NANG mga sumunod na araw ay kapansin-pansin ang effort ni Mattie sa pagpustura. Parang pakapal nang pakapal ang makeup niya. Umiiksi ang kanyang bestida. Mas humahapit ang mga pantalong suot. Nagsusuot na rin ng high heels samantalang dati ay masaya na siya sa sneakers. Halatang-halata na nagpapa-cute siya sa eskuwelahan. At nahihirapan akong aminin kahit sa sarili lang na ganap na siyang nagbago sa paningin ko. Sometimes, my heart would skip a beat whenever I’d see her. Minsan, sandali muna akong matutulala sa kanya at hindi ko mapapaandar ang sasakyan kung hindi niya sasabihin, kung hindi niya tatanungin kung ano ang nangyayari sa akin. “Am I that pretty na ganyan ka na lang kung makatingin?” panunudyo ni Mattie isang umaga. It was Saturday. Nakasuot siya ng kulay-pink na bestidang wal

