak na sindak. “Jem?” muli niyang usal, nabawasan ang panginginig at tila sinisiguro lang na naroon akong talaga. Hinagkan ko ang kanyang noo, pinah

